Final Walk 12

1049 Words
"Hello, can I ask you something?" nakangiting tanong nito "You are already asking," masungit na sabi ni Theo kaya tinignan ko siya ng masama "Sure go ahead," nakangiti kong sabi ng bumaling ako ng tingin sa lalake "Are you a couple?" "What do you think?" masungit parin na tanong pabalik ni Theo saka nilingon ang kamay namin "I am a photographer and I am working on my first magazine wherein couples ang ilalagay kong output. Kanina ko pa kasi kayo napapansin and you look so good together," napaayos naman ng upo si Theo dahil sa narinig. "Then?" nawala na ang sungit sa boses nito, buti naman. Daig pa babae na niregla sa kasungitan e "Can I have you two as my main models for the magazine's cover?" nakangiti nitong sabi Sasabihin ko na sana na hindi kami mag-jowa talaga ni Theo ng bigla namang sumang ayon itong kasama ko. Ano pa nga bang magagawa ko? Tatanawin ko nalang tong tulong para sa lalake, sa career niya Hindi naman naging mahirap saamin ni Theo ang first shots. "Pwede ba kayong tumayo?" sumunod naman kami ni Theo saka sumunod sa lalake sa tila mini garden sa gilig ng coffee shop na to na ginawa talaga para pagpicture-an ng mga gustong magpicture. "Humarap kayo sa isa't isa," agad naman namin yun na sinunod "Yakapin mo gamit ang isang kamay mo ang bewang ni Lore," utos nito kay Theo. "Then hawakan mo gamit yung kabila ang baba niya na tila ba pinapatingala mo siya sayo saka kayo magtinginan mata sa mata," agat ko namang inangat ang tingin ko atsaka tinignan si Theo sa mata "Perfect," "Isa pa, pagdikitin niyo naman ang noo niyo," binitawan naman ni Theo ang baba ko saka kami bahagyang yumuko para magdikit ang mga noo namin, napapikit ako dahil sa lapit namin dahil nagsisimula nanamang bumilis ang t***k ng puso ko. "For the final shoot," napalingon kami sa lalake "Can you kiss Lore? Just a quick one," nakangiti niyang tanong kaya agad naman kaming nagkatinginan ni Theo "Can I?" bulong niya saakin Hindi ko alam kung bakit ako tumango atsaka pumikit, para matapos na rin kami dito at tatabang na ang kape ko. Napahigpit ang hawak ko sa balikat ni Theo ng maramdaman ang labi niya na dumampi sa labi ko. "Prefect!" agad naman akong napadilat kaya nagkatinginan kami ni Theo. Mabilis naman akong lumayo na sa kanya saka hinarap yung lalake at ngumiti. "Thank you! Sana ay mas magtagal pa kayo," nakangiti nitong sabi "No worries! And thank you din," "By the way here is my calling card para incasena gusto niyong kunin ang mga litrato message niyo nalang ako dito," abot niya ng calling card niya saakin "Okay, but can you email it directly to us nalang?" tanong ko na sinang ayunan naman niya bago niya hiningi ang email ko at umalis. Lumingon naman ako kay Theo na nakabalik na sa table namin. Malalim akong bumuntong hininga saka nilakasan ang loob ko na bumalik sa table namin kahit na parang gusto ng kumawala ng dibdib ko sa katawan ko sa sobrang bilis ng t***k nito. "Ubusin na natin to para makapaglibot na tayo," nakangiti kong sabi sakanya na tinanguan lang niya Bakit ba biglang natahimik to? Mabilis naman naming naubos ang iniinom at kinakain namin kaya naghanap na kami ng ibang mapupuntahan sa loob ng mall. "Huy ayos ka lang ba?" hindi ko napigilang itanong dahil kanina pa tahimik ang isang to, nagmumukha akong walang kasama. Nakasunod lang talaga siya saakin. "Huh? Ah, o-oo, bakit?" kunot noong napatitig ako sakanya atsaka nilapit ang mukha ko sakanya na kinagulat niya kaya mabilis siyang mag-iwas ng tingin saakin "Naiilang ka ba dahil sa kanina? Hmmm?" asar ko na kinapula ng pisngi niya kaya mas lalo akong matawa "Naiilang ka nga! Namumula ka! HAHAHA" hindi naman niya ako sinagot at nilagpasan lang kaya hinabol ko siya saka hinawakan sa braso para sabay kaming maglakad. Kailan pa nailang ang isang Theoden? Ngayon lang! Nagpipigil lang ako ng tawa dahil sa naiisip ko. He looks so cute kapag naiilang parang bata na umiiwas sa crush niya. "Bakit ka pa kasi pumayag?" hindi makatingin sa tanong niya Sa alin? Baliw ba siya e siya nga ang pumayag na kunan kami nung lalake "Hoy for your information ikaw ang pumayag na magpakuha ng sakanya. Bakit kasi nagpanggap pa na mag-jowa ayan tuloy," taas kilay kong sabi "Whatever," sabi lang niya saka naunang maglakad Para talagang babae tong isang to (ff) Sobrang busy na ulit namin dahil malapit na ang finals, at malapit na rin kaming gumraduate! Finally! I can't wait to welcome a new journey in my life with Agápi. "Tapos ka na sa powerpoint mo?" I asked Theo dahil nakahilata lang siya ngayon sa kama "Yes, kanina pa. Can you check it? Ang sabog ko kasing gumawa nun kanina," suyo niya na tinanguan ko lang "Lagi ka namang sabog," pang-aasar ko sakanya Sinamaan niya ako ng tingin kayan mas lalo lang akong natawa saka kinuha ang laptop niya at tinignan ang gawa nita. Sa totoo lang matalino si Theo ni hindi ko nga yan nakikita na mag-aral, I mean magbasa, and such pero lagi paring highest sa section nila. He's an achiever since then that's why we all are so proud of him. Habang tinitignan ang gawa niya may biglang nagnotify sa phone ko. Nagtaka pa ako dahil unknown email saakin yun pero ng buksan ko ang laman ng email ay nanlaki ang mata ko ng pictures iyon. Iyong pictures namin sa coffee shop para sa isang magazine. Akala ko wala na to e, akala ko hindi na natuloy sa paggawa ang isang to. "Theo! look," agad naman siyang lumapit saakin. Sinilip niya ang nasa phone ko, ng makita niya iyon ay agad niya 'yong inagaw saakin kahit na hindi pa ako tapos na tignan iyon. It all actually looks good. Nagtaka ako ng natigil sa pagscroll si Theo habang nakatitig lang sa phone ko kaya sinilip ko ang tinitignan niya at mabilis na napaiwas ng makita na iyon yung huling picture na kinuha saamin. The one we kissed. "Akin na nga, f-fo-forward ko nalang sa email mo," agaw ko sa phone ko saka binalik ang atensyon sa laptop kahit na hindi ako makafocus dahil nanaman sa bilis ng t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD