Nakahilig ako sa headrest ng kama habang nakapikit, iniisip ko kung paano na ngayon ang mangyayari sa akin... paano ko ito haharapin lahat? Nagmulat ako at malamlam ang mga matang tumingala, kung nakikinig man ang kaitasaan sa akin... hinihiling ko sa kanya na sana ay ialis niya ako sa sitwasyon kinasadlakan ko ngayon... Sana magising ako na isang araw ay maayos na ang lahat, walang Mayor Theo, walang Meridette, wala silang lahat na sa akin nagpapahirap ngayon. Gusto ko umiyak dahil sa labis na bigat ng nararamdaman at dinadala ko ngayon dulot ng pinagdadaanan ko ngunit wala na akong mailuha pa, para bang sa sobrang hirap at pasakit na nararanasan ko, kahit luha ko, ayaw na rin lumabas. Mariin akong napapikit muli nang biglang may kumatok sa pinto ng silid ko, sumiwang ito ng kaunti at