Chapter One

3442 Words
PUNISHMENT   ALEX   Today surely isn't my day. First, my MX5 broke down in the middle of a deserted highway. Second, my iPhone's battery is dead. Third, I freaking don’t have my charger or power bank in the car. Fourth, I don’t think anyone will be coming here anytime now because it is one freaking AM. Lastly, I can’t possibly walk to the nearest town because that would be more dangerous. So it should be better to stay in the car, right? “s**t!” Hinampas ko ang hood ng aking sasakyan matapos i-check iyon at nakitang umuusok na. I just got this checked last week dahil nga gagamitin ko sa race today. Bakit naman nagkaganito ngayon? Did I force it too much? Nag- overheat dahil masyadong intense yung race kanina? Sabagay muntikan na kong bumangga sa barricade kanina. Kung hindi ako naka- swerve baka nasa ospital na ako ngayon. Napatuwid ako sa pagkakatayo nang makitang may papalapit na sasakyan. Gusto kong matuwa dahil mukhang may makakatulong saken pero may kung anong kaba sa dibdib ko. Madaling araw na and nasa isang unknown location ako, kung may gagawa ng masama saken I bet wala nang makakaalam. Pwedeng pwede nila akong itapon sa pinakamalapit na bangin rito. Fuck. That was morbid, Alex. I shook my head to eliminate the thoughts. Binuksan ko ang pinto ng aking sasakyan at hinalungkat ang glove compartment. I always keep my pepper spray there. Just in case. Nang makuha ko iyon ay isinara ko ang pinto at hinintay ang sasakyan. Nang mapalapit iyon sa aking sasakyan ay tumigil ito. It’s a red Honda CRV. Bumaba ang bintana ng shotgun seat at nakita ko ang isang lalaki roon. “Nasiraan ka, miss?” Tanong ng lalaki. Gusto ko na sanang magtiwala at magpatulong pero nakita ko ang ngisi nito nang bumaling sa driver. Bumukas ang pinto sa side niya kaya bahagya akong napaatras. Humigpit ang kapit ko sa pepper spray na hawak ko sa aking likuran. Narinig ko rin ang bagsak ng pinto sa banda ng driver. They both got out of the car. Sana mali ako ng iniisip. “I think nag- overheat ang sasakyan ko.” I said calmly. Lumapit ang dalawa sa sasakyan ko. Ang lalaking bumaba sa shotgun seat ay tumingin sa akin. He f*****g looked me up and down bago tumigil sa mga mata ko ang tingin. s**t. Iba talaga ang pakiramdam ko sa tingin ng isang to. Pero hindi ako nag- react. I remained calm and poker-faced. “Tingnan ko ha?” Anito. Tumango naman ako kaya binuksan niya ang hood at agad na lumabas ang may kakapalang usok roon. Napangiwi na lamang ako. “Masama ang case ng overheat nitong sasakyan mo, miss. Hindi kakayanin ng iiwang bukas at bubuhusan ng tubig. Diba, pre?” Bumaling pa ito sa kasamang naabutan kong matamang nakatitig sa akin. Agad akong nag- iwas ng tingin, kinakabahan na. “Ganun ba? Pwede bang makihiram na lang ng phone? I just need to call my friend.” I asked. Ngumiti naman ang lalaki. Ngiting hindi mapagkakatiwalaan. Sorry hindi ko gustong mag- judge pero may kakaibang ere talaga ang dalawang ito. “Ihatid ka na lang namin kung saan ka pupunta. Tapos dumaan na tayo sa bayan para maipa- tow itong sasakyan mo.” “Hindi na. Taga rito lang naman sa Cavite ang kaibigan ko. Kapag natawagan ko siya, I’m sure mapupuntahan niya rin ako agad.” Sabi ko naman habang umiiling. That’s a lie though. Wala akong kaibigang taga-rito sa Cavite. Isa lang ang talagang kaibigan ko and hindi siya taga rito. Derek lives in Manila katulad ko. Pero hindi na nila kailangang malaman yon. “Bakit ka pa tatawag kung pwede ka naman naming ihatid?” Anang driver, nakataas na ang isang kilay nito at nakangisi pa. My heart was already beating fast pero pinilit kong kumalma. “Kasi mas convenient na tawagan ko na lang siya. He lives here anyway.” “Okay. Saan ba rito sa Cavite?” Tanong ng driver. Fuck. Galing akong Silang pero hindi ko alam kung nasan na ako ngayon dahil naka- waze ako kanina and namatay ang phone ko after kong masiraan ng sasakyan. Hindi ko alam ang mga lugar rito. I don’t even freaking know a barangay in Silang! Napalunok