Napakunot-noo si Dylan nang pagpasok niya sa office ay nakabukas ang laptop niya. Pagkalapag ng bag ay lumapit siyang tuluyan dito. Quarter to eight pa lang, sinong magbubukas nito? Iniiwan niya ang laptop na ito, dahil may personal siyang ginagamit sa bahay. "Rhea! Rhea!" Tawag niya sa secretary. Ang totoo, sa kapatid niya ang printing company na iyon. Nagpakasal ito sa isang Australiano at nag-migrate na sa lugar ng asawa kaya sa kaniya ito iniwan. Hindi pa siya gumagradweyt ng business management, pinatatakbo na niya ito. Humahangos na lumapit ang secretary niya nang marinig ang pagtawag niya. Halatang kararating lang dahil bitbit pa ang bag nang pumasok. "Sir, bakit po?" "Kararating mo lang ba?" Inayos niya ang sleeves ng polo at tiniklop ng hanggang siko, bago umupo sa harap ng