Simula
“We’re preparing for our annulment.”
Napasinghap ang lahat ng nasa press release nang magsalita si Pietro Valencia ukol sa kanilang married life ni Aira. Marami rin kasing bali-balita na may hindi magandang nangyayari sa dalawa at minsan pa’y nakikita ang binata na may kasamang iba at hindi ang asawa nito.
“Ano po ang naging reaksyon ng asawa ninyo, Mr. Valencia?” tanong ng isang reporter. Maliban kasi sa press release ng product nito ay naitanong na rin ng madla ang marriage ng dalawa.
Hindi iyon sinagot ni Pietro. “I believe she understands that our life was not the way it used to be. And I hope everyone don’t condone and bother her for this. Thank you.”
Pagkatapos ay bumaba ito ng entablado. Nagkukumahog naman ang ilang reporters na makakuha pa ng statement sa binata. Guards were already on Pietro’s side to guard him and make way. Siguradong pagpi-piyestahan ang balitang ito sa internet. The two were not a celebrity but they were famous when it was broadcasted that he would be marrying someone who they said was not worthy of him. Kaya naman kapag lumalabas si Aira sa telebisyon ay napakarami ng mga komento ng mga netizens at ang karamihan doon ay haters nito.
Samantala, ang babaeng hinahanap at pinag-uusapan ngayon ay nakatitig lang sa telebisyon. Pain and shock were written on her exquisite face. She was breathing hardly, and her eyes are hot, brimming with tears. She was expecting that maybe they can still make things right, pero wala naman itong ginawa kung ‘di ang iwasan siya. Kinuha niya ang mobile phone at tinawagan ito habang naginginig ang kamay. She wants to talk to him! She wants to know why he’s doing this! Noong nakaraan lang ay nakita n’yang may lipstick stain ang kwelyo ng damit nito at tinanong niya kung may kinikita itong ibang babae and to her dismay, he said that it came from a woman in the party he went. And she knows na galing iyon sa aktres na palaging kasama nito.
Biglang nagbago si Pietro. Hindi niya alam kung kailan, pero umuuwi na lang ito ng late at amoy alak. She thought he’s just having a problem at work but no, he’s just avoiding her. Naging malamig ang trato nito sa kanya at tila ba iniiwasan siya. Hindi na rin siya nito sinasama kapag aalis at may pupuntahang event, sa halip ay si Karen ang nakakasama nito kaya nagsimula ang bali-balita na nagkakalabuan silang dalawa. They’ve been married for about three years. Nagkakilala sila sa bakery niya mismo at doon nagsimula ang panliligaw nito. She loves him, really, pero ngayon hindi niya alam kung kagaya pa rin ba noon ang nararamdaman nito sa kanya. The phone continues to ring but no one is answering it. Binato niya ito sa sala at sinabunutan ang sarili habang patuloy na pumapatak ang luha niya sa mukha. Hindi siya makahinga ng maayos, sobra rin ang sakit sa puso ng ginawa nitong balita. Ano ngayon ang mangyayari sa kanya?
Napakuyom siya ng kamao. Gusto n’yang sumigaw. Gustong-gusto niya, pero parang hindi iyon makakatulong para mapaginhawa ang pakiramdam niya. Hindi man lang nila napag-usapan ni Pietro ang tungkol dito at basta na lang nag-release ng ganoong balita sa telebisyon. People always condemned her and now it just fuels them to hate her more. How can he be so heartless? Naging maganda naman ang relasyon nila for the past two years of their marriage but what went wrong?
Maya maya ay tumunog ang kanyang mobile phone at nakita ang pangalan ng isa sa mga taong importante sa kanya.
[Did you already know about this, Aira? The b*stard released it on t.v!]
She gulped and forced a smile, pero narinig pa rin ng kausap ang hikbi niya. The man’s eyes darkened and glared at the flat screen t.v at his home.
“No, kuya. I-I didn’t even think of it. K-kuya masakit…” She clutched her heart while on the floor.
[What? Totoo ba na mayroong namamagitan sa kanila ng aktres na ‘yon?] mariing tanong ni Alessandro at namulsa. He was clearly mad. This is the third time he heard his sister cry and it’s hurting him too.
“I guess. B-bakit siya makikipaghiwalay sa akin, hindi ba? He might be cheating on me when he’s always late going home. Gusto ko s’yang makausap.”
The voice on the other line sneered. [I should’ve stopped your marriage kung ganito lang rin naman ang mararanasan mo.] Kung nasa lugar lang siya ng binata ay sinugod niya na si Pietro.
“I didn’t see this coming, kuya. Masyado kasi akong kampante na hindi niya magagawa iyon. Mahal ko kasi, eh.” komento niya habang sumisinghot. Basang-basa na ang mukha niya ng luha. Tila ba nawalan ng gana ang katawan niya.
She’s expecting that he will come to settle the annulment at hindi nga siya nagkamali. Pasado alas dos ng hapon ay umuwi ito dala ang isang folder.
The man had a cold expression as he sees her. Binigay nito ang folder kay Aira upang mabasa nito ang nilalaman. Ni hindi na nito nagawang bumati pa sa kanya. Tiningnan lang siya nito. Nasaan ang dating yakap na sinasalubong nito sa kanya? Nasaan ang ngiti kapag nakikita siya nito? Blanko. Blanko lang ang mukha nito.
“This house will be yours as well as the twenty million cash. You can do everything you want out of it. Just sign the paper.”
“You’re not willing to call me wife anymore?” She smiled bitterly. “G-Gusto mo ba talaga ‘to, Pietro? Are you really giving up our relationship? Tell me why?”
“Just sign the papers, Aira. I need to go.”
“Hindi!” Hinawakan ni Aira ang braso nito ng mahigpit. “Sabihin mo sa akin, Pietro! Akala ko may problema ka lang, problema ba sa akin?! Nagsawa ka na?! Ano?!”
The man clenched his jaw. “Alam mo kung bakit? I don’t see myself growing with you anymore, Aira. I’m losing my interest in this relationship!” sagot nito at malakas na inalis ang kapit ng babae sa kanya.
Aira staggered a little, looking at Pietro bewildered. A-ano? Eh, bakit pinakasalan pa siya nito?! Iiwan kapag ayaw na? Hindi man lang gagawa ng paraan para i-resolba pa?
“Gano’n na lang ba ‘yon sa’yo, Pietro? Kaya mong talikuran ang mga pangako mo? She really got you. Hindi ko ini-expect na madali kang matukso. You are just like the other men! Manloloko!”
Dahil sa galit niya na gustong sumabog ay kinuha niya ang annulment paper bago tiningnan ng masama ang asawa kasabay ng pagtulo ng luha nito. Huminga siya ng malalim at napahigpit ang hawak niya sa ballpen.
“If this is what you want. I just hope you won’t come back crawling towards me. Umalis ka at huwag nang babalik pa. I should’ve never trusted a man like you,” seryosong turan ni Aira. Binato niya ang papel at ballpen dito. Napakagat siya sa labi para maiwasang humikbi.
Pietro was slightly taken aback at her attitude towards him. Well, he can’t blame her after what he did. But this is better. His heart felt pierced by a sharp knife and his breathing hitched seeing her like this. But the feeling quickly fades away.
“Kunin mo na ang mga gamit mo sa taas bago ka umalis,” turan ni Aira bago pumuntang kusina. Hindi niya kayang makita itong lilisan na sa bahay na kanilang pinagsamahan ng magta-tatlong taon. Her eyes stung and wiped her cheeks.
Pietro looked at his wife’s back before going upstairs to get his things. Habang nagliligpit ay nakita niya ang picture nilang nasa frame nang kinasal sila. He hesitated before getting the photo from it and stuffed it on his bag. Tumingin-tingin pa siya sa paligid bago huminga ng malalim at bumaba. He didn’t see Aira downstairs. It seems the woman will not bother to see him off. Napahigpit ang hawak niya sa folder bago umalis sa bahay na ‘yon.
Nang makaalis ang kotse ay doon na sumilip si Aira sa bintana. Tanaw-tanaw ang papalayong si Pietro. Tila ba naging madilim at malungkot ang bahay at nawalan siya ng gana sa lahat.
She closed her eyes. If this is just a dream, she wants to wake up.
Sumandal siya sa pader at tumingin sa loob ng bahay. Nag-flashback ang lahat ng mga alaala nilang dalawa ni Pietro mula sa pagdating nila dito habang siya ay naka-wedding dress, pagluluto habang nakayakap ito sa likod niya, habang nakaupo siya sa hita nito habang nanonood sila ng pelikula, at maging paghahabulan sa kusina dahil sa pagpahid niya rito ng arina. How could she forget these memories?
She could just sell this house. After all, siya lang ang masasaktan kapag binalikan niya pa ito.
Tiningnan niya ang singsing sa kamay at mabigat na huminga. Hirap na hirap s’yang magsalita na kahit pagbuka ng bibig ay hindi niya magawa. Inalis niya ito at tumaas ng kwarto kung saan inilagay niya sa isang maliit na box ang singsing at tinago sa drawer.
“I’m no longer Mrs. Aira Valencia.” She smiled bitterly.
‘And Pietro, the time when we see each other, I’ll never be the woman who once deeply loved you.’