"Where have you been, honey? Napapadalas ka na atang ginagabi..." bungad ni Meridette sa asawang ngayon lang umuwi ng madaling araw. Nakaupo siya sa solohang sofa habang naka-ekis ang mapuputi at makikinis na hita suot ang pulang silkrobe at may hawak na isang kopita ng red wine. "Bakit gising ka pa?" tanong ni Theo at imbis na sagutin niya ang asawa kung saan siya galing ay nilagpasan niya lang ito. Paakyat na sana siya ng hagdanan nang muling magsalita si Meridette na ikinatigil niya. "Meron na bang iba, Theo?" malaman nitong tanong sa kanya. "Sa loob ba ng limang taon natin pagsasama, you already found the woman na pasok sa tipo mo?" "You're drunk," pambabaliwala niya sa mga pinagsasabi ng asawa. "At kung meron nga, wala ka nang pakialam ro'n. Kahit na kailan hindi kita pinakialama