Final walk 31

1008 Words
Ilang weeks na akong busy lalo na noong nagsimula na ang klase dahil halos hindi ko na alam kung nakakapagpahinga pa ba ako. Sunod sunod ang mga emails at mga offers na dumadating saakin at kailangan ko din na i maintain ang pag-aaral ko Halos hindi ko na rin nakakasama ang Agápi at si Theo, hindi na ako gaanong nakakapunta ng bahay nila o kahit nasa school ay hindi ako masyadong nakakasama dahil minsan half day or tuwing break time ay kailangan kong lumabas para pumirma o makipagmeeting Hindi ko na alam ang ginagawa ko, pagod ako pero hindi ko yun ramdam kahit na alam ko yun sa sarili ko. Pagod ako pero hindi ko yun nakikita. Lahat ay naging limitado saakin kahit ang pagkain ko para ma maintain ang katawan ko, ang oras ko, ang tulog ko at lahat. Basa beach nga ako ngayon para naman sa magazine shoot "That's perfect. Okay, another few shoots Diana, we are almost done! Let's wrap it up" Sabi ng photographer na kinuha ng agency para sa araw na to. May shoot ako ngayon para sa swimsuit attire ng isang maliit na clothing line na gagawin para sa weekly magazine na tinanggap ko kaya nasa isang beach kami ng mga oras na ito. Agad naman akong lumuhod sa puting buhangin at nilagay ang dalawang kamay ko sa gilid ng ulo ko para hindi mapunta sa mukha ko ang mga buhok kong nililipad ng hangin. Ininat ko rin ng kaunti ang katawan ko paharap para makita ng maayos ang suot kong navy blue na one piece na tila nakatali ang disenyo sa bandang dibdib ko. "Perfect! One more, " Para makita ang likod ko sa camera tumigilid naman ako ng konti saka hinawak ang isang kamay ko sa batok ko at lumingon ng kaunti sa gilid ko habang nakatingin ang mga mata sa buhangin, para masupportahan ang katawan ko ang isang kamay ko naman ay nakatukod lang, para din mapanatili ang balance ko. "Very good, Diana!" Sabi pa ng photographer saka inalis ang pagkakatutok ng camera saakin at tinignan ang mga litrato doon. Agad naman akong dinaluan nila Agatha at Irene. Halos lagi silang nanjan kapag may mga shoot ako o ginagawa para alalayan ako, kung hindi sila ay sila Jasmin. Lagi talaga silang handa every after ng mga shoots ko para alalayan ako. Kinuha naman ni Agatha para saakin ang pulang robe ko habang pinapakita naman ng photographer kay Irene ang mga shoots na kinuha saakin kanina at mukhang nagustuhan naman niya yun. "Ang gaganda ng mga kuha mo love!" tuwang tuwang sabi ni Irene "Diana can I have a minute with you?" napalingon ako kay Bryan, siya ang may ari ng clothing line na shinoshoot ko ngayon Agad naman akong sumunod sakanya at pumunta kami di kalayuan sa mga kasama namin "Are they your friends?" tanong niya habang nakatingin kanila Agatha at Irene "Yes, they are my bestfriends. I don't know if you noticed but they are always with me kahit saan ako pupunta, why tho? If you don't mind me asking," nakangiti kong tanong "Ayra and Rye are absent right now because of some confidential reason. I would like to ask you a favor, i'll double the payment for this shoot," hindi pa niya sinasabi ay alam ko na ang tinutukoy niya kaya agad akong napalingon sa dalawa lalo na kay Agatha I got worried and concern for some reason "I can see that they both have a potential, don't worry they don't need to show their faces and to wear a two piece. Just one piece with robe," paliwanag pa niya "They also don't need to face the camera," dugtong pa niya "I'll try to convince them." ngumiti naman siya saakin kaya umalis na ako para lapitan sina Agatha "Girls," agad naman silang lumingon saakin "Tapos ka na? Aalis na ba tayo?" tanong ni Agatha "Actually I have something to tell you," pag-aalangan ko kaya nagkatinginan naman sila "What is it babe?" napansin siguro ni Irene na nag-aalangan ako Agad ko naman na sinabi sa kanila ang sinabi ni Bryan at nakita ko ang pagtutol sa mga mata ni Agatha "But you don't need to do it if you don't want to, I am, I don't want to force you to do it," sabi ko naman saka sila tinignan sa mga mata "We will do it," nakangiti na sabi ni Agatha kaya napalingon kaming dalawa ni Irene sakanya "But— are you sure?" nag-aalala na tanong ni Irene "Yes, it is time, maybe this is the sign already, it's time to face the music," nakangiti na sabi ni Agatha Gusto kong maiyak, hindi ko alam pero parang may yumakap sa puso ko ng marinig ang sinabi niya. I don't know what happened before but I feel so proud with her. I am so proud and happy that I became part and one of the reason for her to finally face whay she's trying to escape for years now already. "I am so proud of you," nakangiti at naluluhang sabi ni Irene "Let's go! Let's get it done!" sabi ni Agatha na siya pang nanguna saamin sa paglapit kay Bryan By looking at Agatha and Bryan now I can see how beautiful Agatha is beside him, I don't know but I can seen something in them. Bata pa si Bryan dahil 2 years lang tanda niya saamin pero CEO na siya dahil nag-iisang anak lang din siya kaya walang ibang magmamana o mapapasahan ng lahat ng ari arian ng pamilya nila kung hindi siya lang kaya naman habang maaga pa ngayong baya pa siya ay tinitrain na siya at sinasanay sa paghawak ng mga business nila at kabilang itong clothing line na ito. Kaya rin ako pumayag kahit na nag-alangan akong tanungin sila Agatha para matulungan siya dahil alam kong malaking bagay din tong pinanghahawakan niya, hindi basta basta na humawak ng isang kumpanya o brand line. Nakikita ko rin iyon at nasasabi habang inaalala si Ate Z na laging halos walang tulog. I'm so glad that they agreed
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD