CHAPTER 6

1497 Words
"Anong niluto mo?" Binigyan ako ni Reviro ng pares ng cotton t-shirt, at short. May bago siyang brief na hindi pa nagagamit, iyon na lang isinuot kong underwear. Buti na lang at kasiya tutal hindi naman sobrang maskulado si Rev. Nagbihis ako sa banyo at sakto na luto ang pagkain pagkalabas ko. Amoy pa lang masarap na. "This is a chicken satay salad. A marinated chicken breast, drizzled with peanut satay sauce. This dish is high of protein" pagpapakilala niya sa unang dish na inihain niya. "And this one is spiced carrot soup" turo niya sa bowl na may lamang orange color na sabaw. "Full of iron and low in fat" Naglagay ako ng kaunti sa plato ko para tikman and as expected, it was delicious. Hinigop ko din ang soup at satisfied ako sa lasa. "As expected." I gave him a thumbs up. He proudly look at me before joining me on the table. Saglit niyang pinagmasdan ang suot ko. "You look...different" komento niya. Inubos ko muna ang meat ng chicken na kinakain ko bago ako muli nagsalita. "I know. Parang boyish noh?" I'm a girly type of girl. I'm fond of croptops, skirt, shorts and dresses. Looking back, ganito naman ang tipo ni Fely. Mga loose shirt and pants. Minsan lang iyon magdress if kailangan. "Mas gusto ba ng lalaki ang mga simple lang manamit?" Biglaan kong tanong. "Depende sa type." Nilaro ko ang pagkain sa harapan ko. "So Juade....type simple girls?" Hinataw ni Rev ang kamay ko dahil sa paglalaro ko sa pagkain. Ibinaba ko muna ang kutsara bago nakayukong bumuntong hininga. "Tanungin mo ex mo, hindi ako"suplado niyang sagot sa aking katanungan. May pumiga sa aking puso. Damn, hindi ko talaga siya kaagad makakalimutan. "Anyway, let's talk about the s****l agreement you mentioned earlier" pagbabago niya ng topic. Tumango ako. Tama. I should diverted my attention into something else. "s*x buddies nga" Ulit ko bago ako humigop ng carrot soup. Ang sarap! Nanunuot sa lalamunan ko. "That's it? No conditions? Katulad ng sabi mo, it's an agreement. We should settle this like a negotiation." "As I told you, no string attached. Kung ano mang ugnayan natin, s*x lang iyon. No feelings as well." Pag-uulit ko lang para klaro. "Paano kapag may nahulog?" Nagtama ang tingin naming dalawa. Sarkisto akong tumawa. "Ikaw? I don't think you'll fall for me though. Ang sungit mo kaya sa akin pero kung may nahulog, tapos na ang agreement" Nanghahamon siyang tumingin sa akin. "Eh ikaw? How sure are you na hindi ka mahuhulog sa akin?" "I'm not planning for relationship again Reviro. I closed my heart from now on. Lahat ng ito, tawag lang ng katawan." Inobserbahan pa niya ako if sure na sure na ba ako sa sagot ko. I only stare at him. Sa ganitong titigan, hindi mo ako matatalo. Actress ata 'to. Tumayo siya ng tuwid. He cleared his throat. "Good. Naninigurado lang" "What else?" I started thinking. "Since it's a s*x related, no cuddle rule. Cuddling is only for in a relationship." "Eh ang after care?" "It's fine. Ikaw ba?" "I'm fine about it too" Ang pangit naman kung bigla lang kami aalis pagkatapos mag-s*x. "Magkikita lang ba tayo dahil sa s*x? Are we not going to hangout? Like...going on a trip, watch movies and such?" "Like a date? Couples lang ang gumagawa no'n. Hindi pwede" He scoffed. "Ang KJ. Pagka-break mo, naging bitter ka na?" Pinanlakihan ko siya ng mata. "Bitter?" He smirked. "Bakit? Hindi?" "No! I'm not like that." He gave me suspicious look before we proceed to the discussion. "To end the agreement between us, any reason will be accepted. Kahit anong rason, basta kapag isa sa atin ang gusto ng tumigil, ititigil na natin. That's it. No pressure" Kakaubos ko lang soup at ang chicken satay salad nang tumayo ako. Nilahad ko ang kamay sa kaniyang harapan. "So it's a deal?" He looked at it for a couple of seconds and before he reached for my hand, he added one more. "No other guys for you, same with me." "Deal" nanghahamon kong sagot. He looked at my hand. Inabot niya iyon pero hindi dahil makikipag-shake hands. He pulled me closer as he reached my lips. Napahawak naman ako sa mesa para maibalanse ang sarili ko and at the same time, gulat ako sa ginawa niya. Lutang pa rin ako hanggang sa bumitaw siya. "That's how we seal the deal" he smirked. ______ After ng kumain ay nagbukas na ako ng phone. I received a message from Gigi. Nasa unit ko na siya. Well, she will be in my unit as of today para lagi kaming magkasama dahil sa mga dadating na araw, alam kong marami na akong work. Kapag bumenta ang movie namin ni Sam, alam kong magiging maingay na ang pangalan ko. Ngayon pa nga lang ang dami ko ng bashers. "Nasaan ka ma'am?" Kakasuot ko lang seatbelt. Pauwi na ako sa condo ko at ihahatid ako ni Rev. I have so much in my mind. Ang daming nangyari sa isang araw pero hindi ako pwede magpahinga. I don't have the energy to sleep. I want to tire myself more. "Pauwi na ako Gigi" "Okay po. Aayusin ko na po 'yong gamit niyo para sa photoshoot mamaya" "Thank you Gigi" Sunod namang tumawag si Janus. He is asking me if ready na ba ako for photoshoot. Ang dami niyang nireremind sa akin na tinatandaan ko naman lahat. Binuksan ko saglit ang social media ko para magtingin. As usual, marami akong nakikitang negative comments. One of the disadvantage of showbiz. Kailangan mo ng malakas na spirit. Kapag mahina ang puso mo, matatalo ka. Hindi mo naman kasi hawak ang opiniyon nila. Once na naging public figure ka, they have the right to judge you. As of now, hindi naman sobrang below the belt ang mga comments. They only doubting my acting skills. Hindi daw ako bagay sa isang Sam Cuevas. They are questioning kung bakit ako ang leading lady. Hindi naman daw ako pang-leading lady. Anyways, I still love them. Pinapabango lang nila ang pangalan ko. "Ang dami mong bashers" Napatingin ako kay Reviro na nakasilip pala sa phone ko. Hindi ko rin namalayan na nakatigil na pala ang kotse. I off my phone. "That's part of my career. Hindi maiiwasan" He creased his forehead "So many judgemental" ________ "Good shot! Next one please." Wearing a white halter top croptop and a flare jeans, I smile at the camera. Flashes of light welcome my eyes but since I was used to it, I didn't flinch. I confidently making poses. Lahat ng sabihin sa ay ginagawa ko. May photoshoot ako sa isang local jean brand. Hindi lang kasi pagiging actress ang pinasok ko, napasok na din ako sa modeling. Si Janus ang sumabak at nag-ensayo sa modeling dahil matangkad at maganda naman ang katawan ko. After my solo shot ay nagkaroon naman ng group shot. Atlast, after an hour of posing, the photographer was satisfied. Dinaluhan ako ni Gigi kaagad to wipe my sweat. Nagtanggal na din ako ng make up dahil sobrang heavy sa face. "Mamayang gabi may interview kayo for your movie" paalala ni Gigi. Before I go out, I talked with some girls, just hangout a little. Para naman hindi ako awkward ng sobra. Pumasok na kami sa Van na rented ng agency ni Janus. Iyon ang nagsisilbi kong transportation sa ngayon. "Pahinga ka po muna ma'am" "Cheena na lang Gigi" ngiti ko. She blushed before nodding. "Okay po Cheena" I pulled the lever of my seat and adjust it a little to make it comfortable. Kinuha ko din ang neck pillow bago ako muli magbukas ng social. As usual, I still receiving negative comments but I also read positive comments from my fans. I heart them all. I was scrolling at my profile when I notice something. May makikipag-away sa comment section ng mga bashers ko. Username: basher's_basher The comment: Bakit ikaw ang ipa-partner? Basher's_basher: Ikaw? Kailan ka gaganda? The comment: We deserve better leading lady. Basher's_basher: Deserve mo ng mamatay. The comment: Hindi pangleading lady Basher's_basher: Mas lalong hindi ikaw I couldn't supress my laughs. Habang nagbabasa ay tawa ako ng tawa sa likod. Nagulat pa sa akin si Gigi. "May problema po ba?" Umiling lang ako at mas lalong bumunghalit ng tawa. Gosh! It made my day. Mga ala singko ng hapon, nagtungo naman ako sa isang tv network building para sa early shoot ng interview. Nakasalubong ko doon si Sam Cuevas. Nibeso ko siya kaagad. "Are you alright?" He cupped my face and observe my face. "Nakita ko na maraming nambabash sa'yo na fans ko. I didn't know that they will act that way. Sorry on belhalf of them" Isang ngiti ang iginanti ko kay Sam. "It's fine. I'll just have to prove them wrong" bigla kong naalala 'yong basher's_basher na nagtatanggol sa akin sa comment section. "And there's someone that who'll fight my bashers...." "Who?" Kunot noong tanong ni Sam. "My basher's basher"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD