THIRD PERSON POINT OF VIEW Lingid sa kaalaman ni Joaquin ng gabing iyon ay binisita ni Don Menandro si Aling Rosing sa Hospital kung saan naka-confine ang asawa nito. Kasama ang kanyang personal na Attorney at ilang papeles. Matapos ang tatlong magkakasunod na katok ay marahang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Mang Tonyo. Nagulat man dahil hindi inaasahan ni Aling Rosing ang biglang pagbisita ni Don Menandro sa kanila ay magalang niya pa rin itong pinapasok. "A-ano ho ang atin, Don Menandro?" Ani Aling Rosing habang ang kanyang mga mata ay pinaglilipat kay Don Menandro at sa kasama nitong naka-pormal na kasuotan. Tumikhim muna si Don Menandro. "A- eto nga pala si Attorney Sandoval, Rosing. Attorney, siya si Aling Rosing. Ang ina ni Rosana." Pagpapakilala niya sa dalawa. Agad na inabot