Ilang kurap ang ginawa ko habang nakatingin kay Reviro.
"Why are you here?" Kusa iyong lumabas sa bibig ko pagkatapos kong makabalik sa senses ko.
"Huwag mong iniiba ang usapan" masungit niyang saad na matunog na nilapag ang alcohol mixer sa counter bago niya ako tiningnan ng maigi. "Looks like what happened the other night didn't bother you at all?"
Kinagat ko ang labi dahil naramdaman kong namula ang pisngi ko. Bakit kailangan kong makita siya ngayon?
Maaaring wala akong pinagsisihan sa nangyari pero ngayong nasa katinuan na ako, gusto kong lamunin ng lupa at huwag na ako ibalik. Why he is too straight forward?
"Why would I? It was a one night stand! It's not a big deal. Can w-we just forget it?" I bit the inside of my cheeks.
"Lahat na lang gusto mo kalimutan" nagsalubong ang kilay niya bago inabot sa akin ang shot glass. "I really thought that it is a big deal since it's your first time but anyways, consider this as a treat for losing your virginity. Lahat ng iinomin mo, babayaran ko"
Mas lalo ata akong namula kaya naman inabot ko ang shot glass at mabilis na ininom iyon para lang mawala ang kaunting kahihiyan ko sa katawan.
Halos maduwal ako sa sobrang tapang ng ginawa niyang alak. Bigla akong nahilo saglit. Tila napaso ang aking lalamunan sa sobrang init no'n. Nanuot naman ang pait sa aking dila.
"It's strong!" aking saad at kumuha ng lemon para sipsipin iyon.
"I know. I mixed two hard and one light drinks for that one"
I make face. "Ang sakit sa lalamunan!"
I almost cried. It's too hard for me. Umuubo pa ako bago ako kumuha ng tissue. Parang bumaligtad ang sikmura ko.
"Kailangan matapang, para mawala ang kahihiyan. It's effective right?"
Tumango ako dahil agree ako kay Rev. Nakalimutan kong nahihiya pala ako sa ginawa namin noong nakaraan.
"Are you working here?" Tanong ko nang makabawi. Ibahin dapat ang usapan.
Umiling siya habang nagpupunas ng baso. "Hobbies. Sa pinsan ko itong bar"
I slowly nod my head. "I thought you're here to watch me again"
Tumigil siya sa pagpunas like I hit a point. "You're my responsibility"
I slightly parted my lips. It was just a guess. Hindi ko akalaing naandito siya to look out for me.
"Okay" Napaayos ako ng upo. Hindi ko na tatanungin kung paano niya nalaman na naandito ako basta I'll just agree. It is what it is.
"Kapag 'di ko kinaya, iuwi mo ako ah?" Sinambit ko iyon sa parang nagpapasuyo.
"You shouldn't be drinking when you're alone." Ngayon naman para siyang tatay na pinagsasabihan ako.
Lagi talaga siyang may problema sa akin.
"I was planning to drink a little but since you're here, I wouldn't mind to be wasted"
"Tapos magyayaya ka na namang makipagsex"
Muntikan na akong mabulunan. Buti na lang sobrang pait pa at init pa ng lalamunan ko sa nainom ko. Pinili ko na lang itikom ang bibig ko.
He is....really...too straight forward! Hindi ko kinakaya.
Ayaw ko rin ang tumatakbo sa isipan ko. It looks like my mind wouldn't mind about having s*x again.
I admit that it so good!
I shook my head.
I really need to get drunk!
"Please give me that make me forget drink you made. I want another one"
Yes. Iyon ang kailangan ko. Ang weird ng mga naiisip ko.
"You said it's strong" Kumunot ang noo ni Rev.
"Exactly! That's what I need. That's what my heart needs..."
Bumigat na naman ang pakiramdam ko. Enough with a s*x thing. I'm here to mourn my heart again. Kahit pa ata busugin ko ang sarili ko sa trabaho, maya't maya ko pa rin siyang naiisip.
Juade is my inspiration to start my day. Sineryoso ko talaga ang pagmamahal ko sa kaniya kaya naman ang hirap para sa akin ngayon na wala na siya sa buhay ko.
"Tsk. Stop thinking Juade"
Napatingin ako kay Reviro. He look annoyed while opening a bottle of liqour.
"Sana ganoon na lang kadali" May pagkasarkisto ko pang sambit.
Bakit parang nang-uutos lang siya? Ganoon na lang ba iyon.
"It will be easy. I'll make sure of that" he gazed at me before grabbing the alcohol mixer and do an incredible stunt again.
My forehead creased with his respond. Easy? Siguro doon sa mga taong hindi naman seryoso.
Itinikom na niya ang bibig bago muling nagpakita ng mga stunt niya sa aking harapan. May kinukuha siyang mga alak at inilalagay niya iyon sa alcohol mixer.
Anyway, hindi ko na lang masiyadong pinagkaisip pa ang sinabi ni Rev. Siguro para sa kaniya madali lang magmove on.
I entertain myself on Reviro's free show. Para akong nasa circus sa ginagawa niya. Talaga namang nakakahanga panoorin ngunit nakakaenganyo 'yon ng ibang customer. Namalayan ko na lang ang dami na namin dito sa sulok.
"Hey handsome! Anong oras tapos ng shift mo?"
"Let's have fun hottie!"
Hindi pa man din ako nakakainom ay dumarami ang mga babae sa pwesto ko kaya nag-excuse na ako sa kanila.
I heard Reviro calling my name but I'm too focus to leave.
Nahilo pa ako saglit dahil sa matapang na alak na 'yon.
Shit! Sa sobrang tapang, kahit one shot lang tutumba na.
Gusto ko magpalit ng pwesto kaso bago ko pa magawa iyon ay may humawak na ng pulsuhan ko at hinihila na ako kung saan. Si Rev iyon at halatang iritado. May sinasambit siya na hindi ko maintindihan pero alam kong nagmumura siya.
"....panira puta"
Iyon lang ang narinig ko bgo niya hinawi ang pulang kurtina at bumungad sa amin ang ilang kwarto. I guess it's a VIP room.
"It's peaceful here" saad ko bago umupo sa kama. "Good to drink!"
Reviro who is annoyed walk towards the small intercom beside the door.
Umorder siya ng ilang klase ng alak at pagkain. Pinapadala din ang alcohol mixer niya. Pagkatapos no'n ay nagpunta sa isang maliit na sofa at inayos ang bow tie na suot.
"Huwag mo akong iiwan doon." Inis niyang sabi.
"Gusto ko kasing uminom sa hindi crowded. Na-entertain mo 'yong mga babae do'n"
"You? You're not entertained?"
"Magaling ka" itinaas ko ang kamay in a thumbs up. Umiwas siya ng tingin at kahit papaano ay parang nabawasan ang kaniyang inis.
Pagpasok ng orders ay umupo na din ako sa isang pacurve na sofa and without wasting any seconds, we continue the drinking session.
Kasama ko na naman si Reviro.
Though this time, ako lang ang maglalasing.
"Another make me forget drink?" Reviro asked and start to prepare the liqour.
I set aside my things. I sit comfortably as I asked him to make my drink.
"Not a harder one first. Ayaw kong malasing kaagad. Maybe make me a lighter drink"
"Sige"
We spent like that in a small VIP room. Habang tumatagal, nalalasing na naman ako. I remember throwing curses for Juade and Fely. Pinapabura ko pa lahat kay Rev ang mga picture ni Juade sa cellphone ko pero nireretrieve ko lang ulit sa deleted section ng aking gallery.
Masiyado pang matagal bago ako makapagmove on.
"Hey!" I snapped at Reviro.
Pinalobo ko ang pisngi habang pinapupungay ang mga mata. Nararamdaman ko na ang pagkahilo ko.
"Hey you! You hey! Put our heads up in the air!"
I raised my hand and swayed it left to right. Reviro who's watching me with a smile on his lips.
"You're smiling" I smirked while poking his cheeks. "Akala ko hindi mo ako ngingitian. Ang sungit mo sa akin!"
While thinking it, hindi naman ganito si Rev sa ibang tao. Sa akin lang siya ganiyan.
Naalala ko noong unang pagkikita namin.
"Rev, meet my girlfriend. She is Cheena"
I smile politely at him. "Hello Rev! Nice to meet you"
Tumingin sa aking ang kaibigan ni Juade. He is eyeing me from my face to my toe. Pabalik-balik ang tingin niya. Lumapit pa siya saglit para pagmasdan ako.
Medyo natakot ako kaya napahawak ako sa braso ni Juade.
He is creepy....
Napansin niya ang pagkailang ko kaya mabilis rin siyang lumayo. Napatulala pa ito ng ilang segundo bago tumango.
"Ah....yes. Nice to meet you" nilahad niya ang kaniyang kamay at kaagad kong inabot.
He still looked shock and confuse and it creeps me out.
"Huwag ka naman sobrang makatingin sa girlfriend ko" sita sa kaniya ni Juade.
Para namang natauhan si Rev at biglang ngumisi.
"Sorry, ang ganda kasi ng girlfriend mo. Iangatan mo ah? Baka maagaw" Tumingin pa ulit siya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya pero bigla ng sumalubong ang kilay niya bago muling makipagbiruan kay Juade.
After that, masungit na siya lagi.Tuwing kakain kami sa restaurant niya ay laging nakasalubong ang kilay kapag ngingiti ako. Minsan ay suplado pang umiirap.
Thinking that, iniisip ko kung bakit siya masungit.
"Namamalikmata ka lang. Lasing ka" palusot niya pa at wala na ring ngiti sa kaniyang labi.
"Huh? I'm not drunk!" Deny ko. Tipsy pero hindi lasing noh!
"See? Ayan ang favorite na word ng mga lasing. Hindi ko alam na lasenggera ka. Nakaka-turn off"
"What?!"
Gosh this man! So irritating!
"Just serve me a drink bartender!"
"Gwapong bartender" Pagtama pa niya sa akin.
"Mas gwapo si Juade sa'yo"
"Hindi ka naman na mahal!"
"Reviro! Gosh!" Hinampas ko siya. 'Yong pabiro lang.
"Anong hampas 'yan? Pangbading!"
Hindi ko na alam kung ilang oras na akong umiinom. Buti na lang at hapon pa ang sched ko para sa photoshoot bukas.
I keep on fighting with Reviro until I passed out! Ang huli kong naalala ay binuhat ako ni Rev na parang sakong bigas habang nagsasalita.
I even rememberd the last words I say.
"I want to know what happen between them. Gusto kong malaman kung paano mangyari pero natatakot ako. Wala akong lakas para kausapin at komprontahin sila. Rev....what should I do?"
Nanatili akong nakatingin sa isang malaking frame na nakasabit sa dingding sa aking harapan.
A wedding picture.
Ang wedding picture ni Juade and Fely.
Inilang pikit ko ang mga mata dahil hindi ko alam kung nanaginip ba ako hindi. I roamed my eyes in the room and even my mind deny it, I'm here in Juade's bedroom.
I squeezed my eyes when my headache worsen while remembering Reviro.
That man....
Paladesisyon ang lalaking 'yon!
So this is how you do it Reviro?!