bc

FLESH FROM UNKNOWN

book_age18+
2.8K
FOLLOW
10.1K
READ
murder
revenge
kidnap
fated
aloof
drama
tragedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Sumama si Realyn sa kaibigan niya para makita sana ang batang lalaking naging kaibigan niya noon sa lugar na iyon — si Nash. Sa kasamang palad ay ibang sekreto ang kanyang natuklasan.

Anong panganib ang kanyang kahaharapin sa kagustuhan niyang tuklasin kung anong nangyari kay Nash? Magkikita pa kaya sila kung ang sabi ay patay na ang binata?

chap-preview
Free preview
PART 1
Sa bawat pader at puno na tingnan ni Realyn mula sa loob ng kotse na kanyang kinasasakyan ay tila nababalani ang mga mata niya ng mga nakapaskil na mga papel. Napakadaming larawan kasi ng bata at nakasulat doon ang 'MISSING!" Tahimik niya itong pinapasadaan ng tingin. At gusto niya sanang mag-usisa pero ayaw naman niyang istorbohin ang kaibigang si Jhoena na nagmamaneho ng kinasasakyan nila. Nang sumulyap sa kanya si Jhoena ay napatingin din siya rito. "You okay? Naiinip ka ba? Don't worry malapit na tayo," wika ni Jhoena na nginitian siya. "Okay lang ako," aniya na ngumiti rin. "An'tahimik mo kasi." "May naalala lang ako sa lugar na 'to," kaila niya pero sa sinabi niyang iyon ay unti-unti na ngang nagbalik sa kanyang ala-ala ang lalaking bata na nakausap niya noon, no'ng minsang nagpunta sila sa lugar na ito. Siguro ay binata na ito ngayon tulad niya na dalaga na, dahil walong taon na ang lumipas... "Realyn, anak, may sarili kang bedroom dito kapag mabili ito ng Daddy mo," nakangiting saad noon ng Mommy niya. Thirteen years old pa lang siya noon, nang isama siya ng kanyang mga magulang na tingnan ang bahay na balak bilhin ng mga ito. "Talaga po, Mommy?!" nasiyahan niyang naisatinig. Lumaki ang kanyang mga mata. Sa tinitirhan pa kasi nila ngayon ay tabi-tabi sila ng Mommy at Daddy niya kapag natutulog dahil maliit ang bahay nila sa Maynila. Pangarap talaga niyang magka-kuwarto. "Oo, Anak, halika tingnan natin." Pumanhik sila sa loob. Ang magiging kwarto niya ang una nilang pinuntahan at sobrang nagandahan talaga siya gawa ng kulay pink na kulay ng pintura ng mga dingding. Hindi pa man ay excited na sila ng Mommy niya na ayusan iyon. Pagkatapos ay sa master bedroom na kwarto raw ng Mommy at Daddy niya ang tinungo nila. Sa kasiyahan ay nag-kiss pa ang Daddy at Mommy niya. Hinayaan niya muna ang mga magulang niya. Ang luwang ng ngiti niya na dumungaw siya sa bintana. Nakita niya ang bahay na magiging kapitbahay nila. Agad niyang ninais na maging kaibigan niya kung meron mga anak ang nagmamay-ari sa bahay na iyon. "Mommy, doon lang po ako sa labas." Paalam niya sa mga magulang habang busy ang mga ito sa pag-uusap ukol sa bahay. Kahit hindi tumugon ang kanyang Mommy ay dire-diretsong lumabas siya. Palinga-linga siya sa paligid, sigurado siyang magugustuhan niya ang lugar. May bakuran kasi sila hindi tulad sa bahay nila sa Maynila. Nang magsawa siya sa harapan ng bahay ay sa likod naman ng bahay siya nagtungo. May narinig siyang nag-aaway sa loob ng bahay na tintitingnan niya kanina. Nagtaka pa siya nang makita niya ang isang batang lalaki na ka-edad niya lang siguro na nakaupo sa pader ng kanilang magiging bahay. Sa mismong magiging kuwarto niya kung sakali. Hindi siya agad nakakilos sa kinatatayuan. Nakatitig lang muna siya sa batang lalaki na may pagtataka. Umiiyak kasi ito na nakatingin sa bahay na may nag-aaway. "Hi!" hindi siya nakatiis na bati niya sa batang lalaking iyon. Malungkot na tiningnan siya ng bata. Kinikilala siya siguro. "Ako si Realyn Gorospe. Ikaw anong pangalan mo? And why are you crying?" "Nash. Ako si Nash Roxas. Nag-aaway kasi na naman ang mga magulang ko kaya nalulungkot ako," mas malungkot na tugon ng bata. Pinunas nito ang mga luha sa mga mata. Marahang lumapit siya sa kinauupuan ng batang lalaki at naupo siya sa tabi nito. "Bakit sila nag-aaway?" "Dahil wala na raw silang pera. Nalugi raw ang negosyo ni Tatay kaya nagagalit si Nanay." Malungkot na napatingin siya sa bahay nina Nash. Patuloy ang sumbatan doon. "Madalas na silang ganyan. Baka maghiwalay na nga sila, eh." Hinawakan niya ang braso ni Nash, gusto niya itong aluin. Halatang apektadong-apektdo kasi si Nash sa nangyayari sa mga magulang nito. "'Wag ka nang malungkot. Hindi nama siguro. Si Mommy at Daddy ko rin naman, lagi rin silang nag-aaway pero hindi naman sila naghihiwalay," pampalubag-loob niya sa kapwa bata. Nilinga siya ni Nash at tipid na ngumiti sa kanya. Nginitian rin niya ito ng super sweet smile niya. At may sasabihin pa sana siya pero bigla niyang narinig ang boses ng Mommy niya. "Ang Mommy ko!" Bigla siyang tumayo. "Tinatawag niya na ako, baka aalis na kami." "Bakit?" "Baka uuwi na kami." "Gano'n ba." Lalong lumungkot ang mukha ni Nash. "'Wag kang mag-alala babalik naman kami rito kasi dito na kami titira." "Talaga?! Sige hihintayin kita rito, Realyn!" Biglang umaliwalas ang mukha ni Nash. "We are here, Realyn!" Pukaw sa kanya ni Jhoena sa pagbabalik ala-ala niya. Bumaba na sila sa kotse. At napansin agad niya na maganda ang bahay nina Jhoena at malaki, kahit mukhang antigo. Wala siyang nakitang tao maliban sa isang matandang lalaki na agad inutusan ni Jhoena na bumili ng makakain nilang magkaibigan. Nginitian niya ang matandang lalaki nang mapatingin ito sa kanya. "Tara sa loob, Realyn." Dumiretso silang magkaibigan sa kwarto ni Jhoena. "Pwede ka munang magpahinga hangga't wala pa si Mang Douglas," sabi ni Jhoena habang nagbibihis sila. "Mamaya na hindi naman ako masyado napagod sa byahe." Totoo iyon dahil apat na oras lang naman yata ang binyahe nila. "Ano pala ang iniisip mo kanina? Napansin ko kasi medyo malalim, eh." "Isang kakilala dito sa lugar na 'to na hindi ko na nabalikan," matapat niyang sagot. "Ah.. 'yung kwinento mo sa 'kin noon. Si---si Nash Roxas ba 'yon?" Tumango siya sa kaibigan. Ang totoo ay naging kaibigan niya si Jhoena dahil sa lugar din na ito. Nalaman niyang tagarito ito sa San Nicolas si Jhoena Santos kaya sinikap niyang kaibiganin ito. At nandito sila ngayon para magbakasyon lamang. "Don't you worry mamaya maglakad-lakad tayo sa labas. Baka makita mo ulit siya." Natuwa siya sa tinuran ng kaibigan. Ang sadya naman talaga niya sa bakasyon na ito ay ang muling makita si Nash Roxas. Para kasing hinahabol pa rin siya ng pangako niya kay Nash noon. At mukhang matatahimik lang siya kapag nagkita ulit sila ng batang iyon. Sa totoo lang lagi niyang napapanaginipan si Nash. At hindi niya alam kung bakit. Inubos muna nilang magkaibigan ang oras sa pagkokwentuhan habang inaantay si Mang Douglas. Mayamaya pa'y kinatok na sila ng matanda. Dali-dali silang nagtungo sa kusina. "Ito lang ang ipapakain mo sa 'min, Mang Douglas?" maarteng singhal ni Jhoena sa matanda na caretaker nila ng bahay. "Jhoena, okay na 'to," saway niya sa kaibigan. Naawa siya sa matanda. "Sige na po, Mang Douglas." "Mukha namang masarap ang barbecue na 'to," wika niya kay Jhoena nang makaalis ang matanda. "Don't tell me kumakain ka niyan? Ew!" Laking may kaya kasi si Jhoena kaya hindi niya ito masisisi if minsan mapili ito sa lahat ng bagay. "Oo naman," nakatawang sagot niya. Nakakatawa kasi ang reaksyon ni Jhoena. Kinuha niya ang isang stick ng barbecue. Laman iyon. Kung hindi siya nagkakamali laman ng karne ng baboy tulad ng mga inihaw lang din sa Maynila. Padabog na umupo si Jhoena. Kinuha rin nito ang isang stick at agad tinikman. Isang kagat, dalawang kagat ito hanggang sa maubos nito ang kinakain. "In fairness! Masarap nga siya!" Napangiti siya sa kaibigan. Maarte talaga ang kaibigan pero mabait naman, maldita lang minsan. Tapos ay kibit-balikat na kakainin na rin sana niya ang hawak na barbecue nang may mapansin siya sa gilid ng kanyang mga mata. Parang may ano! Parang bata?! Nilinga niya ito. "Eiiiiiiihhhhhh!" at tili siya ng malakas nang tumambad sa paningin niya ang hitsura ng bata. Duguan kasi ang bata at ang ulo parang maihihiwalay na sa leeg nito gawa ng malaking hiwa. At ang braso sumisirit ang sariwang dugo gawa ng pinagputolan sa kamay nito..........

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
204.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.3K
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
407.0K
bc

Fight for my son's right

read
149.5K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
504.5K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
316.3K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook