Ilang araw na rin simula nang huli akong bisitahin ni Theo, wala rin akong balita kung ano nang nangyari sa pakikipagusap niya sa kanyang asawa. Kasalukuyan kaming kumakain nang sabay-sabay sa hapag nang lumapit ang isa sa mga pribadong bantay rito sa bahay o mas tamang sabihing, bantay ko. "May bisita po kayo sa labas, si Mrs Grivaldez. Gusto raw kayong makausap," imporma nito sa amin. "Papasukin po ba namin?" Pare-pareho naman kaming mga natigilan nina Mommy at Daddy sa narinig at ako ay parang na-estatwa sa aking kinauupuan at panabay pa kaming nagkatinginang tatlo. "She's here?" Mom asked the guard in disbelief na ikinatango lang nito at bumaling siya kay Daddy. "What should we do now, Damian? Papasukin ba natin? Ano naman kaya ang gusto niya? Narito kaya siya para mag-iskandalo?"