Final Walk 6

1390 Words
Unang araw ng pasukan ngayon kaya ang aga kong nagising. Nagprepare na ako at pagbaba ko naman ay saktong papasok sina Theo at Henrietta. May home class si Henrietta for royalty stuff pero pumapasok rin siya sa Mikasa kagaya ko for academic purposes naman. "Ang aga niyo ah," puna ko ng mapansin na 6:00 AM pa lang. "Masyado kasing nagmamadali tong si Matheo, atat na atat makita ka," nakita ko namang bahagyang kinurot ni Theo sa tagiliran si Rietta dahil sa sinabi niya. "Ouch, that hurts!" nakangiwi na reklamo nito. "Oh mga anak nandito na pala kayo, halina kayo't makisalo na kayo saamin mag-agahan," aya ni Mama sa dalawa ng mapansin ang pagdating nila. "Yan talaga ang rason bakit ako pumunta dito ng maaga eh!" nakangising sabi ni Theo "Coming Mama," dagdag pa niya bago tumakbo papuntang dining. He's calling my parents the same way I did at nasanay narin naman sila mama infac natutuwa pa nga sila sakanya e. "Akala mo talaga hindi pinapakain nila Mommy Mavi sa bahay eh," umiiling iling na sabi ni Rietta na kinatawa naman naming pareho. "Hayaan mo na, masyado lang sigurong natatakam sa lutong bahay," sabi ko saka siya niyakap at nakipagbeso ng magkalapit na kami. Nakaugalian na naming gawin iyan sa tuwing nagkikita o nagpapaalam kami sa isa't isa. "Ako rin namiss ko ang luto ni tita. Medyo nakakaumay narin ang mga pagkain sa palasyo eh," kibit balikat niyang sabi. "Bumisita ka rin kasi dito minsan para mapaglutuan ka namin ni Mama, sumama ka kay Theo," alok ko. "I always wanted to pero masyadong hectic ang schedules ko sa mga classes na pinapatake nila mommy saakin," nakayukong sabi niya. Minsan talaga naaawa ako kay Rietta kasi kahit bata pa siya ang dami na niyang pasan pasan, ang daming ginagawa at responsibilities. Alam mo yung parang halos hindi na niya hawak ang mga desisyon at ginagawa niya sa buhay dahil lahat iyon halos dinidikta at kinokontrol sakanya. Honestly before, I thought being a princess is like living your life comfortably because you can already get whatever you want but then when I met Henrietta and Theo I realized that yes you can get or have whatever you want except freedom. They don't have much free will to think for theirselves especially when you are a princess because as for Theo compared to Reitta, Mommy Mavi isn't that strict when it comes to Royal Laws. Siguro kasi ang mga babaeng anak talaga ang pinagiistriktuhan talaga mapa-mayaman man o hindi because we are fragile unlike boys especially in the inside because we are too soft para hayaan lang. "Henrietta anak, what are you plans for college? Sasabay ka ba sa mga kasama mo sa Taverna?" biglang tanong ni mommy kay Reitta habang nasa gitna kami ng pagkain "I honestly don't know yet tita because even if how much I wanted to the decision is still on my parents to decide po," nakangiting sagot niya but even if how much she's trying to hide it nakikita ko ang lungkot sa mga mata at ngiti niya dahil alam ko kung gaano niya kagusto na makasama kami sa college. "Mom matagal pa naman yun stop pressuring Rietta bakit kaya hindi yang anak anakan niyo ang tanungin niyo kung anong plano sa buhay," natawa naman kami sa huli kong sinabi habang si Theo ay sinimangutan lang ako. Agad akong napatingin sa kamay ko na nasa hita ko ng may biglang humawak at pumisil doon, it's Rietta. Tumingin ako sakanya atsaka ngumiti at hinawakan din ang kamay niya na tila ba nasasabi ko sa pamamagitan nun na 'Ayos lang yun, at wag na niyang isipin masyado' "Oo nga anak anong plano mo ba pagka-college?" tanong ni mommy kay Theo na napalingon naman saakin at biglang sumeryoso ang itsura. Problema nito? "Basta po mama kung nasaan si Lore dun din po ako," seryosong sagot saka niya ako nginitian na inirapan ko lang "Paanong hindi ka doon din mag-aaral e Taverna lang ang Elite University na meron dito for college," taas kilay kong sabi na tinawanan ni Rietta "Deserve," natatawang sabi nito sa pinsan na sinamaan lang siya ng tingin "E papaano kung bumalik na si