Final Walk 16

1009 Words
Napansin kong lalong namula ang mga pisngi ni ate at tila hindi mapakali at pinipilit na ikalma ang sarili Oh my God, don't tell me Napatakip ako sa bibig saka siniko si Theo "Tigilan niyo nga ang Ate niyo, give her a break, mamayo niyo na kulitin," Papa said na kinahinga ng maluwag ni Ate Ohhh, this is interesting, sino kaya? I don't know if I'm just jumping into something o kung tama ang hinala ko but all I can say is whoever that guy is, he is so lucky to have my sister at sana lang ay hindi niya siya saktan dahil hinding hindi ko siya mapapatawad. I don't want to see my sister cry over a guy, or some things "Sorry ate," paghingi namin ng tawad ni Theo sa pangungulit "No, no it's fine. You two are just concerned and kinda messing around, no big deal at all. Para namang di pa ako sanay sainyo," sabi niya sabay tawa kaya natawa narin kami atsaka nagpatuloy sa pagkain "Anyway, kamusta ang pag-aaral niyong dalawa?" biglang seryosong tanong ni Ate saamin ni Theo "Everything's fine Ate, so far, I guess," sagot ni Theo kaya ako naman ang nilingon niya "It's all good, actually first day ng finals namin today," nakangiti kong sagot "I'm glad to here that from you, wag niyong pababayaan pag-aaral niyo dahil pag-uumpugin ko kayo," nagkunwaring sumaludo naman kami ni Theo "Aye, aye, captain," napapailing nalang habang tumatawa si ate Pagkatapos kumain ay agad narin kaming nagpaalam ni Theo saka umalis na. Habang nasa byahe ay nagrereview ako ng notes "Can you take that away for awhile?" maktol ni Theo "Bakit ka nga pala pumunta ng bahay? I thought you're busy?" nagtatakang tanong ko "I miss you, mas mababaliw ako kapag hindi pa kita bakita kesa sa sobrang pag-aaral," sagot niya saka ako inirapan na kinatawa ko "What a joke," napalingon siya saglit saakin atsaka hinawakan ang kamay ko at may binulong na hindi ko narinig kung ano "What is it?" taas kilay kong tanong "Wala sabi ko hindi naman ako gaya mo na hindi ako namimiss ka ko," maktol ulit niya "I miss you too, Theo," nakangiti kong sabi saka hinawakan din ang kamay niyang nakahawak saakin habang ang isa ang nasa manibela Nakita kong ngumiti siya at tila ba gumaan ang pakiramdam dahil sa narinig hindi na gaya kanina na mukhang ang bigat bigat ng pakiramdam niya at tila pagod na pagod siya "Ikaw talaga ang pahinga ko," hindi ko alam kung guni-guni ko lang iyon o narinig ko talagang sinabi ni Theo iyon kaya napalingon ako sakanya pero hindi naman siya nagsasalita at nakatutok lang sa daan Ikaw din ang pahinga ko Theo, ang best friend ko, ang kalahating parte ng buhay ko Ilang saglit lang ay nakarating na kami ng school kaya bababa na sana ako ng bigla akong hilain ni Theo para yakapin at halikan sa noo "Are you really okay?" tanong ko saka tinignan siya sa mga mata "I am now," he looks tired and sad Napapikit ako ng unti unti niya ilapit ang mukha niya saakin saka ko naramdaman na hinalikan niya ang tungki ng ilong ko. No, he is not fine Kaya ba siya pumunta ngayon? To somehow escape and rest with me even just for an hour? "I'll go straight to your house after my classes," nakangiti kong sabi sakanya saka ginulo ang buhok niya na kinaliwanag naman ng mukha niya "Really, love?" hindi makapaniwalang tanong niya na tinanguan ko naman He needs me, my best friend needs me and I can see it so how can I ignore such thing, right? "I'll fetch you later then, goodluck with your exam babe!" nakangiti niyang sabi It's good to see na kahit papaano ay gumaan ang loob niya "I will baby, thank you and take care," huling sabi ko saka siya hinalikan sa pisngi at bumaba na ng sasakyan. Kumaway pa ako sakanya ng huling beses saka tuluyan na pumasok ng gate ng school. I don't know pero biglang gumaan din ang loob ko matapos ang ilang araw at linggong sobrang pagod ako at tutok sa pag-aaral ay tila napawi yun ng presensya niya. May kakaiba sa presensya ni Theo na hindi ko nararamdaman sa iba, o hindi kayang higitan ng presensya ng sino man. Theo feels like home siguro dahil na rin iyon sa sobrang lapit namin sa isa't isa, halos alam na niya ang buong pagkatao ko, ang buong ako. Among all people around me siya ang kayang kaya akong basahin sa ano mang bagay at ganon din ako sakanya kaya walang nakakapaglihim saaming dalawa dahil napapansin namin iyon agad and we also swore na walang magsisinungaling sa bawat isa saamin unless it's really confidential and needed but at some point there is nothing called confidential between us because we choose to tell everything instead, that's how much we treasure one another. "Good morning girls!" bati ko sa apat na agad din akong binati pabalik "Did Theo drove you off of here?" tanong ni Rietta na tinanguan ko lang "Kaya pala wala sa mansyon kanina, tinakasan ang morning class niya," natatawang sabi ni Rietta "What?" kunot noong tanong ko "Oh, you didn't know? He's taking royal classes too, because of Mom," hindi pa nabanggit saakin iyon ni Theo siguro ay nakalimutan din niya dahil sa sobrang pagod No wonder mukhang pagod na pagod siya kanina "Maybe he just forgot to tell me earlier dahil sa sobrang pagod but I know he'll me about it later or sooner, no wonder he looks sk tired earlier," nag-aalalang sabi ko "He is, he got so pressured on," nag-aalalang sabi ni Rietta saka napabuntong hininga "This royal things really aren't necessary, can't we just choose what we want? or which path do we want to walk in?" nakayuko niyang tanong "Hey, get away of those thoughts for now princess we need to focus on our finals," pag-iiba ni Agatha ng usapan para narin madivert ang nararamdaman ni Rietta sk she can focus in our exam “That’s right sorry,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD