I Kagaya ng inaasahan ni Theresa, kinabukasan ay dumating sila Romouldo at Don Sosimo sa kanilang mansion. Maraming pagkain at prutas na dala ang mga to. Masayang pinatuloy ni Don Pacifico ang mag-amang ang mga ngiti ay hanggang tenga. “Tuloy, tuloy, ipapatawag ko si Theresa.” Ipinatawag ni Don Pacifico sa Mayordoma nila si Theresa na kasalukuyang nagbabasa ng bible sa loob ng kwarto nito. “O Hija andito na sila Romouldo at Ninong Sosimo mo. May mahalaga daw tayong pag-uusapan?” bungad ni Don Pacifico sa papalapit na anak. Tumango si Theresa after maupo sa tabi ng ama sa mahabang sofa sa salas nila. “Ano ba pag-uusapan natin Theresa?” May ngiti sa labing tanong ni Don Sosimo. Mas lalong sumeryoso ang dati nang seryosong mukha ng dalaga. “Kailangan nyo na pong ih