Final Walk 11

1047 Words
Chapter 11 "Pupunta akong mall ngayon." sabi ko habang nakatalikod sa laptop kung nasaan ang kausap ko dahil nag-aayos ako ng cabinet "Anong gagawin mo dun?" tanong niya naman habang nagsastrum ng gitara. Naka-video call kami ngayon ni Theo dahil nabusy rin ako buong araw kaya hindi ako nakapunta sa kanila at ganon din siya. Understandable naman yun at hindi naman kailangan na araw araw talaga kaming magkasama. "Makikipagdate," biro ko Wala akong narinig na sagot mula sakanya kaya akala ko namatay ang tawag kaya nilingon ko ang laptop. Nakataas ang kilay niya ngayon at ang sama ng tingin saakin kaya hindi ko mapigilan na matawa. "Ano?" nagpipigil ng tawa na tanong ko "Akala ko ba busy ka? Hindi ka nakipagkita saakin tapos makikipagdate ka sa iba? Ano yon?" parang batang maktol niya kaya hindi ko na napigilan na huwag matawa. "Alam mo kaya tayo napaghihinalaan lagi na mag-jowa e, dahil dyan sa sobrang clingy mo." natatawa ko parin na sabi "Kung ikaw lang din naman ang ipapares saakin kahit habang buhay pa," asar niya saakin. Mabilis akong tumayo at nagkunwaring nag-aayos parin. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang t***k ng puso ko at tila may naramdaman akong kakaiba sa tiyan ko. "Kaya hindi ka nagkaka-girlfriend!" "Hindi naman yun kailangan, ikaw lang sapat na." ramdam kong namumula ang mga pisngi ko kaya sinikap ko na huwag humarap sakanya "Tigil tigilan mo nga ako Theoden!" suway ko. Dati naman ay wala lang saakin ang mga ganyang pinagsasasabi niya pero bakit iba ang epekto nun ngayon? "Just kidding babe," tila nawala ang bigat sa loob ko. When his starting to call me by endearments ibig sabihin nawala na saltik niyan "Anyway, I'll go now babe! Call you again later. Mag-aayos na ako," paalam ko dahil maghahapon na rin "Hey, Love, wait!" pigil niya saakin kaya tinignan ko siya "How do you manage to be so beautiful everyday baby? Kahit pagod dyosa parin e," nakatitig niyang sabi saakin na tila ba ang seryoso niya "Syempre walang pangit sa pamilya, IKAW LANG." asar ko sakanya saka natawa "Sige na nga, gagabihin na ako sa labas e!" maktol ko "Ano nga kasi ang gagawin mo sa mall?" hindi talaga nito ibababa ang tawag hangga't hindi ko sasabihin. "Wala lang gusto ko lang maglibot saglit, maghahanap ng mabibili or something." sagot ko "Okay love, take care." sabi naman niya saka binaba ang guitara niya para mag-inat ng katawan "Yes, thanks. You too babe enjoy the rest of the day," paalam ko rin "I will, I love you!" hinalikan niya ang camera niya matapos sabihin iyon Natahimik ako saglit bago nakasagot "Love you too, I'll text you later bye!" sagot ko saka nagflying kiss papunta sa camera at pinatay ang tawag Wala sa sariling napahawak ako sa puso ko. Bakit ba ang bilis bilis ng t***k nito? Para akong kinakabahan kahit na wala namang dapat na ikakaba. Ganon naman talaga kami magpaalam sa isa't isa a? Ano ba! Ewan hindi ko na maintindihan. Kumuha nalang ako ng damit na susuotin ko mamaya saka nilapag iyon sa kama bago ako dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumababa na ako para magpaalam kela mama na aalis ako. "Oh, tapos ka na, aalis na kayo?" tanong ni mama saakin ng magkasalubong kami sa hagdan "Huh? Nino ma? At bakit niyo alam na aalis ako?" nagtatakang tanong ko "Ready to go babe?" napalingon ako sa dulo ng hagdan ng marinig ang boses na iyon "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Theo na ngayon ay nakabihis rin at tila ready ng umalis at pumunta kung saan. "Syempre baka totoo ngang makikipagdate ka, titignan ko lang naman kung kanino e." kibit balikat niyang sabi kaya agad akong napalingon kay mama na naiiling nalang saaming dalawa, buti at hindi niya gaanong napansin ang sinabi ni Theo dahil paniguradong papagalitan ako nito. Ang bula talaga kasi ng bibig nitong lalakeng to e, tahiin ko na kaya? "Whatever Matheo! Tara na nga, bye ma!" paalam ko kay mama saka ako humalik sa pisngi niya at tuluyan ng bumaba. Sinalubong naman ako ng yakap ni Theo saka ako hinalikan sa noo bago niya hinawakan ang kamay ko para sabay na kaming lumabas ng bahay. "Saang mall tayo?" tanong niya habang nagmamaneho "Kahit saan," sagot ko dahil wala naman talaga akong plano na puntahan o bilhin gusto ko lang lumabas. "Hindi halatang plano mo talagang umalis ngayon a," sarkastikong sabi niya kaya natawa ako "Just want to relax somewhere babe, masyado akong napagod for today." lalo sa mga tasks namin sa school kasi masyado kaming tambak "Hmm magdate nalang tayo!" hindi talaga to makamove on sa date date na yan "How about coffee date?" tanong niya saka taas baba ang kilay akong nilingon saglit "Sure, anything." sagot ko lang Alam niya kung gaano ako ka fond ng coffee kaya alam niyang hindi ko rin mahihindian iyon. "A'right!" - Theo Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa hita ko gamit ang kanang kamay niya pero ng lingunin ko siya ay nakafocus lang parin sa daan ang tingin niya. Pinaglalaruan lang niya ang mga daliri ko at pinipisil pisil iyon. "I took a nap muna, gisingin mo ako pagdating," sabi ko saka hinalikan ang likod ng kamay niya na nakahawak saakin bago pumikit. "A'right love," simpleng sagot niya saka hinalikan din ang likod ng kamay ko saka niya tuluyan ng pinagsiklop ang mga daliri namin. For some reason I love this feeling, it feels so comfortable. I feel at home. Home's really a person sometimes. "Love," nagising ako ng may naramdaman akong humahaplos sa buhok ko "Wake up, we're already here," - Theo Agad naman na akong dumilat atsaka inayos saglit ang sarili ko, nagretouch na rin ako saglit saka kami bumaba at pumasok ng mall kung nasaan yung favorite coffee shop namin na lagi naming pinupuntahan kahit noon pa man. "I really want to have my own coffee shop soon," wala sa sariling sabi ko "Edi papagawa tayo," kibit balikat na sabi naman niya na tila ba parang ang dali dali lang na gawin ng bagay na iyon Habang umiinom at nag-uusap kami ay may bigla nalang lumapit saamin na lalake kaya mabilis na hinawakan ni Theo ang kamay ko kaya napalingon doon ang lalake at natawa
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD