Final Walk 22

2608 Words
Nagising ako ng maramdaman kong tila nakaangat ako sa ere dahil may biglang bumuhat saakin. Kinuskos ko ang kabilang mata ko at dinilat iyon kung saan nakita ko si Theo na dahan dahan na akong nilalapag ngayon sa kama. "Sleep again, baby," nakangiting sabi niya saka nahiga ulit sa kama Naging busy na ulit kami sa mga sumunod na araw at iyon na ulit ang huling beses na nagkita at nagkasama kami ni Theo dahil kailangan na naming mafocus pareho pero lagi naman siyang tumatawag gabi-gabi hanggang sa nakakatulog na siya, ayaw naman niyang pinapatay ang tawag para daw para rin kaming magkasama at baka magising siya ay para makita niya ako. Ewan ko ba sa lalakeng iyon habang tumatagal mas lalong nagiging sobrang clingy at ang clingy na side lang ni Theo at ng Agápi ang tinatanggap ko dahil masyado ng cringe para saakin kapag may dumagdag pa Huling exam na ngayon at malapit na akong matapos kaya naman ay hindi na muna ako nag-isip ng kung ano ano, ang nasa utak ko nalang ngayon ay ang matapos na to para makapagpahinga na muna kami sa lahat at para narin hindi masyadong nahahati ang oras nila ng mga kasama namin sa bagay bagay Matapos ang lahat ng exam ay sabay sabay kaming lumasa lahat saka masayang naglakad palabas. Papunta kami ngayon sanpaboritong kainan namin dahil nakakagutom ang sobrang pressure na naramdaman naming lahat kanina, sana lang ay makapasa kami Nakapila ako habang nag-oorder ng biglang tumunog ang telepono ko "Hello," [Babe, where are you?] it's Theo "Nasa kainan" simpleng sagot ko [Okay, wait for me there,] tumango naman ako na tila ba nakikita niya ako saka binulsa ulit ang hawak ko at kumuha na rin ng makakain para sakanya Saktong paglapas ko sa lamesa ay naramdaman kong may yumakap saakim mula sa likod saka ako hinalikan sa ulo bago o nalang ang mga tao kaya pala hindi ko kayo mahanap kasi nandito pala kayo," agad na sabi niya pagkaupo niya sa tabi ko atsaka nagsimula naring kumain "Guys outing tayo!" biglang sabi ni Jasmin "That's a great idea, I'll ask mom to give me a break even just for a week," nakangiting sabi Rietta "Syempre sama rin ako!" singit naman ni Theo sa usapan "All girls," pang-aasar ni Irene kaya natawa kami ng mag maktol nanaman si Theo "Well that good, mag-co-college na tayo sa susunod na pasukan and for sure we will be so busy na para makapag-outing pa so why not sulitin natin itong summer na darating diba," sabi ni Agatha na sinang-ayonan naman naming lahat "So what's the plan?" tanong ko kaya napalingon silang lahat saakin "Beach kaya?" suhestyon ni Irene "How about let's travel outsie the country?" - Rietta "That's also what I'm thinking," - Theo Ang expensive naman ng dalawang to mag-isip "Island hopping!" sabay na sabi namin ni Agatha kay nagkatinginan kami at natawa "THAT'S GOOD! GUSTO KO RIN YAN!" sabi naman ni Jasmin Lahat din sila ay sumang ayon saamin ni Agatha kaya ang ending kay naghanap kami ng kung saan kami pwedeng mag-island hopping Hanggang sa makauwi na kami ay tumawag sila sa gc para ipagpatuloy ang mga plano. Theo's with me right now, nasa bahay kami kaya naririnig din niya ang mga plano ng mga kasama namin. Wala siya sa gc kaya hindi rin siya makakasama sa tawag if ever and I guess it's a good thing na nandito siya para hindi na ako mahirapan na mag-explain pa sakanya "I'm so tired!" sabi ko ng matapos ang tawag saka nag-inat at binagsak ang sarili sa kama "You should take a shower already baby so you can rest, ilang araw ka ng kulang sa tulog kailangan mong bumawi," malambing na sabi ng kasama ko "You go first," tumango naman siya saka tumayo na at pumasok sa banyo Napalingon ako sa bag niya na nakabukas at nakita ang isang tumbler doon, hindi ko alam kung bakit ko iyon kinuha at