"S-Sir, k-kayo po pala!" gulat na bigkas ni Akisha, ngunit agad niyang naalalang siya nga pala si Aki kaya agad niyang kinalma ang sarili. Nagkunwari siyang okey lang sa kanya ang lahat, na normal lang. Bumangon siya mula sa kama at hinarap ito kahit pa wala pa ring nakatabing sa parteng iyon ng katawan nito. "Tanghaling tapat tulog ka pa rin? Tsaka bakit nandito ka? diba sa servant quarter ka dapat?" medyo mataas ang boses na tanong nito. "P-pasensya na po Sir, dito po kasi ako itinuro nong hardenero," nabubulol na sagot niya dito, kasi naman ei nawili na yata itong ibandera ang dapat ay kanina pa nito tinakpan. Todo iwas siya ng tingin pero heto at mukhang lalapit pa sa kanya ang kanyang boss. "Sinong hardenero?" kunot noong tanong nito, nakalapit na sa kanya ito, siya naman ay u