Valentina NAKAPLANO na ang lahat. May mga bagay lang akong kailangang tapusin bago ako tuluyang umalis at iwanan ang buhay ko rito. Alam ko rin na may mga nakasunod sa aking tauhan ni Vladimir at nagmamatiyag din ang mga tauhan ni Papa, kaya may plano rin ako kung paano sila tatakasan. Kapag desperada kang magawa ang isang bagay, walang imposible. Hindi ko alam kung alam na ni Vladimir na pumunta ako sa bahay niya noong nakaraan, pero siguro ay may nagsabi na rin sa kanya. Alam ko na may security cameras siya at wala mang lumapit sa akin nang magpunta ako roon, alam ko na tahimik na nagmamatiyag ang mga tauhan ni Vladimir sa akin. “Valentina, salamat. Malaki ang magagawa ng pagtulong mo sa akin.” Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nakausap ko si Cecily and she was asking me for a fav