Ilang araw pa lang ako rito sa siyudad ay parang gusto ko nang bumalik agad sa Villa Esciaver. Wala naman talaga akong balak na magtatagal dito pero kailangan kong personal na i-check ang construction ng amusement park sa mismong gitna ng nagtatayugang Condominiums na pagmamay-ari ko. Ang project na ito ay isa sa pinakamalaking gagawin ko sa loob ng taong ito. Ang nasabing amusement park ang pinakamalaki at pinakaunang itatayo sa bansa na papantay sa pinakasikat na amusement park sa ibang bansa. Kahapon ko pa sana gustong bumalik sa Villa Esciaver pero nagkataon namang bumisita si Daddy kaya muli ay naantala ang plano ko. "Marcus." Napabuga ako ng hangin nang maramdaman ang pangahas na palad ni Devina na dumama sa dibdib ko mula sa likuran matapos kong marinig ang mapang-akit nitong