Pamper . . Mabilis akong pumasok sa sasakyan. Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa niya ako, kaya ako na mismo ang pumasok. Nilingon ko siya na kausap si Chantelle na kararating lang. Actually, hindi pa tapos ang ceremony may after buffet pa 'ata. Pero wala na ako sa sarili na makipag plastikan sa kanilang lahat. . I saw Clyde walking towards me as I am here waiting inside his car. Binuksan niya ang bintana sa side ko at sinandal ang kamay niya rito. . "Can you wait ten minutes for me? May aasikasuhin lang ako sa loob," sa lamig na tugon niya. Iba ang expresyon ng mukha niya habang pinagmamasdan ko ang mga mata nito. "Clyde mag ta-taxi na lang ako. Okay lang naman." . Tinitigan na niya akong mabuti na para bang may gusto pa siyang sabihin. Iniwas ko na ang mga titig ko sa kanya