Valentina MASAMA ang tingin ko kay Yulian. Ginigisa ko naman sa mga katanungan ang kaibigan ko. Kung bakit sila magkasama ngayon, hindi ko rin alam at wala akong ideya. May kinakausap si Yulian sa kanyang telepono at sa tingin ko ay si Vladimir iyon. Nang bumalik siya, agad itong nagpaalam. “I need to go. I call you later.” Tumango lang si Ayla. Hindi siguro siya makapagsalita nang maayos dahil sa titig ko sa kanya. Lumapit si Yulian sa kanya at hinalikan ang labi nito. Tumaas ang kilay ko. Nagpaalam din naman si Yulian sa amin at tinanguan ko lang siya. “What was that?” tanong ko sa kaibigan. “Let me explain,” sabi ni Ayla. Humalukipkip ako, naghihintay na sa kanyang sasabihin. “Nagkausap kasi kami. And…sinabi niya na hindi siya handa sa relasyon. Masyadong mapanganib ang trabaho