Chapter 8

2000 Words

NAGTITIMPLA siya ng kape nang pumasok si Princess sa kusina. Inalis niya ang tingin dito, ayaw niyang magkasala sa kapwa. Totoong naiinis siya dito at hindi mabuti iyon, wala naman itong kasalanan sa kanya. Basta, hindi niya lang mapigilan. "Wow, black coffee." Lumapit ito sa kanya. "Ang bango naman niyan, masarap ba siya? Hindi pa kasi ako nakakatikim niyan e. Mom won't allow me." Mem wen't ellew me, sa isipan niya. Naiinis siya sa conyo nitong salita, hindi nalang ideritso kung tagalog o english. Ang sakit sa ilong pinaghahalo. Feeling close. Simula kahapon pa ito lapit ng lapit sa kanya, kung hindi tango ay isang salita lang ang sagot niya sa mga sinasabi nito. Mabait naman ito pero hindi niya gusto ang presensya nito. Pangit ang tingin niya sa ugali nito dahil sa ginawa kay Syete.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD