Mabilis na tumakbo si Akisha sa labas kahit na ramdam niyang masakit ang kanyang buong katawan. Medyo ramdam din niyang tila may konti siyang sinat, ngunit ayaw niyang magtagal pa sa kwarto na iyon na kasama ito kaya minabuti niyang umalis. Tsaka isa pa baka naalala nito ang naganap sa kanila kaya nagmadali talaga siyang lumabas, muntik pa nga niyang matapakan ang kanyang Sir Clyde na nakabalandra sa sahig, wala na sa latag ito halatang nalasing talaga ito kagabi. Deritso siya sa labas, ilang mga trabahador ang nakatulog na sa mga upuan at lamesang nandoon dahil siguro sa kalasingan. Ang maalaking speaker na kagabi lamang ay malakas na tumutugtog at nagbibigay buhay sa farm ngayon ay tahimk na. "Hijo, pumasok ka daw muna sabi ni Señorito," tawag sa kanyang ng katiwala ng kubo. "Naku