"Aba, oo naman no!" mabilis na sagot niya tsaka inayos ang sarili. Doon lang niya napagtanto kong ano iyong pinagsasasabi niya. "Dyosko! Kelan pa ako nasexyhan sa adams apple ni Señorito?! At kelan ko pa nanotice ang matipunong dibdib niya at pati na abs? Nababaliw ka na ba Akisha!" halos mawindang siya sa inasal kaya kung mapupwede lang ei sabunutan niya ang sarili ginawa na niya. "Eh, b-bakit ganon mo nalang i-discribe si Señorito Amiro?" nakangiwi ring tanong ni Paang. "Ahm, ano lang dati kasi nahilig akong magbasa ng mga pocketbook. Hindi naman siguro basehan ang pagbabasa ng pocketbook diba para tawagin na bakla. Nadala lang ako ng mga nabasa ko. Ay teka, ano nga ba iyon nais nyong isayaw ko kayo bukas?" wika niya at tinanong ang mga ito tungkol sa pagtitipon para mailihis niya