Sinunod ako ng mga magulang ko at ng mga bantay, hinayaan nila kami ni Meridette na makapag-usap nang kami lang. Pero ang mga bantay ay alisto pa rin kahit malayo sila, sapat na rin ang kanilang layo para hindi nila kami marinig pero ang mga mata ay alerto sa anumang gagawing pag-kilos ni Meridette. "Natatakot talaga silang saktan kita, ano?" Natawa siya. "Ikaw ba Liliana, natatakot ka rin ba sa akin?" Nginisihan niya ako. Napalunok ako. Sasabihin ko bang, oo? Hindi ko sinagot ang tanong niya, sa halip ay umiba na lang ako ng tingin at nanatiling mahigpit ang hawak sa dulo ng jumper shorts ko. Hindi ako makalikha ng ibang galaw, pakiramdam ko hindi ako makakakilos kaharap siya ngayon. Kalmado naman siyang tingnan ngunit ayaw ko naman pakampante at ayaw ko ring katiwala. "Meridette..