Vladimir HINDI kagaya ng unang plano ko na babalik ako ng Puerto Rivas, agad akong pumunta sa Russia nang makuha ko ang balita. Iniwan ko si Yulian dito upang asikasuhin ang paghahanap kay Valentina. Sinabi ko sa kanya na tawagan niya kaagad ako kapag may nakuha siyang balita. On my way to Russia, balisa ako. Naghahalo-halo na ang isipin ko. May isang tao akong naatasan na maghanap sa gumawa nito kay Papa, so far ang tinuturo nito ay konektado kay Arseny Vasiliev. Arseny Vasiliev was my uncle. Nakakatandang kapatid siya ng aking ama at siya ring dapat na uupo sa pwesto, nang biglang magdesisyon si Papa na gusto niyang kunin ang posisyon ng pagiging pakhan at ginawa ang lahat para mapunta sa kanya ito. He didn’t do it by force. The members hailed him because he was more befitted to b