HINDI pa sumisikat ang araw sa Terra nang umalis mula sa Frontera Village ang grupo ni Laxus patungo sa base ng Terra Force Guild. Nasa limampung players ang kasama ni Laxus nang mga oras na iyon at nasabi na niya sa mga ito ang gagawin ng mga ito kung sakali mang magkaroon ng laban sa kanilang pagtungo sa lugar ng kalaban. Wala pa nga ni isa ang nakaisip na gumawa ng bagay na gagawin nila para sa pag-usad ng laro rito. Wala pang taga-Terra ang nag-isip na magpabagsak ng isang governing guild sa isang area sapagkat malalakas ang manlalaro na kabilang sa mga ganitong samahan. Umihip nga ang malamig na hangin nang madaling-araw na iyon. Ang gagawin nina Laxus ay batid na rin ni Cratos na ngayon ay nakangising nakatanaw sa direksyon kung nasaan ang Frontera Village. Hindi siya makapaniwala n