Chapter 7

2038 Words

MAAGANG nagising si Mari, nakatulala sa kawalan. Pinag-iisipan kung uuwi na siya. Nandoon na naman ang takot niya, paano kung balikan na naman siya ng mga taong humahabol sa kanya? Hindi niya alam ang pakay ng mga ito. Baka maulit na naman ang nangyari sa kanya noon. Hindi siya papayag. Humugot siya ng malalim na hininga. Nakarinig siya ng katok kaya napalingon. Nakangiting si Syete ang dumungaw sa pinto. Dagdag ang binata sa isipin niya, hindi niya alam kung bakit napakabait nito. May mga tao pala talagang parang Santo ang kabaitan. "Breakfast is ready, kain na." Nakatitig lamang siya sa mga mata nitong sumasabay sa pagngiti. Sa ngiti nito walang mag-aakalang may masakit na pinagdaanan. Sana kaya ka ring magpanggap na masaya. Tumayo siya. Naglakad papalapit dito. Hindi na siya takot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD