Valentina AYAW umalis ni Vladimir sa tabi ko kahit noong sinabi ko sa kanya na maayos na ako. Nasa loob kami ng kuwarto ko. Ayoko sana siyang dalhin dito dahil alam ko naman kung anong nangyayari kapag magkasama kaming dalawa sa loob ng iisang silid. But we can’t also risk getting caught. “You can leave me here, Vladimir. Okay naman na ako. Baka hanapin ka ni Papa.” “Baka mapatay ko ang papa mo kapag hinarap ko siya ngayon.” Huminga siya nang marahas at kinuha ang phone niya. Pinagmamasdan ko lang ang bawat galaw niya. “Yulian,” pagbanggit niya sa pangalan ng kanyang senior guard. “Tell Daniil, I left.” Pinakinggan lang ni Vladimir kung anong sinabi ni Yulian bago niya ibaba ang kanyang telepono. “Why are you lying now?” Tumawa ako para maitago ang kung ano-anong iniisip. “Ayokong