Final walk 32

1255 Words
Habang nakaupo sa kama ko ay nakita ko ang gitarang binigay saamin ni Theo noon at bigla kong naalala ang araw na iyon Third person's POV Nasa skwelaha ang magkakaibigan ng mga oras na iyon at kakatapos lang ng kanilang klase "Teka lang saan ba tayo pupunta?" tanong ni Agatha kay Irene na bigla nalang itong hinila. "Nag-aya si Matheo sa bahay nila para ipakita saatin yung bago niyang music room. Alam naman nun kung gaano tayo kahilig sa music magkakaibigan, hindi man natin sabihin" sagot ni Irene Halos mag dadalawang taon na ng maging magkakaibigan silang lahat pero masyaso na silang naging malapit sa isa't isa siguro ay dahil sa iba iba ang mga ito sa bawat isa kaya nagki-click sila dahil tila ba kinukumpleto nila ang bawat isa, iyong kulang sa isa na mayroon naman sa isa. Para namang nagpalakpakan ang tainga ng ilan sa kanila ng marinig ang salitang MUSIC. Hindi alam ng ilan sa magkakaibigan kung bakit pero masyado silang passionate sa pagkanta kahit na inaamin nilang hindi pa naman sila ganon kagaling pero alam din nilang gagaling din sila oras na makapagfocus sila sa pagti-training ngunit hindi pa nila alam kung kailan mangyayari iyon dahil nakafocus pa muna sila ngayon sa pag-aaral ko. "Nakakahiya naman kanila tita" sabi ni Agatha habang sinasabayan na ngayon ng lakad ang mga kasama niya "Huwag kang mahiya kay tita, she's so kind. Trust me, she's unproblematic" sabi naman ni Henrietta. Tumango nalang ito at hindi na nagsalita pa ulit at sumunod nalang sa kanila. Wala naman na rin itong magagawa dahil wala rin naman itong ibang mapupuntahan o pupuntahan atsaka naeexcite din itong makita ang music room ni Matheo, habang iniisip na sana ay dumating ang araw na makatungtong silang lahat sa entablado atsaka sabay sabay na kakanta o tutugtog. "Nasaan nga pala si Lore?" biglang tanong ni Jasmin ng mapansin na apat lang silang naglalakad ngayon papunta sa pupuntahan nila. "Nauna na iyon, sinundo ni Matheo" sagot naman ni Irene. Ang akala talaga noon ng mga ito ay mayrelasyon ang dalawang iyon. Halos hindi na mahiwalay sa isa't isa. Hindi nga sila magkapareho ng pinag-aaralan kay Matheo pero lagi paring hatid, sundo at laging nakatambay naman sa kanila si Matheo at kung minsan ay si Lore ang nakela Matheo. Hindi na talaga magugulat ang mga ito sa isip nila kung magkatuluyan ang dalawang iyon lalo na't nakikita naman nila kay Matheo na may gusto siya kay Lorelei. Ilang minuto lang ang nakalipas ng nakarating na rin ang magkakaibigan sa mansyon nila Matheo at naabutan na nasa pinto sila ni Lore nakatayo, mukhang hinihintay ang mga ito "Taraaaa dali" masiglang sabi ni Lore ng makarating sila saka kami mabilis na hinila papasok sa loob ng bahay. "May surprise ako sainyo" nagkatinginan naman silang dahil sa sinabing iyon ni Matheo habang si Lore naman ay parang sira na nagpipigil ng ngiti sa gilid. 'Baliw na siguro ang isang to' — sa isip ng magkakaibigan Nang itulak ni Matheo ang pinto ng kwartong nasa harapan nila ay namangha sila sa laki nun. Sa pinakadulo ay may pabilog na mini stage kung nasaan nakapatong ang piano, samantalang sa bandang kaliwa naman naka-set up ang drum, kumpleto iyon at napakaganda ng ayos. Napalingon naman silang lahat sa bandang kanan kung saan may malaking kurtina na na nakatakip doon. Nasa magkabilang dulo nun sina Matheo at Lore na sabay na hinila ang tali nito dahilan para mapunta ito sa gilid at bumungad sa kanilang lahat ang anim na gitara. Nang makalapit ang mga ito doon ay nanlaki ang mga mata nila sa nakita. "Surprise!" sabay na sigaw nila Lore at Matheo. "Wow" manghang sabi ni Henritta saka nilapitan ang kulay gold na gitara na may naka-engraved ba 'Henrietta Hyllee-LS' "Syet ang ganda" sabi naman ni Irene saka lumapit sa kulay army green na gitara na may naka-engraved na 'Thyra Irene-H' "Grabe totoo ba ito?" sabi naman ni Agatha habang sinusubukan ang kulay maroon na gitara na may nakalagay na 'Agatha Lovely-Z' Si Jasmin naman ay sinukbit sa leeg niya ang tali ng kulay orange na gitara na may 'Jasmin Celine-M' Kay Matheo naman ay kulay gray samantalang kay Lore ay itim dahil iyon ang paborito niyang kulay. "Teka, bakit yung kay Lore may heart sa gilid ng pangalan?" kunot noong tanong ni Irene kaya napalingon naman silang lahat sa gitarang hawak ni Lore. Puti ang ginamit pangkulay sa pangalan niya doon kaya kitang kita ang heart sa dulo nun. Diana Lorelei-V♡ Nilingon naman ng magkakaibigan ang namumulang si Matheo habang si Lore naman ay wala lang reaksyo na tila ba wala lang iyon sa kanya. "Bakit? Gusto niyo rin ba ng may heart sainyo? Pwede naman yan palagyan diba Theo?" nakangiting tanong ng dalaga sa lalakeng halos hindi na alam ang sasabihin dahil sa pamumula at di makatingin ng diretso sakanya. "No need Lore, it's cute naman eh" sabi ni Henrietta na suportado talaga ang pinsan sa nararamdaman nito sa dalaga "Oo nga Lore, mas gusto ko rin iyong wala ng ibang desinyo" segunda naman ni Jasmin. "Oh wait! I almost forgot" bigla namang sabi pa ni Lore saka mabilis na tumakbo sa kung saan at pagbalik niya ay may tulak na siyang cart na may anim na maliliit na case. "Here" isa-isa naman niya iyong nilahad sa mga kasama Kunot noo naman nila iyong tinignan at may parang lock iyon sa gilid na may mga letra na kailangan ikotin para mabuksan. "The password is Agápi," sabay naman nila iyong binuksan at nanlalaki ang mga mata ng makita ang microphone at pick ng gitara doon na kasing kulay ng mga gitara nila kanina. Sa gilid ng mic ay naka-engraved and mga first name ng bawat isa Diana, Agatha, Jasmin, Henrietta, Thyra and Martin; samantalang sa pick naman ay ang mga nickname nila Lore, Jas, Hyllee, Irene, Love and Theo. "Pwede niyong i-uwi iyan pero pwede rin namang dito niyo nalang iyan ilagay sa kwartong ito. Nakadepende na iyon sainyo, welcome naman kayo dito kahit na wala ako o si Lore" nakangiting sabi ni Matheo. Nagpasalamat naman silang lahat sa kanilang dalawa ng malaman na naghati pala sila sa pagpagawa ng mga ito. "Bakit kaya hindi tayo magvideo ng isang kanta? Remembrance lang sa araw na ito kung kailan natin unang nahawakan ang mga ito?" suhestyon ni Agatha sa kanila na agad naman kinaliwanag ng mga ekspresyon nila, ibig sabihin lang nun ay payag sila. Kaya naman ay nagkanya, kanya na sila ng pwesto sa anim na high stool chair sa gitna ng kwartong ito kung saan ay anim na nakatayong mic stand din. Nang maayos na ang camera sa harapan nilang lahat ay nagsimula na silang tumugtog. Dahil sa ang position nila ay nakaharap sila sa pinto ng music room na kinaroonan nila kung kaya't dahil doon ay nakita at natingala nila ang malaking picture frame sa taas ng pinto na kinuha noong unang beses na nagsama-sama silang lahat na kumain sa labas, ang araw na nabuo ang Agápi. Sa gilid naman ng pinto ay may mga nakapolaroid na litrato nila, may group pictures, may solo na maayos, may stolen etc. at nakahugis puso iyon kung saan may light stick sa taas nun na Agápi ang binuong salita. Idea iyon ni Lorelei lahat na agad naman na sinunod ni Matheo at sinabi sa designer. Nagmukha tuloy iyong music room ng groupo nila hindi ni Matheo lang dahil may iba pang mga intrumento rin dito na hindi naman tinutugtog ni Matheo o ni Lore pero tinutugtog ng iba sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD