Accidentally

1185 Words
“Sa liit mo’ng yan tingin mo di ka pagkakamalan na babae?” Tanong ni Seb kay Mika. “Di hamak naman na mas maliit yun!” Sabay turo ni Mika sa isa sa mga grupo ng mga lalaki na papasok sa isang pinto. Agad kong tinapik ang kamay niya.“Uy! Wag ka magturo baka ka manuno!” Sabi ko, nagkatinginan kaming tatlo sabay tawa. “Sure kang hindi ka magdidisguise?” Tanong ni Charles habang nakaakbay sa’kin. Umiling lang ako at tinapon ang stick na hawak ko sa basurahan. Bakit ako magdidisguise? I’m not afraid to be judged and I don’t care kung ano ang sabihin nila. Inabot niya sa’kin yung baso ng melon juice na ininuman niya, inubos ko yung natirang juice at tumango, senyas na dapat na kaming tumuloy. Habang magkaakbay ay pumasok na kami sa isang establishmento na gustong-gusto kong puntahan lalo na kung kaming walo lang ang umuukupa ng buong floor. Halo-halong ingay, pawis, laway at mga nag-iinit na tao ang narito ngayon. Masyadong madaming tao kaya naman nagsimula ng ngumiwi ang itsura ko dahil naiirita ako. Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad paakyat ng hagdan ng biglang may humarang sa dinadaanan ko. Naramdaman ko ang biglang higpit ng hawak sakin ni Charles para hindi ako maout of balance. “Oh! Charles, bakit may dala kang babae? Magtatago ka ba sa palda niyan pagnatalo ka?” Sabi ng lalaking nakadungaw mula sa second floor. Tila natahimik ang lahat ng sinabi niya ang salitang babae at napatingin sa’min ni Charles. Naramdaman kong may humawak na malambot na kamay sa kamay ko. Agad namang bumitaw sa pagkakaakbay sa’kin si Charles at itinaas ang kanyang dalawang kamay. “Guys! Relax, ako lang ‘to!” Pagmamayabang ni Charles at muling binalik ang mga kamay sa balikat ko, “at baka ikaw ang magtago pagtinalo ka ni Lex123!” Sagot ni Charles sa lalaking nakadungaw sa second floor. Agad namang nag boo bilang sagot ang lalaking nasa second floor at bumalik sa dating ingay ang buong lugar. Ngumisi lang yung lalaki na hanggang ngayon ay nakaharang parin sa’min sa hagdaan at agad ding tumabi para makadaan kami. “Dapat talaga hindi tayo sumasali sa mga ganito.” Sabi ni Saab habang nagtitipa sa keyboard. “Ano ka ba, ngayon lang naman natin matatry ‘to. Di ka pa ba nagsasawang talunin yang kambal mo?” Sagot ko naman. Seb just mocked at us, pero totoo naman na lagi siyang natatalo sa online games pagkaming tatlo nila MIka ang magkakakampi. And the game started without knowing na inabot na kami ng 8:00 PM. “Sabi mo maglalaro yan?” Nakangusong tanong ni Seth. Yung lalaki kanina sa second floor. “Ah! Naglaro naman siya ah?” Walang muwang na saad ni Charles habang nag bibilang ng pinanalunan. “Pero di naman siya…” Reklamo sana ni Seth pero agad siyang pinatahimik ni Charles. “Tsk! Pero tignan mo naman, kahit di siya kasali, nanalo parin kami. Kaya pwede ba? No more talking.” Sabi ni Charles at agad na kinuha ang kamay ko sa’ka dumerecho pababa ng hagdan. Yes, we’re gamers. Sa’ming walong magkakaibigan, tatlo kaming babae pero kaya naming makipagsabayan sa laro ng mga kalalakihan. Pero hindi kami sinasali nila Charles kung may money involved, for fun lang at asaran kaya kami naglalaro at madalas, doon sa computer shop na yun ang tambayan namin after school or pampalipas oras bago magsimula ang mga extra curricular activities namin sa school. Don’t get us wrong, kahit ganito kami, nasa higher section kami at magada ang standing ng grades namin. Infact, bukod sa game na pinagkakompentensiyahan namin at magkaka compete din kami sa school acads. Kung hindi average, we’re on top performer in our class. Especially ang mga boys na laging nangunguna sa Mathematics exam at recitations. “It’s been a long day, Charles. Uwi na ah?” Sabi ko kay Charles sabay yakap sa kanya. “Yes, ma’am!” Sabi niya sabay salute then hug me. I watched him go and I am about to close our gate ng may napansin akong nakangisi sa kanto. It’s him. Yung lalaking humarang kanina sa hagdan. He still wears his smirk habang patungo sa dereksyon kung saan naglalakad si Charles. Di ko nalang pinansin at sinara ang gate. It’s already 11:00 PM at tapos na akong mag advance read for tomorrow’s lesson. Kaunting stretching at inabot ko ang chocolate jar sa dulo ng mesa ko ng bigla akong mahinto. I suddenly remembered something. I reached for my phone sa bag at tinignan ito. Wala akong nareceived na notification kaya bigla akong kinabahan. I tapped my password at iniscroll ang recent contacts and tried to call Charles pero nagriring lang ito. I tried twice at for the third time ay binaba ang tawag. He used to call or text every night, exactly around 10:50 PM just to remind me na wag masyado sa chocolate. Pero ngayong gabi lang siya pumalya kaya naman I texted him. Asking if he’s okay. But I received nothing in return. Lutang lang din akong nakatulog kaya naman kinabukasan, kahit inaantok ay inagahan ko ang pagpasok para makibalita kay Seb. Pero nasobrahan ata ako ng aga dahil wala pang tao sa classroom, impatiently, I waited for them and saw Mika’s eyes. Namumugto ito at halatang walang tulog. Then she froze upon seeing me, agad siyang nabangga ni Saab na ganun din ang itsura. Sabay silang tumakbo papunta sa’kin. They are crying at hindi ko alam kung bakit pero hindi ko nappigilan ang sarili ko at umiyak na din. I don’t know what happened pero parang kinutuban ako kaya agad akong kumalas sa pagkakayakap nila sa’kin at tumakbo. I don’t know where my feet will lead me but I ended up at Room 801. Compare sa room building namin, masyadong maliit ang space dito sa building na ito at kitang kita ang siksikan ng mga tao. Makalat, masikip at halos nakakabingi ang sigawan, tawanan at murahan ng mga estudyante. Yes, I am at the deadly block kung ituring. They named it by thy selves kaya naging popular na ang bansag na yun sa kanila and when you belong to the higher sections at nandito ka, it’s either inutusan ka na maging student teacher or may utang ka na kailangan mong bayaran kundi malalagot ka. I searched for him and I know na andito siya sa room na ito dahil ito ang section niya. He’s Mr. Popular dahil sa dami ng records niya sa Guidance at sa kung saan-saan na Barangay. His a bad guy. I bumped with him last month ng mautusan akong maghatid ng gamit ng isang teacher sa katabing section. His smirk is a killer and so he is. Without any doubt I entered the room and saw him with no bruises in his white porcelain skin pero may sugat sa wrist niya. Indication na nakipag basag ulo siya kahapon, na hindi ko nakita kahapon nung humarang siya sa daanan ko. “You jerk!” I shouted and without a sec, agad kong tinaas ang kamao ko to punch him so hard in his face.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD