NANG umagang iyon, pagkatapos nilang kumain ay ipinaalam nga ni Laxus sa mga kasama niya kung paano ba tataas ang level ng kanilang mga weapons sa game na ito. Pagkarinig ng mga ito sa sinabi niya ay parang nagkaroon na ang mga ito ng ideya na maghanap ng rare weapons sa game na ito. Kaso, kapag sinabing rare items, madalas ito ay napakahirap makuha at iilan lamang ang bilang. Mukhang hindi rin pala raw magiging madali sa kanila ang magpa-level ng kanilang mga gamit sa ganoong paraan. “Pero kung sakaling magkaroon kayo ng pagkakataon na tumalo ng mga taga-Tengoku… Kunin ninyo ang weapons nila kung mayroon silang gamit. O hindi kaya ay mag-ipon tayo ng pera para makabili ng rare items sa mga shops dahil mukhang hindi nga ito magiging madali,” wika naman ni Laxus. “Pero kung magkakaroon k