Final Walk 15

1001 Words
Sobrang bilis ng araw, simula na ng finals namin ngayong araw. Sina Theo ay patapos na samantalang kami kakasimula pa lang kaya kahit na gusto kong lumabas o gumala kasama siya ay hindi pwede dahil kailangan kong magfocus para mapasa ang subjects ko at ma-maintain ang grades ko. I don't want to disappoint anyone. Babawi nalang ako sakanya kapag tapos na ang lahat ng to, for now focus muna. Tapos na akong maligo at magbihis kaya agad na akong bumaba para makapagbreakfast at makaalis na. Napakunot ang noo ko ng marinig na medyo maingay sa baba kaya hindi na ako nagulat ng makita si Theoden na nasa hapagkainan kasama ang pamilya ko "What are you doing here?" kunot noong tanong ko "Ouch babe, ganyan mo na talaga ako kaayaw makita lately?" pagdadrama niya kaya inirapan ko lang siya "Joke, hindi maaga ang schedule ko today so pwede kitang i drop off muna sa school," pag-amin niya Tinignan ko muna ang schedule niya saka ako naniwala at kumain na rin "Grabe trust issue guys nakakasama ng loob yun a," maktol ni Theo na tinawanan lang ng pamilya ko "Mukha mo pa lang Theo hindi na katiwa-tiwala," mas lalo siyang sumimangot kaya natawa ako "Mukhang may katuwaan dito a, pwede ba akong makisali?" mabilis akong napalingon sa likod ng marinig ang boses na iyon "ATE Z!" sabay na tawag namin ni Theo sakanya saka kami sabay na natayo at sinalubong siya ng yakap Ilang buwan siyang hindi nakakauwi dahil sa sobrang busy. Siya na ang nagsilbing panganay na anak nila daddy muna ng in-adopt nila siya kaya sakanya na nakapangalan ang ilan sa mga ari-arian na meron kami at kabilang doon ang ilang mga business kaya naman bilang pasasalamat sobra sobra ang pag-iingat at pag-aalaga ni Ate sa mga iyon at tutok na tutok siya sa pagpapatakbo nito, sobrang hands on niya (Flashback) "Ito ang regalo namin ng papa mo saiyo anak," sabi ni mama sabah abot ng isang envelope kay Ate Today is her 18th birthday. Ang bilis ng panahon no? Parang kailan lang noong pumunta kami dito, parang kailan lang noong nakilala ko si Ate, parang kailan lang noong naging opisyal ko na siyang kapatid "Mama, Papa..." nagtaka ako ng hindi makapaniwalang tinitignan ni Ate ang mga laman ng envelope at tila hindi makapagsalita 'Anong ang laman nun?' "Happy birthday anak," nakangiti ay sabay na sabi nila mama at papa "Pero bakit po? I-isn't it too much? I mean Lorelei's more deserving for all this," hindi parin makapaniwala na sabi ni Ate "Patay lang kayo ni Lorelei anak, no one is more or less deserving of everything. You are both our daughters, you both deserve the best and you deserve that." nakangiting sagot ni mama Kitang kita ko kung paanong namuo ang mga luha sa mga mata ni ate na tila ba hindi alam kung ano ang sasabihin, dahil narin sa pinaghalong saya at hindi maipaliwanag na mga emotion "Napagdesisyonan namin ng Papa niyo na hatiin sainyo ang lahat ng ari-arian na mayroon kami kabilang doon ang lahat ng business na mayroon tayo at dahil nauna kang tumungtong sa tamang edad ay nauna mo ring mamamana ang ilan sa mga iyon. If you are ready we will send you out of the country para doon magpatuloy ng pag-aaral dahil nandoon din ang pinakamalaking business na nakapangalan sayo ng sa gayon ay mabisita at makita mo iyon ng personal, mapag-aralan at matutukan." paliwanag pa ni Mama Umiiyak na sunod sunod na tumango si Ate "Thank you so much Mama, Papa," sabi niya sabay takbo at yakap sa dalawa atsaka tumungin saakin "and Lorelei," atsaka ako hinila din at niyakap Ilang weeks lang mula ng araw na iyon ay umalis na si Ate Z at buwan buwan ang inaabot bago siya nakakauwi, at tuwing holidays (End of Flashback) Natatawang niyakap niya kami pabalik saka siya dumiretso kay mama at papa at humalik sa mga ito "How are you, anak?" tanong ni Mama ng makaupo na ulit kaming lahat pati si Ate sa hapagkainan "Everything's fine Ma, sobrang hectic lang ng schedule pero miss na miss ko na kayo kaya tinapos ko na agad ang mga trabaho ko," sagot ni Ate habang kumukuha ng pagkain "Don't overdo yourself too much anak. Kumakain ka rin ba sa tamang oras? Natutulog? You're still too young to overwork yourself, mag-ejoy ka rin minsan. Are we pressuring you, baby?" kitang kita ang pag-aalala sa mukha ni Papa habang tinatanong siya kaya hindi ko rin mapigilang huwag mag-alala at tinitigaan ng maigi si Ate She looks so exhausted, so drained, so tired "No Pa, you're not. Kahit kailan you never pressured me, It's my choice to treasure and take good care of everything that you've given to me. And don't worry Pa, may maayos na tulog at kain po ako. Hindi po ako pinapabayaan ni manang doon," nakangiti niyang sagot Manang is the personal maid that Papa get for Ate, para pagsilbihan siya sa lahat at masigurong makakakain siya ano mang oras "That's good to here then," nakangiti na sabi ni Papa "Mamaya na yang business business o kung ano anong usapan, eat first anak and rest after mukhang pagod ka sa byahe," sabi naman ni Mama na kinangiti ni Ate "Oo mga ate take a break, bakit kaya hindi ka maghanap muna ng boyfriend kesa lulong na lulong ka sa trabaho," nabilaukan naman siya sa sinabi kaya agad ko siyang binigyan ng tubig "Diana Lorelei!" natawa ako ng tawagin niya ang buong pangalan ko Ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan ang tungkol sa pagboboyfriend dahil wala pa daw iyon sa isip niya at wala siyang oras sa mga ganong bagay pero hindi naman ata pwedeng tumandang dalaga siya diba? "Lore's right anak, hindi ka na bata," sulsol ni Mama "Mama!" mas lalo akong natawa sa reaksyon niya "Kidding aside ate, gusto ko na ng pamangkin!" maktol ko na kinainit ng pisngi niya "Bakit ate wala pa ba talaga, hmmm?" pang-aasar ni Theo Baliw talaga tong isang to kahit kailan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD