Valentina “THIS might be edited,” sabi ko kay Inessa. Nang maikalma ko ang sarili ko ay nakaisip ako ng palusot. Maaaring hindi iyon tanggapin ng kapatid ko, lalo na at base sa ekspresyon ng mukha niya may gusto na siyang paniwalaan. “Hindi mukhang edited,” sabi ni Inessa sa akin. “Aren’t you and the Pakhan being too intimate in rye photo?” Hindi ko nagugustuhan ang tono ng pananalita nito. Para kasing may gusto siyang ipahiwatig sa akin. Akala mo ay nahuli niya na ako at hindi na ako maaaring magsinungaling sa kanya. Ang picture ay kuha noong gabing pinatay ni Vladimir iyong mag-amang nambastos sa akin matapos ang dinner sa isang restaurant. Nakipaglabanan lang ako ng titigan sa kapatid ko. Sanay naman akong magsinungaling kaya nakakasigurado ako na hindi niya ako masisindak. Kahit