binuksan. Ang bago ng amoy ng laman parang masarap. Hindi naman siguro magagalit si Theo kapag uminom ako diba? Tinungga ko iyon at nagulat ako sa sobrang sarap ng inumin na nasa loob noon kaya tumungga pa ako ulit hanggang sa unti unti kong nararamdaman na tila umiinit ang paligid kaya naghubad ako ng uniporme at tanging underawear ko nalang ang suot ko ngayon ng biglang bumukas ang pinto ng banyo kaya napalingon ako doon Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Theo habang nakatingin saakin bago umiwas ng tingin "M-magdamit ka nga," ako lang ba o nauutal talaga si Theo? Bakit? "Theo ang sarap," mahinang sabi ko "A-anong masarap?" napalunok pa siya matapos itanong iyon "Ito, ano ito?" tanong ko kaya napalingon siya ulit saakin at nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa hawak ko "Lorelei! You shouldn't drink that!" mabilis siyang napunta sa tabi ko atsaka iyon sinubukang kunin saakin pero tinungga ko iyon hanggan sa maubos "Ay ubos na," nakasimangot kong sabi Hindi makapaniwalang nakatingin saakin si Theo na nasa kama narin kasama ko "Theo," tawag ko sakanya saka ako biglang ngumiti Nakatulala lang siya at nakatingin saakin, hindi ko alam pero tila iba ang presensya na nararamdaman ko ngayon parang gusto kong maging sobrang lapit sakanya dahil sa sobrang init ng nararamdaman ko Nang tumayo siya atsaka tumalikod ay agad akong tumayo rin at yumakap sakanya "I miss you Theo," wala sa sariling sabi ko kaya napalingon siya saakin Yumakap ako sa leeg niya habang nakatingala at nakatingin sa mga mata niya Nakita ko kung paanong naglipat lipat ang tingin niya mula sa mga mata ko at sa labi ko kaya wala sa sariling napalingon din ako sa labi niya "Alam mo ba," panimula ko ng may bigla akong naalala atsaka hinawakan gamit ang hintuturo ko ang labi niya Third person's POV Hindi makagalaw ang binata at sinusubukang pigilan ang sarili habang nakatingin sa mapupugay na mga mata ng dalagang nakayakap sakanya ngayon "Hindi ko alam pero may naramdaman akong kakaiba noong hinalikan mo ako noong nagkaroon tayo ng biglaang photoshoot," wala sa sariling sabi ng dalaga Me too Lore, me too "Weird pero gusto ko iyong maramdaman ulit," mahina ang boses na sabi ng dalaga saka bumaba ang tingin sa mga labi ni Theo Hindi napigilang huwag mapalingon ng binata sa labi nito ng basahin iyon ng dalaga gamiy ang dila nito saka bahagyang kinagat "Stop it Lore," pagpipigil nito sa sarili at sinubukang kumawala sa yakap ng dalaga pero masyado iyong mahigpit. Ramdam na ramdam din niya ang init ng katawan ni Lore sa katawan niya kaya alam niyang walang maidudulot na maganda kapag nagtagal pa sila sa ganong posisyon dahil alam niyang kung gaano kahirap para sakanya na pigilan ang sarili pagdating sa dalaga "Stop what love?" malambing na tanong ng dalaga na mas nagpapainit ng nararamdaman niya "Don't you want it too?" natigilan siya at hindi nakagalaw dahil hindi alam ang isasagot sa dalawa "I want you so bad Lore, so bad but you're drunk, I don't want to take advantage of you," hindi na napigilan na umamin ito sa nararamdaman sa mga oras na iyon "I'm not drunk," pagtanggi ng dalaga "And I want you too Theo," sabi nito saka tumingkayad kaya nagpantay ang mukha nilang dalawa "Sh*t!" hindi na napigilan ng binata na huwag halikan si Lore na agad namang tinugunan ng dalaga Wala sa sariling tinulak ng dalaga si Theo sa kama kaya napaupo ito doon, wala itong ibang suot kung hindi short kaya ramdam na ramdam nito sa katawan niya ang init ng katawan ng dalaga Agad naman na umupo sa kandungan nito ang dalaga habang nakaharap sakanya atsaka siya hinalikan ulit. Hindi na kayang pigilan pa ni Theo ang sarili kaya agad niyang tinugunan ang malalalim na halik ng dalaga habang nakahawak