Diana ng Viella para mag-college?" kahit ako ay napalingon kay mama nag sabihin niya iyon Sa Viella ang hometown ko, doon ako pinanganak, at lumaki bago pa ako napunta dito sa Aurora. I don't know what mom is talking about. Naramdaman ko ang parehong tingin nika Rietta at Theo saakin kaya nagkibit balikat ako sa kanilang dalawa at bahagyang umiling dahil miski ako ay walang idea. "Of course mama, kahit saan si Lore doon ako," nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinagot niya He can't. "No you can't and you know that," kunot noong sabi ni Rietta sa nasa isip ko. "Yes I can. Being a prince of Aurora doesn't mean I need to be always here besides Viella isn't that too far away from here, I can still go back and forth if I need to," simpleng sabi ni Theo na tila ba napakadaling bagay lang na gawin na magpabalik balik sa dalawang lugar. Nahihibang na nga siguro ang isang ito "No, hindi ka sasama saakin," natigilan si Theo dahil sa sinabi ko. Hindi ko hahayaan na mapagod siya ng ganon dahil lang sa kagustuhan niyang makasama ako, we can talk naman thru social media and visit each other every weekend. "Kalma lang mga anak masyado naman kayong seryoso what if lang naman yun," natatawang sabi ni mama. naramdaman ko naman na huminga ng malalim si Rietta na nasa tabi ko habang ako ay hindi makapaniwalang nakatingin kay mama, since when did she started to joke like that? Tila nabunutan din ako ng tinik ng marinig ang sinabi niyang biro lang iyon. "That's not a good joke mama, nagsimula na pa naman akong mag-isip ng idadahilan kay mommy para makapunta ako ng Viella," pagmamaktol ni Theo "Sasama ka talaga ng Viella?" hindi makapaniwalang tanong ko "Oo syempre," seryosong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko "Oh siya tapusin niyo na yang mga kinakain niyo dahil baka malate na kayo," sabi ni mama kaya naman ay nagpatuloy na kami sa pagkain dahil mukhang napatagal din ang usapan namin at hindi na namin namalayan ang oras. "Bye mama, ingat ka po dito sa bahay," paalam ni Theo kay mama bago kinuha ang bag ko at siya na ang nagbuhat "Bye tita ang sarap po talaga ng luto niyo," paalam naman ni Reitta "Gusto mo bang baonan kita?" alok ni mama na nagpangiti naman kay Reitta na tila hindi makapaniwala "Talaga po? Okay lang po ba?" masaya niyang tanong na tinanguan naman ni mama kaya mas lalong lumapad ang ngiti niya Para sa isang prinsesa Reitta is so pure and soft. Walang kaarte arte at may magandang kalooban. Matapos na ibigay ni mama kay Reitta ang lunchbox ay nagpaalam narin ako sakanya saka kami sabay na lumabas na ni Rietta at sumakay sa sasakyan. Saktong pagpasok ko ay sinandal naman ni Theo ang ulo niya sa balikat ko saka hinawakan ang kamay ko. Lagi siyang ganito kaya nasasanay narin sila Rietta at manong driver sakanya pati narin ako. He's so clingy as ever. Ilang minuto lang ay dumating na kami ng Mikasa, laging kami ang unang hinahatid kahit na nauunang nadadaanan ang Gyro kasi yun ang gusto ni Theo. Bumaba naman na kami pati si Theo dahil nakagawian na niyang ihatid muna kami sa gate. "Taka care," sabi niya saka ako niyakao at hinalikan sa noo "You too, couz," sabi niya kay Rietta saka siya niyakap din. "Ikaw rin mag-iingat kayo, sige pasok na kami," paalam ko sakanya saka kami sabay na pumasok na ni Rietta ng gate at tumuloy na sa room namin. "Girls!" napalingon naman saamin sina Agatha, Jasmin at Thyra na mukhang kanina pa nandito. Lumapit kami sa kanila para makipagbeso "Good morning girls," bati ni Rietta sa kanila "Good morning princess," mahinang asar nila dito dahil hindi alam ng mga kaklase namin na prinsesa siya para narin sa safety niya. "Last year na natin sa high school next school year sana naman maganda ang maging welcome saatin no?" out of the blue na sabi ni Agatha "Magiging maganda yan lalo na pag magkakasama tayo, Agápi forever right?" nakangiting tanong ni Jasmin Naggroup hug naman kami saka sabay sabay na sumagot "Agápi forever!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD