Valentina NANG ihatid ako ni Vladimir sa bahay, alam ko na roon na matatapos ang lahat sa amin. “Thank you,” sabi ko sa kanya at tinalikuran ko siya. Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Nakatingin lang siya sa akin na may kung anong ekspresyon sa mga mata. Ganoon man, ayoko nang umasa. Ayokong bigyan ng kahulugan ang mga emosyon o ang mga ginagawa niya. Masakit at mahirap. Masyadong komplikado at aasa lang ako kung sakali. Pumasok ako sa loob ng bahay. Napasandal ako sa pinto. Ipinikit ko ang aking mga mata. I thanked him earlier, not because he drove me home, but for the memories he gave me during the times that we’re together. Masakit man na maaari ngang tapos na ang lahat sa amin ngayon, masaya ako na naranasan kong makasama si Vladimir. Naglakad na ako papunta sa kuwarto k