sa magkabilang bewang nito at pinisil pisil iyon hanggang sa dahan dahan na naglakbay ang mga palad nito sa mayayamang dibdib ng dalaga "Theo," hindi napigilan na utal ng dalaga Tila bigla namang natauhan ang binata sa nangyayari This isn't right Tumigil siya sa ginagawa atsaka pilit na inalis sa kandungan ang babae na nalilitong nakatingin sakanya "This isn't right Lore, I'm sorry for taking advantage of the situation, this has to stop," pagpipigil nito sa sarili Gustuhin man ng lalake na ipagpatuloy ang ginagawa nila ay hindi niya magawa dahil hindi kaya ng konsensya niya at ng respetong meron siya para sa babae ang ano mangyayari at alam niyang kung hindi lang ito lasing ay hindi rin mangyayari ang lahat ng iyon "You need so sober up already love," magsasalita pa sana si Lore ng bigla siyang nakatulog dahil sa pagod at sa sobrang alak na nainom Agad naman na binuhat ni Theo ang dalaga atsaka dinala sa banyo at siya na ang nagpunas dito bago binalik sa kama at binihisan "I'm sorry baby," panghihingi parin nito ng tawad sa dalaga bago siya nahiga sa tabi nito at dahan dahang kinulong ang dalaga sa mga bisig niya habang dahan dahan na sinusuklay ang buhok nito Natigilan siya ng maramdamang yumakap din ang babae sakanya atsaka sinubsob ang sarili sa dibdib nito Lorelei's POV I do remember everything that happens but for now I need to sleep first because my head's aching so much kaya sinubsob ko iyon sa dibdib niya, naramdaman kong natigilan siya kaya napangiti ako. I didn't know that I have this effect on you huh Martin Theoden Pumikit na ako hanggang sa tuluyan na akong nakatulog Paggising ko ay sobrang sakit ng ulo ko at naramdaman kong wala na akong katabi kaya agad akong bumangon at nagtungo sa banyo para ayusin ang sarili ko. Habang nakatitig ako sa sarili ko sa salamin ay naalala ko iyong kagabi kaya hindi ko mapigilan na huwag mamula. Anong ginawa mo Lorelei? Suway ko sa sarili, paano ko pa nito makakayang harapin si Theo? Tama, tama, magpapanggap nalang akong walang alam sa nangyari, much better Agad naman na akong bumaba para uminom ng gamot at kape ngunit natigilan ako ng may marinig ako sa kusins kaya agad akong pumunta donn "Theo?" kunotbnoon tanong ko, akala ko Y umuwi na siya "Oh you're awake! Good morning baby," nakangiti niyang sabi saka ako pinaupo sa lamesa dahil saktong ihahanda na niya ang niluto may soup din iyon at kape na para saakin at gamot rin, mukhang alam na alam niyang kakailanganin ko iyon. "Uhm," naiilang kong panimula "Sorry sa pangingialam ng gamit mo kagabi," nakayuko kong sabi "It's fine love, no big deal," nakangiti niyang sabi saka ginulo ang buhok ko at naupo sa harap ko "What's big deal here is you getting drunk young lady!" seryoso niyang sabi kaya napaiwas ako ng tingin "From now on bawal kang uminom ng may kasamang lalake or at least call me or text me kung iinom kayo nila Irene so I would know at mapuntahan kayo," parang kuyang nagsesermon naman to "Whatever KUYA," sabi ko saka sumimangot "I'm serious Diana Lorelei," okay he's really serious "Fine Martin Theoden, at kailan pa ako uminom ng iba ang kasama lalo na't lalake?" taas kilay kong tanong "Just in case babe, you'll be moving in Taverna University so there's a chance that you'll meet other people there and guys," kibit balikat niyang sabi "Masyado ka namang mag-isip," irap ko sakanya It's a good thing na walang kahit sino saamin ang nagbibring up ng nangyari kagabi kaya hindi mahirap na magpanggap na walang alam. I know that he's being careful na huwag iyon mabanggit dahil alam niyang maiilang ako sa nangyari, he's reall always considering me in any situations alam na alam niya ang magiging epekto saakin ng kahit na ano, that's how much Theo knew me and even I to him Alam kong kapag nagtanong ako ay maguguilty lang siya dahil sa nangyari even though I am the one who provoke me Theo would never blame me for it but himself and I don't want that to happen "Sorry babe," biglang sabi niya kaya napaangat ako ng tingin sakanya. Kitang kita sa mga mata niya ang sinseridad sa paghingi ng tawad "Sorry for?" pagmamaang maangan ko "Nothing, I'm just sorry," nakangiti niyang sabi Ngumiti naman ako pabalik sakanya saka sinabing kung ano man yun ay ayos lang I should be the one saying sorry dahil sa pangingialam sa gamit niya "Anyway, where are they?" ngayon ko lang napansin na wala pala kaming kasama ngayon dito sa bahay "Mama and Papa went out to buy some groceries, namalengke narin. As for Ate Zy, I don't know where she is, ang alam ko lang maaga siyang umalis," tumango tango lang ako saka nagpatuloy na sa pagkain Naisipan naman namin na linisin ang buong bahay dahil wala naman kaming gagawin at para naman maexercise din kami kahit papaano Pagkatapos ko sa trabaho ko sa loob ay pumunta ako ng garden para diligan ang mga halaman ni Mama, nagulat naman ako ng biglang kumalabit saakin kaya hindi ko sinasadyang maharap sakanya ang host kaya nabasa siya "Bakit ka kasi nanggugulat?" kunot noong tanong ko kay Theo na nakatingin ngayon sa basa niyang damit "Anony nanggugulat? bakit ba kasi ang lalim ng iniisip mo? Kanina pa kita tinatawag pero mukhang di mo ako naririnig kaya nilapitan kita," paliwag niya Agad naman akong naguilty at napakagat sa labi ko dahil sa nangyari "Stop doing that, Lore," naguguluhang napaangat naman ako ng tingin sakanya "Doing what?" nagtatakang tanong ko Imbis na sagutin ay tumingin lang siya sa labi ko saka mabilis na tumalikod at naglakad papasok ng bahay "Ano bang problema nun?" bulong ko sa sarili "Lunch's ready Lore, halika ma bago pa to lumamig," kaya ba niya ako tinawatag kanina dahil doon? Bakit nga ba ni hindi ko man lang narinig na tinatawag niya ako? Am I really deeply thinking what happened last night kaya nawala ako sa wisyo? Hays whatever Mabilis na akong pumasok sa bahay bago pa ako tawagin ulit ni Theo atsaka naupo sa hapagkainan, napansin ko rin na nakapagbihis na siya ng damit "Don't you have royal classes today? Himala ata at free ka buong araw," I asked "I ask mom to cancel my classes for today because I was worried that you might get a hungover for what happened last night, it's my fault at all for not keeping that tumbler away," gaya nga ng sabi ko sisisihin talaga ng isang to ang sarili niya "Hindi mo na dapat kinancel ang classes mo, I'm fine now," if I know importante ang classes na yun sakanya and he need to pass all those para hindi na rin siya mapressure masyado "Can you still make it? In some of your classes for today sana?" umaasang tanong ko "Even if I can, I will not. Besides wala pa sila Mama kaya wala kang kasama so I'll stay here and no more buts," seryosong sabi niya Hindi nalang ako pumalag pa at nagsalita dahil alam kong hindi naman magpapatalo ang isang to kaya ang ending ay hindi nga talaga siya umalis at inabot na siya ng gabi rin dahil late na nakauwi sila mama dahil nagkaroon ng emergency sa kumpanya pero naayos naman na daw iyon agad kaya wala ng dapat na ipag-alala Dito pa sana matutulog si Theo pero pinilit ko siyang umuwi na dahil baka may mamiss nanaman siyang klase bukas at kailangan pa niyang magmake up classes sa mga kinancel niya sa araw na to. I felt guilty for what happened bakit ko ba kasi naisipang inumin at gawin iyon? It's a good thing din na hindi naman na nagpumilit pa si Theo dahil alam niyang hindi lang ako makakatulog sa sobrang pag-iisip kapag hindi pa siya makakahabol nanaman sa klase niya bukas
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD