Mazaro . . MALAKAS ang hangin sa labas nang lumingon ako sa bintana. Kitang kita ko si Manang Cora sa baba na naglalako ng banana que na paninda. . "Manang Cora! Sa akin dalawa please," sigaw ko mula sa bintana ng opisina ni Judge. "Ano ba, Serenity. Wala tayo sa probinsya, hija," saad ni Judge na ngayon ay nasa likod ko na. "Sorry, Judge. Wait lang baba muna ako. Gusto niyo po ba ng banana que?" Mabilis kong kinuha ang wallet sa loob ng bag ko. "Libre mo?" biro niya. "Ang bunos, Judge. Huwag mong kalimutan. Ililibre kita ngayon," pagbibiro ko. Natawa na agad siya at mabilis na akong bumaba. . Nasa ikalawang palapag ang opisina ni Judge. Hagdanan lang din ang meron sa old vintage na building na ito. Naghintay si Manang Cora sa akin sa paanan ng hagdanan na nakangiti pa. . "A