Final Walk 21

3000 Words
Sobrang bilis ng araw, simula na ng finals namin ngayong araw. Sina Theo ay patapos na samantalang kami kakasimula pa lang kaya kahit na gusto kong lumabas o gumala kasama siya ay hindi pwede dahil kailangan kong magfocus para mapasa ang subjects ko at ma-maintain ang grades ko. I don't want to disappoint anyone. Babawi nalang ako sakanya kapag tapos na ang lahat ng to, for now focus muna. Tapos na akong maligo at magbihis kaya agad na akong bumaba para makapagbreakfast at makaalis na. Napakunot ang noo ko ng marinig na medyo maingay sa baba kaya hindi na ako nagulat ng makita si Theoden na nasa hapagkainan kasama ang pamilya ko "What are you doing here?" kunot noong tanong ko "Ouch babe, ganyan mo na talaga ako kaayaw makita lately?" pagdadrama niya kaya inirapan ko lang siya "Joke, hindi maaga ang schedule ko today so pwede kitang i drop off muna sa school," pag-amin niya Tinignan ko muna ang schedule niya saka ako naniwala at kumain na rin "Grabe trust issue guys nakakasama ng loob yun a," maktol ni Theo na tinawanan lang ng pamilya ko "Mukha mo pa lang Theo hindi na katiwa-tiwala," mas lalo siyang sumimangot kaya natawa ako "Mukhang may katuwaan dito a, pwede ba akong makisali?" mabilis akong napalingon sa likod ng marinig ang boses na iyon "ATE Z!" sabay na tawag namin ni Theo sakanya saka kami sabay na natayo at sinalubong siya ng yakap Ilang buwan siyang hindi nakakauwi dahil sa sobrang busy. Siya na ang nagsilbing panganay na anak nila daddy muna ng in-adopt nila siya kaya sakanya na nakapangalan ang ilan sa mga ari-arian na meron kami at kabilang doon ang ilang mga business kaya naman bilang pasasalamat sobra sobra ang pag-iingat at pag-aalaga ni Ate sa mga iyon at tutok na tutok siya sa pagpapatakbo nito, sobrang hands on niya (Flashback) "Ito ang regalo namin ng papa mo saiyo anak," sabi ni mama sabah abot ng isang envelope kay Ate Today is her 18th birthday. Ang bilis ng panahon no? Parang kailan lang noong pumunta kami dito, parang kailan lang noong nakilala ko si Ate, parang kailan lang noong naging opisyal ko na siyang kapatid "Mama, Papa..." nagtaka ako ng hindi makapaniwalang tinitignan ni Ate ang mga laman ng envelope at tila hindi makapagsalita 'Anong ang laman nun?' "Happy birthday anak," nakangiti ay sabay na sabi nila mama at papa "Pero bakit po? I-isn't it too much? I mean Lorelei's more deserving for all this," hindi parin makapaniwala na sabi ni Ate "Patay lang kayo ni Lorelei anak, no one is more or less deserving of everything. You are both our daughters, you both deserve the best and you deserve that." nakangiting sagot ni mama Kitang kita ko kung paanong namuo ang mga luha sa mga mata ni ate na tila ba hindi alam kung ano ang sasabihin, dahil narin sa pinaghalong saya at hindi maipaliwanag na mga emotion "Napagdesisyonan namin ng Papa niyo na hatiin sainyo ang lahat ng ari-arian na mayroon kami kabilang doon ang lahat ng business na mayroon tayo at dahil nauna kang tumungtong sa tamang edad ay nauna mo ring mamamana ang ilan sa mga iyon. If you are ready we will send you out of the country para doon magpatuloy ng pag-aaral dahil nandoon din ang pinakamalaking business na nakapangalan sayo ng sa gayon ay mabisita at makita mo iyon ng personal, mapag-aralan at matutukan." paliwanag pa ni Mama Umiiyak na sunod sunod na tumango si Ate "Thank you so much Mama, Papa," sabi niya sabay takbo at yakap sa dalawa atsaka tumungin saakin "and Lorelei," atsaka ako hinila din at niyakap Ilang weeks lang mula ng araw na iyon ay umalis na si Ate Z at buwan buwan ang inaabot bago siya nakakauwi, at tuwing holidays (End of Flashback) Natatawang niyakap niya kami pabalik saka siya dumiretso kay mama at papa at humalik sa mga ito "How are you, anak?" tanong ni Mama ng makaupo na ulit kaming lahat pati si Ate sa hapagkainan "Everything's fine Ma, sobrang hectic lang ng schedule pero miss na miss ko na kayo kaya tinapos ko na agad ang mga trabaho ko," sagot ni Ate habang kumukuha ng pagkain "Don't overdo yourself too much anak. Kumakain ka rin ba sa tamang oras? Natutulog? You're still too young to overwork yourself, mag-ejoy ka rin minsan. Are we pressuring you, baby?" kitang kita ang pag-aalala sa mukha ni Papa habang tinatanong siya kaya hindi ko rin mapigilang huwag mag-alala at tinitigaan ng maigi si Ate She looks so exhausted, so drained, so tired "No Pa, you're not. Kahit kailan you never pressured me, It's my choice to treasure and take good care of everything that you've given to me. And don't worry Pa, may maayos na tulog at kain po ako. Hindi po ako pinapabayaan ni manang doon," nakangiti niyang sagot Manang is the personal maid that Papa get for Ate, para pagsilbihan siya sa lahat at masigurong makakakain siya ano mang oras "That's good to here then," nakangiti na sabi ni Papa "Mamaya na yang business business o kung ano anong usapan, eat first anak and rest after mukhang pagod ka sa byahe," sabi naman ni Mama na kinangiti ni Ate "Oo mga ate take a break, bakit kaya hindi ka maghanap muna ng boyfriend kesa lulong na lulong ka sa trabaho," nabilaukan naman siya sa sinabi kaya agad ko siyang binigyan ng tubig "Diana Lorelei!" natawa ako ng tawagin niya ang buong pangalan ko Ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan ang tungkol sa pagboboyfriend dahil wala pa daw iyon sa isip niya at wala siyang oras sa mga ganong bagay pero hindi naman ata pwedeng tumandang dalaga siya diba? "Lore's right anak, hindi ka na bata," sulsol ni Mama "Mama!" mas lalo akong natawa sa reaksyon niya "Kidding aside ate, gusto ko na ng pamangkin!" maktol ko na kinainit ng pisngi niya "Bakit ate wala pa ba talaga, hmmm?" pang-aasar ni Theo Napansin kong lalong namula ang mga pisngi ni ate at tila hindi mapakali at pinipilit na ikalma ang sarili Oh my God, don't tell me Napatakip ako sa bibig saka siniko si Theo "Tigilan niyo nga ang Ate niyo, give her a break, mamayo niyo na kulitin," Papa said na kinahinga ng maluwag ni Ate Ohhh, this is interesting, sino kaya? I don't know if I'm just jumping into something o kung tama ang hinala ko but all I can say is whoever that guy is, he is so lucky to have my sister at sana lang ay hindi niya siya saktan dahil hinding hindi ko siya mapapatawad. I don't want to see my sister cry over a guy, or some things "Sorry ate," paghingi namin ng tawad ni Theo sa pangungulit "No, no it's fine. You two are just concerned and kinda messing around, no big deal at all. Para namang di pa ako sanay sainyo," sabi niya sabay tawa kaya natawa narin kami atsaka nagpatuloy sa pagkain "Anyway, kamusta ang pag-aaral niyong dalawa?" biglang seryosong tanong ni Ate saamin ni Theo "Everything's fine Ate, so far, I guess," sagot ni Theo kaya ako naman ang nilingon niya "It's all good, actually first day ng finals namin today," nakangiti kong sagot "I'm glad to here that from you, wag niyong pababayaan pag-aaral niyo dahil pag-uumpugin ko kayo," nagkunwaring sumaludo naman kami ni Theo "Aye, aye, captain," napapailing nalang habang tumatawa si ate Pagkatapos kumain ay agad narin kaming nagpaalam ni Theo saka umalis na. Habang nasa byahe ay nagrereview ako ng notes "Can you take that away for awhile?" maktol ni Theo "Bakit ka nga pala pumunta ng bahay? I thought you're busy?" nagtatakang tanong ko "I miss you, mas mababaliw ako kapag hindi pa kita bakita kesa sa sobrang pag-aaral," sagot niya saka ako inirapan na kinatawa ko "What a joke," napalingon siya saglit saakin atsaka hinawakan ang kamay ko at may binulong na hindi ko narinig kung ano "What is it?" taas kilay kong tanong "Wala sabi ko hindi naman ako gaya mo na hindi ako namimiss ka ko," maktol ulit niya "I miss you too, Theo," nakangiti kong sabi saka hinawakan din ang kamay niyang nakahawak saakin habang ang isa ang nasa manibela Nakita kong ngumiti siya at tila ba gumaan ang pakiramdam dahil sa narinig hindi na gaya kanina na mukhang ang bigat bigat ng pakiramdam niya at tila pagod na pagod siya "Ikaw talaga ang pahinga ko," hindi ko alam kung guni-guni ko lang iyon o narinig ko talagang sinabi ni Theo iyon kaya napalingon ako sakanya pero hindi naman siya nagsasalita at nakatutok lang sa daan Ikaw din ang pahinga ko Theo, ang best friend ko, ang kalahating parte ng buhay ko Ilang saglit lang ay nakarating na kami ng school kaya bababa na sana ako ng bigla akong hilain ni Theo para yakapin at halikan sa noo "Are you really okay?" tanong ko saka tinignan siya sa mga mata "I am now," he looks tired and sad Napapikit ako ng unti unti niya ilapit ang mukha niya saakin saka ko naramdaman na hinalikan niya ang tungki ng ilong ko. No, he is not fine Kaya ba siya pumunta ngayon? To somehow escape and rest with me even just for an hour? "I'll go straight to your house after my classes," nakangiti kong sabi sakanya saka ginulo ang buhok niya na kinaliwanag naman ng mukha niya "Really, love?" hindi makapaniwalang tanong niya na tinanguan ko naman He needs me, my best friend needs me and I can see it so how can I ignore such thing, right? "I'll fetch you later then, goodluck with your exam babe!" nakangiti niyang sabi It's good to see na kahit papaano ay gumaan ang loob niya "I will baby, thank you and take care," huling sabi ko saka siya hinalikan sa pisngi at bumaba na ng sasakyan. Kumaway pa ako sakanya ng huling beses saka tuluyan na pumasok ng gate ng school. I don't know pero biglang gumaan din ang loob ko matapos ang ilang araw at linggong sobrang pagod ako at tutok sa pag-aaral ay tila napawi yun ng presensya niya. May kakaiba sa presensya ni Theo na hindi ko nararamdaman sa iba, o hindi kayang higitan ng presensya ng sino man. Theo feels like home siguro dahil na rin iyon sa sobrang lapit namin sa isa't isa, halos alam na niya ang buong pagkatao ko, ang buong ako. Among all people around me siya ang kayang kaya akong basahin sa ano mang bagay at ganon din ako sakanya kaya walang nakakapaglihim saaming dalawa dahil napapansin namin iyon agad and we also swore na walang magsisinungaling sa bawat isa saamin unless it's really confidential and needed but at some point there is nothing called confidential between us because we choose to tell everything instead, that's how much we treasure one another. "Good morning girls!" bati ko sa apat na agad din akong binati pabalik "Did Theo drove you off of here?" tanong ni Rietta na tinanguan ko lang "Kaya pala wala sa mansyon kanina, tinakasan ang morning class niya," natatawang sabi ni Rietta "What?" kunot noong tanong ko "Oh, you didn't know? He's taking royal classes too, because of Mom," hindi pa nabanggit saakin iyon ni Theo siguro ay nakalimutan din niya dahil sa sobrang pagod No wonder mukhang pagod na pagod siya kanina "Maybe he just forgot to tell me earlier dahil sa sobrang pagod but I know he'll me about it later or sooner, no wonder he looks sk tired earlier," nag-aalalang sabi ko "He is, he got so pressured on," nag-aalalang sabi ni Rietta saka napabuntong hininga "This royal things really aren't necessary, can't we just choose what we want? or which path do we want to walk in?" nakayuko niyang tanong "Hey, get away of those thoughts for now princess we need to focus on our finals," pag-iiba ni Agatha ng usapan para narin madivert ang nararamdaman ni Rietta sk she can focus in our exam "That's right, sorry," lumapit naman kaming apat sakanya saka siya niyakap bago kami magsimulang magtanungan ng questions na sa tingin namin ay maaaring lumabas sa exam atsaka nagscan ng notes Hindi ko alam pero hindi ko magawang magfocus dahil hindi maalis sa isip ko si Theo hanggang sa nagsimula at natapos na ang exam pero thankfully nakasagot naman ako at ilan sa mga tanong na lumabas ay kasama sa mga nareview namin kanina ng Agápi Matapos ang exam ay sabay sabay na kaming lumabas lima at saktong pagdating ko ng parking lot ay nandoon narin si Theo Naunang lumapit sakanya si Rietta atsaka nakipagbeso dito at yumakap "Tumakas ka nanaman," narining kong bulong nito sakanya "Just for minutes," rason ni Theo saka napakamot sa ulo Kay Theo na kaming sumakay lima total andito naman na siya "Hey, love how's the exam?" agad na tanong niya ng makasakay ako sa driver's "Ayos lang naman, lumabas din ang ilan sa mga nireview namin that makes it lot easier," sagot ko "Well everything's easy for you babe," sarcastic na sabi niya "Perks of beinf smart, I gues," natatawang sabi ni Rietta sa likod "Kung mag-usap ang dalawang to akala mo walang mga kasama. Hello nandito kami, baka naman gusto mo rin kaming kamustahin Martin Theoden," natawa kami dahil sa sinabi ni Irene "I know you all did well girls, you're all smart after all," nakangiti naman na sabi ni Theo "You all are my princess too so I believe in you," dagdag pa nito He's really the sweetest "Sus hindi naman princess ang isa dyan para sayo, Queen ata," pang-aasar naman ni Agatha "Cut it, Love," simangot ko "Hala may sinabi ba ako kung sino?" tumawa naman sila pati narin si Theo na kinurot ang pisngi ko saka hinawakan ang kamay ko "Well," kibit balikat ma sabi ni Theo Isa isa naman namin na dinrop off ang apat saka kami dumiretso sa bahay nila Theo. Nakapagpaalam narin ako kela mama kanina ng tinawagan ko sila at pumayag naman sila because Mama also recogized how tired Theo's eyes are Pagdating namin ng bahay ay agad naman ako nagmano ay yumakap kela Mommy ng maabutan namin sila sa sala saka kami umakyatna ng kwarto ni Theo Nauna ng maligo si Theo habang nagrereview muna ako saglit para sa exam bukas Ilang sandali lang ay bumukas na ang banyo at niluwal nun si Theo na tanging shorts lang ang suot at medyo basa pa ang buhok "I'm done," he said "Obviously," irap ko na kinatawa lang niya saka ako pumasok na ng banyo at naligo Pagkatapos ko ay agad na akong lumabas atsaka nagblower. Titig na titig naman saakin si Theo mula pa kanina "What?" nagtatakang tanong ko "Why are you so beautiful?" out of no where niyang sabi "Genes, babe, dzuh?" natawa siya dahil sa sagot ko Tumayo naman siya saka ako niyakap mula sa likod at sinubsob niya ang ulo niya sa leeg ko Humarap naman ako sakanya para mayakap ko siya pabalik "I'm so tired," sabi niya saka napabuntong hininga "I know, love," sabi ko saka hinagod ang likod niya "This is not what I want babe," mababa ang boses na sabi niya Tumayo naman ako kaya napahiwalay muna siya saakin atsaka kami pumunta sa kama Naupo ako habang nakahiga siya sa lap ko at sinusuklay ko ang buhok niya "These royalty stuffs are so tiring, I mean it's pressing us, me, so much," maktol pa rin niya "This is not what my heart wants," sabi niya saka tumagilid kaya nakaharap siya sa bandang tiyan ko ngayon atsaka ako niyakao mula doon "Why don't you tell them that?" "Because I don't want to disobey and disappoint them," mahinang sagot niya "I know mom will understand, love, just try," pag-e-encourage ko parin sakanya "I will but not now," "Why don't you sleep for awhile so you can rest first," sabi ko kaya napaangat siya ng tingin saakin "What about you?" tanong niya "I'm going to review and finish some projects susunod lang ako," nakangiti kong sabi "Can't you lay down with me first? Just until I'll fell asleep so you can rest your mind for awhile too," hindi naman na ako tumanggi saka kami umayos ng higa na sa kama habang nakaunan ako sa braso niya at pinaglalaruan naman niya ang buhok ko "I'm also scared," biglang sabi niya kaya tumagilid ako ng higa at lumingon sakanya, medyo nagulat pa ako sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa "Scared of what?" kunot noong tanong ko Hinalikan naman niya ako sa noo kaya napapikit ako "That you'll find a new best friend dahil nawawalan na ako ng oras sayo," napatingin ako sa mga mata niya at nakita ko ang lungkot na nakatago doon "Silly, kahit siguro isang buong taon pa tayong hindi magkita walang makakapalit sayo. You'll always be my best friend Theo, always," paniniguro ko saka hinawakan ang buhok niya at sinuklay iyon gamit ang daliri ko "Promise?" tanong niya saka tinaas ang finky finger niya "Promise, baby," abot ko sa daliri niya "Thank you, babe," sabi niya saka ako niyakap kaya bapasubsob ako sa dibdib niya I smiled and hugged him back Ilang saglit lang ay naramdaman ko na medyo mabigat na ang bawat paghinga niya kaya naman ay dahan dahan akong kumawala sakanya atsaka siya tinitigan "No one can ever replace you in my heart and in my mind Theo. You're one of a kind, and no one and nothing can ever get you out of my life so you don't need to be scares of anything or something. I'll always and forever be here for you no matter what," sabi ko habang nakatitig sa tulog niyang mukha atsaka siya hinalikan sa pisngi "I miss you and I love you, Martin Theoden, I always will," dagdag ko pa saka ako dahan dahan na tumayo at kinuha ang notes ko sa bedside table na nilagay ko kanina saka ako nagsimulang magreview at magscan ng mga notes para sa mga susunod na exams bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD