ERICA Pabalik na kami ni Elmo sa hotel nanggaling kami sa bahay ni Tito Oscar dahil may kinuha akong mga importanteng gamit. Nagpresinta siyang samahan ako. Habang naglalakad kami papasok sa entrance ng hotel ay bigla na lang pumara sa harap namin ang humaharorot na kotse ni Troy, and yes kilala ko ang kotse niya dahil 'yon pa rin ang ginagamit niya. Ano na naman kaya ang problema nito? Ang lawak ng parking lot sa labas, ha! Dito pa talaga niya ipinarada ang kotse sa mismong entrance! Tsk! Papansin! Napatigil kami sa paglalakad ng bumaba siya. Biglang nagslow motion ang paningin ko ng matunghayan siya. Nakasuot siya ng sunglasses at naka-corporate attire. May meeting ba siya? Napakaprofessional niyang tingnan sa attire niya. Ang gwapo niya, Sinaway ko ang sarili sa naiisip. Pagbaba niy