ako. “I- I’m not sure. Pero dito lang siya sa malapit. I think he lives sa sunod na bayan.” Biglang tumawa ang dalawang lalaki kaya kinabahan na talaga ako. “Are you scared, miss? Don’t worry mabait naman kami.” Ngisi ng lalaking galing sa shotgun. “Promise, ihahatid ka namin. Kahit san pa yan.” Sabi naman ng driver. Nagtinginan ang dalawa bago muling ngumisi. “Kahit sa langit pa…” Nanlaki na ang mga mata ko dahil sa sinabing iyon ng driver. Alam kong iba ang ibig sabihin niya roon. f**k! Tangina tong mga to! Umatras ako para mapalayo sa unang lalaki. Halos isang metro lang ang layo namin kaya hindi ako komportable. Mukhang napansin naman nito ang naging kilos ko dahil mas lalong lumaki ang ngisi. “Hindi na kailangan. I will just wait here.” Sabi ko. “Maghihintay ka hanggang umaga? Bakit pa? Pwede ka naman naming isabay.” Sabi na naman ng driver. Gago ka pag lumapit ka saken uunahin ko talagang ii-spray sa mukha mo tong pepper spray! “Halika na miss. Ihahatid ka na namin.” Sabi naman ng passenger at umakmang lalapit pa sa akin. Agad akong humakbang palayo. Tumawa ito. “Pakipot ka pa! Tara na!” Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyan siyang lumapit sa akin at hawakan ang braso ko. “What the hell?! Don’t touch me!” Sigaw ko agad at hinigit ang braso ko mula sa pagkakahawak nito. “Ang arte mo! Sumama ka na lang sabi!” Nang pwersahan niya akong higitin ay agad kong inilabas mula sa likuran ko ang pepper spray at agad iyong ini-spray sa mukha niya. Agad siyang napabitaw sa akin at sinapo ang kanyang mga mata. “Putangina ka!” “Sinabi ko na kasing wag mo akong hawakan!” Sigaw kong muli. Hindi magkaintindihan ang lalaki sa gagawin. Ginamit ko na ang pagkakataong iyon para tumakbo palayo. Naisip kong magtago na lamang sa sasakyan ko at i- lock iyon pero that wasn’t a totally good idea. What if basagin nila ang bintana at pwersahan akong pasukin roon? s**t lang! Mabilis ang takbo ko at agad ko din namang narinig ang mga yapak nila sa likod ko. Damn it!! Buti na lang tanga ang dalawang ito! Hindi gumamit ng sasakyan para habulin ako. “Help!!! Someone help me, please!!!!” Sobrang lakas ng sigaw ko habang patuloy sa pagtakbo. Iyon na ata ang pinakamalakas kong sigaw sa buong buhay ko. Pero parang nonsense lang iyon dahil wala namang kabahayan sa paligid. Literal na daan lang at mga puno ang nasa paligid. s**t. “Putangina ka! Kapag nahuli kita, yari ka saken!” Sigaw ng lalaking ini-sprayan ko ng pepper spray. I kept running. Kahit panay ang banta nila kapag hindi ako tumigil, nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo. Ano ako? Tanga? Kapag nahuli niyo ako gagawan niyo ko ng masama, natural di ako papahuli! “TULONG!!!!! PLEASE!!!! SOMEONE HELP ME!!!!!!” At kapag sinuswerte ka nga naman! I f*****g tripped! Dahil doon, bumagsak ako sa sementadong daan. It was like I f*****g dived on the road. Agad kong naramdaman ang sakit na dulot ng pagkabagsak ko. s**t. I also hit my chin. Buti na lang hindi sobrang lakas dahil baka bungi na ako ngayon. It freaking hurts though. Hindi agad ako nakabangon dahil sa lala ng pagkabagsak. By the time I got up, naabutan na ako nong nasa shotgun. f**k! "Huli ka!" Napasigaw ako ng maramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko. He harshly pulled me back kaya halos bumagsak ulit ako. Halos kaladkarin niya ako. Tangina. “Let me go!! Ano bang kailangan niyo saken?!” “Tangina ikaw na tutulungan, ang arte mo pa! Ginamitan mo pa ko ng pepper spray?! Gago ka ba?!” Galit na galit siya. Halos manlisik ang mga mata niya saken. It was dark alright pero dahil sa iilang lamp post sa daan ay naaaninag ko ang nakakatakot na ekspresyon sa kanyang mukha. Hindi ko ipinakitang takot ako. Sa halip na umiyak at magmakaawa ay nanlaban ako. Kahit sobrang sakit ng pagbagsak ko kanina ay ibinigay ko ang lahat ng lakas ko para manlaban. Inapakan ko ang paa nito bago ito siniko. Sinipa ko rin ang isang lalaki dahilan para mapaatras ito. Dahil sa sakit na natamo, nabitawan nila ako kaya nakatakbo akong muli. Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay naaninag ko na ang isang paparating na sasakyan. Kahit na walang kasiguruhan kung matutulungan ako o hindi ay agad akong sumenyas para humingi ng tulong. Kasabay ng pag- high beam nito ay ang marahas na paghigit sa akin pabalik. f**k! I fell back… hard. I hit my head too. Ramdam ko agad ang matinding sakit roon pati na rin ang bahagyang pagkahilo. Then I heard the sound of a gunshot. Hindi ko na alam kung anong nangyari. Wala na akong maintindihan sa nangyayari dahil parang hinihila ako ng antok. s**t. I don’t even know if I’m safe… Lord, please wag niyo muna akong kunin. Pero wag niyo rin naman po sana ako hayaang mapahamak. Please… I’ll be good from now on. Hindi ko na tatakasan ang bodyguards ko. Promise. Narinig ko ang nagmamadaling yapak sa harap ko. Masyadong maliwanag. I couldn’t see anything dahil tutok sa akin ang high beam. I saw someone walking towards me. It was a man. When the light hit him too, I saw that he was wearing a suit. So am I safe now? “Alexandria…” He knows me? I tried to open my eyes more pero hinihila talaga ako ng antok. “f**k. Try to stay awake. Don’t fall asleep.” He said. But I was too far gone. Hindi ko na kayang manatiling gising. I tried to reach out to him. But everything went black. *** Nang magising ako, agad kong inilibot ang paningin ko sa silid. Sa nakitang dextrose sa gilid ko and sa amoy nang naturang lugar, I could already tell na nasa ospital ako. How I got here, hindi ko na alam. Pero pasalamat na lang ako at dito ako nagising. At least I didn’t wake up and found myself naked in some cheap motel. f**k. I can’t even imagine that! “Anak!” Mom exclaimed when she saw that I was awake. Agad siyang lumapit sa aking tabi, obviously looking worried. Her eyes were red and puffy na tila ba galing sa pag-iyak. Kasunod na lumapit sa akin si Xander, ang baby brother ko. Namumula rin ang mga mata nito at parang paiyak na. “Ate! You scared us! Don’t do that again, please! I love you ate…” My 7 years old baby brother said as he laid his head on my chest and hugged me tight. “I’m sorry, baby. Ate loves you too…” I told him as I hugged him back. Bumaling ako kay mommy na ngayon ay nagpupunas ng luha dahil mukhang naiyak na naman. Then I turned to my father who was already standing beside my bed. I could read his expression very well. He was relieved to see that I was fine pero naroon ang galit at disappointment. I prepared myself internally. Kung walang nangyaring aksidente sa akin, I would have gotten away with just a bit of scolding. Pero dahil medyo hindi maganda ang nangyari sa akin, I expect something more terrible. Sighh… Will I be grounded again? “Xander, go with your yaya for now. Mom and dad needs to talk to ate.” Malumanay na sabi ni mommy kay Xander. Agad namang sumimangot ang kapatid ko. “No! Daddy will scold ate. I wanna stay.” He was pouting while he said that. He even held onto me as if his life depended on it. I couldn't help but laugh. Medyo napangiwi nga lang ako dahil sa biglang sakit na naramdaman sa aking ulo. Kinapa ko iyon and agad kong naramdaman ang naka-wrap na bandage roon. I patted my baby brother's head gently as I talked to him. “Xan, ate wants ice cream. Bili mo ko, please. Pasama ka kay yaya.” Parang hindi pa siya susunod sa sinasabi ko but when I gave him my pleading look, he nodded in defeat. He jumped down from the bed and agad na nag-abot ng kamay kay mommy. Ngumiti naman si mommy at naglabas ng cash para ibigay sa kapatid ko. He turned to me afterwards. “Baskin Robbins’ Very Berry Strawberry, ate?” He asked. “You know it.” Ngisi ko naman. That was our favorite after all. Tumango na lamang ang kapatid ko at saka naglakad na kasama ang aming kasambahay palabas ng silid. Nang makaalis ang dalawa ay naiwan ako sa room with my parents. Here comes the never ending sermon. Hays! But this is better na rin kesa naman dead ako, diba? “What were you thinking Alexandria Nadine?!” Dad's voice boomed inside the room. I winced. I was expecting this pero nabigla pa rin ako. Dad doesn’t usually get mad at me like this. But now, he looks so mad. His face was so red and tila sasabog na siya sa galit any moment. Tinanggap ko na lang ang galit niya. It was my fault anyway. Nagyuko ako ng ulo. “I'm sorry, dad.” “For pete's sake, Alexandria! You could have gotten in bigger trouble! If our enemies were the one who found you, you could have died!  I clearly told you not to leave without your body guards right? You know how dangerous it is! Ngayon, anong napala mo? You were almost abducted and God knows what those bastards were planning to do with you!!” Nakayuko lang ang ulo ko habang pinapagalitan ako ni Dad. I can't speak and I can't reason out kaya ito lang ang pwede kong gawin, makinig at tanggapin ang sermon niya. I did sneak out and escaped from my body guards after all. Pero wala akong choice! They wouldn’t have let me go kung nalaman nila san ako pupunta at anong gagawinko. After ni daddy magsalita ay si mommy naman. She heaved a sigh before speaking. I looked up to her and got nervous upon seeing her expression. What is she going to say? “You know we only want what’s best for you right?” “I know that, mom… and I’m sorry if I sneaked out. Alam ko kasing hindi niyo ako papayagan kung nalaman niyo…” “Of course we wouldn’t! For God’s sake, Alexandria! Drag racing isn’t a sport for women!! It’s not even legal at all!” Sumimangot ako. “Drag racing or even legal car racing is basically the same dad! And I don’t understand why you wouldn’t let me. I’m good at it. I even beat men in that sport. If men can do it, women can too!” “Alodia, are you hearing your daughter right now?! This is lunacy!” Dad exclaimed in pure horror. He then turned to me again with a firm and strict look. “You have left us with no choice…” Agad na napakunot ang noo ko. Why do I feel like hindi ko magugustuhan kung anong sasabihin nila? Bakit parang mas malala pa sa pagiging grounded ang balak nilang gawin? “I’m sorry, hun…” Mom said with a sad look. I was confused. Bakit nagso- sorry si mommy? “We have been discussing this for a while now, Alex…” Mom started to say. I grew impatient because of the nervousness. “What is it, mom? Just say it. Am I grounded? Will you take my car? Will you prohibit me from seeing Derek?” “You are going to marry the man we chose for you.” My dad said with a blank expression. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. What?! Marry? They’ve got to be kidding me right now! “You’re kidding…” I said, trying to laugh it out. I didn’t want to believe it. I don’t believe kaya nilang gawin saken yon. What the hell! I am just 21! I’m only turning 22 next month!! Anong kasal kasal?! “Do you think we would joke around with something as serious as marriage, Alexandria?” Dad said sternly. My eyes widened yet again, this time I bet they saw the pure horror in my expression. “What?! No! Mom!!” I turned to my mom but she just looked away from me. What the hell! Mas matatanggap ko pang si dad ang nagdesisyon nito pero kung hinayaan niya lang, what the hell!! Hindi ako papayag! “You agreed to this mom?! Why?! This is so unfair!!” I didn't mean to shout pero hindi ko na napigilan. Hindi ko na inintindi kahit umaatake ang sakit ng ulo ko. I had to get their senses back to them! Mali ito! If they think setting me up with some guy would magically straighten me up, nagkakamali sila! Do they really think an arranged marriage will solve this?! NO! Pwede naman nila akong i- ground na lang or kunin ang kotse ko! Kunin din nila ang cards ko kung gusto nila! JUST DON’T FREAKING GET ME MARRIED TO SOME DAMN STRANGER! “This isn’t even a humane punishment! Dad, it’s my life we’re talking about! Bakit niyo ako ipapakasal sa taong di ko naman mahal? Or even kakilala?!” Dad looked serious when he faced me again. “This isn’t a punishment, Alexandria. Napag-usapan na namin ito bago pa man mangyari ang insidenteng ito.” “So, you’re saying you agreed on something I am involved in pero hindi niyo man lang naisip na hingin ang opinion ko?! We’re talking about marriage, dad!! You should know better! If you think marriage will straighten me up, you’re dead wrong!” “ALEXANDRIA!!” Mariing sigaw ni dad. Tuluyan akong napaiyak. “You are both so unfair. You have always been so unfair to me… you’ve already taken what little freedom I have tapos ipapakasal niyo pa ako sa kung sino na lang? How low can you get, dad?” Hindi ko napaghandaan ang kasunod na ginawa niya. He slapped me before I could even see it coming. “Nathaniel!” Mom exclaimed in shock. Pumatak lang ang mga luha ko. Hindi ko na tiningnan si dad. I don’t think I can even look at him. Burning hate is slowly forming in my heart right now. I am so sick and tired of everything. Since I was kid, protektado na ko ng lahat. From my parents lalo na sa nakatatandang kapatid ko. I tried to understand since babae ako at bunso pa ng mga panahong iyon. My father is involved in politics too kaya madaming threats sa pamilya namin. But as the years passed, I realized sumusobra na. They were being paranoid, lalo na ang nakatatandang kapatid ko. Alessandro Navin, my big brother is 6 years older than me. I know he loves me and only wanted to protect me pero gaya ng una kong nabanggit, he got to paranaoid. He loved me too much to the point na halos diktahan niya na ako sa lahat ng bagay. It honestly choked me up! I couldn’t breathe with all of them hovering over me. Lahat ng kilos ko bantay sarado nila. Lahat ng desisyon ko kailangan may opinyon nila. Tipong kahit sa mga pipiliin kong kaibigan, may nasasabi sila. Sobrang nakakapagod na! Kaya nang makilala ko si Derek sa college, we’ve been good friends! Siya ang nag- introduce ng maraming bagay saken. Siya rin ang tanging nakakaintindi saken. Kaya he supported me all throughout. That was also the reason why my brother hated that I was friends with him. Buti na lamang Avin eventually left the mansion dahil nagpakasal na siya. He got busy with his own life kaya nabawasan ng diktador sa buhay ko. When he left, mas naging malaya ako kahit paano. My dad was still very protective of me pero na- tone down iyon dahil mom is there to remind him. She was somehow my only ally in the family, well except for my baby brother dahil ako ang favorite niya sa bahay. I was able to take up the course I want in college despite my dad’s insistence na mag- business course ako major in Finance dahil sa business namin. I didn’t want it. Business nila yon at hindi saken. Isa pa, may Avin na. They don’t need me there dahil hindi ko rin naman sila matutulungan. I’m not into banking. I prefer the art of building structures. And I eventually got what I wanted. Hinayaan nila ako nang magmakaawa ako sa kanila. Pero kahit na ganoon, hindi pa rin nawawala ang paminsan- minsang pasaring ni dad about sa kurso ko. Kapag ganoong usapan ay kita ko ang disappointment sa kanya. Kung hindi business, gusto niya sana mag- law ako para makasunod sa yapak niya sa politika. I am not for banking or politics. I stood my ground and showed them that I could excel in my chosen field. I made them realize that they weren’t wrong to let me decide on my career. Kaya I graduated with latin honor. Eventually, natanggap na rin nila… Pero my favorite hobby, I don’t think they can… I love racing. They never understood why I am so fond of it. Hindi naman talaga nila maiintindihan dahil panganib lang lagi ang unang naiisip ng mga tao ukol don. But it made me feel free. When I am racing, there are no rules and boundaries, just pure adventure and excitement… Something na matagal kong hindi naranasan… Now they want to take it away from me completely and ipapakasal pa nila ako sa kung sinong lalaki lang?! No freaking way. But then ano bang laban ko sa mga magulang ko? “Our decision is final. You're getting married by the end of this month.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD