Dire-diretso na akong lumabas ng cafe nang wala nang lingon-lingon pa at dalian na akong sumakay sa sasakyan at agad din naman pinaandar ng driver. Sinikap kong h'wag maging emosyonal sa harap ni Mayor Theo at sinarili ko na lang ang aking nararamdaman. "You're in love with that boy, don't you?" seryosong tanong niya habang nilalaro ang daliri niya sa kanyang baba at nakatanaw lang sa labas ng bintana. Hindi ako nagsalita na tila may nakabara sa aking lalamunan para h'wag ko masagot ang tanong niya. He sighed. "Lilipas din iyan, it's just puppy love, baby. Paglipas ng panahon mawawala rin iyan at malalaman mong hindi pa talaga iyan, iyan," sinubukan niya ako paliwanagan. "Eh, kayo po Mayor? Alam niyo po ba talaga ang ibig sabihin ng pagmamahal? At nakakasiguro po ba kayo na ito na po