I Isinakay ni Rom sa kanyang kabayong si Stacey si Theresa matapos nilang magbihis. Takot man ay napilitang sumakay sa kabayo ang dalaga. Mahirap maglakad pauwi ng magisa baka may makasalubong na naman syang ahas. “Yamakap ka sa beywang ko Theresa para di ka mahulog. Minsan may saltik itong si Stacey lalo na kapag nagugulat biglang tumatakbo ng mabilis o kaya naman ay dumadamba,” mahabang paliwanag ni Romouldo kay Theresa upang mapilitan itong yumakap ng mahigpit sa kanya. Dahan dahang pinaabante ni Romouldo ang kabayong si Stacey na mabait naman tumalima. Tahimik si Theresa, samantalang nakikiramdam naman si Romouldo sa kung ano ang nararamdaman ni Theresa. Kapagdaka’y di nakatiis, nagtanong ang binata, “Theresa okay ka lang ba? I mean sa nangyari kanina?” tumikhim pa si Rom.