ERICA Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pagsusulat lumingon ako sa bintana "Tanghali na pala." Usal ko. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding at mag-aalauna na ng hapon. Pagkatapos ko sa library ay pumanhik muna ako sa kwarto para magpahinga. Mamaya na lang siguro ako kakain pagbaba ko iidlip lang muna ako saglit dahil medyo masama rin ang pakiramdam ko. Ang bigat ng katawan ko baka dala ng stress nitong mga nakaraang araw. Naalimpungatan ako dahil sa pagbukas ng pintuan and I saw Fatima. She has access sa lahat ng sulok ng bahay na ito at hindi ko alam kung bakit okay lang kay Troy. Hinahayaan niya lang si Fatima kaya hinahayaan ko na lang din baka dahil siguro sekretarya siya ng asawa ko. Pumasok siya at umupo sa tabi ko sa may gilid ng kama. Bumangon ako at sumandal