PINALIPAS na muli nina Laxus ang gabi sa isang Inn sa Frontera Village. Kinahapunan matapos na matalo si Cratos, ay walang ibang ginawa ang binata kundi ang pakinggan ang mga sinasabi ng mga kasama niya. Nag-suhestyon kasi siya na gusto niyang pumunta sa Falls of the Sleeping Siren. Nangalap sila ng impormasyon sa kung ano ba ang mayroon doon mula sa mga players na nakikita nila, ngunit tila walang matibay na ebidensya ang mga ito kung ano ba ang lugar na iyon dahil wala pa naman daw nakakarating doon ang nakabalik muli rito. “Kahit kami, wala kaming ideya sa lugar na iyon boss. Sa huli naming pagkakaalam ay iyong mga pumunta roong players dati ay hindi nakabalik pa rito…” “Isang Teleporting Circle kasi ang makikita para makarating sa lugar na iyon. Ang sabi-sabi ay may isang malakas na