Valentina ALAM ko na galit si Papa. Nararamdaman ko ang tensyon nang makapasok ako sa loob ng bahay. Hindi kagaya noon, hindi ko pinahalata sa kanya na takot o kinakabahan ako. It was unexpected of me not to feel afraid, pero nang makita ko si Papa na naghihintay sa akin ay hindi ako nakaramdam ng kahit anong pagkatakot. “In my study room, now!” Pinagmasdan ko si Papa na maglakad. Kung hindi pa siya alalayan ay hindi siya makakapaglakad nang maayos dahil pa rin sa ilang injuries na natamo niya matapos siyang ipabugbog ni Vladimir. Iniisip ko na baka ganito ang kondisyon niya kaya hindi ako natatakot. Iniisip ko siguro na hindi niya ako masasaktan. But I was wrong. Nang makarating kami ng study room ni Papa ay agad niya akong binato ng mga katanungan. “You didn’t come home last nig