Tumigil na ang sasakyan lahat-lahat sa mismong tapat ng coffee shop na dapat pagkikitaan namin ni Mico, iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Mayor Theo sa akin, ang akala ko rin magbabago na ang isip niya dahil sa nangyari. Naghayag siya ng damdamin niya para sa akin na pilit ko man intindihin o pilit ko man tanggapin ay ayaw talaga dahil unang-una sa lahat, walang tama sa relasyong ito dahil mayroon na siyang asawa ano pa man ang sabihin niya. Nakalimutan ko tuloy na makikipag-kita nga pala ako sa aking matalik na kaibigan o mas tamang sabihing manliligaw ko pero hindi ko magawang bumaba, kinakabahan ako. Hindi ako nakapag-isip kung paano ko ba uumpisahan ipaliwanag kay Mico na hindi kami p'wede... na kailangan niya na akong tigilan. "What are you waiting for? Bumaba ka na," saad ni Ma