*CHAPTER 9* Sunday. Naglalakad ako papunta sa coffeeshop para makipagkita kay Cedrick. Mula sa malayo nakita ko agad siyang papalapit sakay ng motor niya. Akala ko hihinto siya sa tapat ng coffeeshop pero sa halip, dumiretso siya papunta sa ‘kin. “Konting lakad na lang naman, nandon na ‘ko. Pasasakayin mo pa ba ‘ko rito sa motor mo?” tanong ko nang huminto siya sa tabi ko. Itinaas niya ‘yung salamin ng helmet na suot niya, “Sa park na lang kaya tayo? Maiba naman.” “Sa park? Akala ko ba kakain tayo?” “Mag-drive-thru na lang tayo bago pumunta sa park. May madadaanan naman tayong fastfood.” May kinuha siya sa backpocket ng pants niya. Wallet pala niya. “Ikaw na mag-order mamaya. Triple cheeseburger, large iced tea, and large nachos with extra beef and cheese and hot sauce ang sa ‘kin,”