DRUNK
ALEX
When I woke up the next day, the first thing I noticed was that the room was unfamiliar to me. I had to close my eyes and blink a couple of times just to make sure I wasn’t dreaming or imagining things. Pero kahit ilang ulit kong ginawa iyon, wala talagang nagbabago. Hindi talaga pamilyar sa akin ang silid. The room had a dark and monochromatic theme kaya imposibleng nasa mansyon ako.
I quickly got up and sat on the edge of the bed to check myself. I was slightly panicking. Kumpleto pa ang suot ko, walang nagbago. Suot ko pa rin ang shirt and jeans ko pero siyempre wala na ang sneakers ko. Pinakiramdaman ko rin ang sarili ko, walang kung anuman. I think I’m good. Wala naman atang masamang nangyari.
Napabuntong hininga ako. Bumangon ako sa kama at inayos ang magulong buhok ko. Sinuklay ko lang iyon gamit ang mga daliri ko. Kinapa ko rin ang mukha ko, no sleep dust or drool or anything.
I inspected the room nang matapos. The dark curtain was preventing the light from coming through pero the way the room was styled and how the windows looked like, I could say na nasa isang condo unit ako. It didn’t like a room in a mansion.
Where the heck am I anyway? Wala akong maalala kung pano ako napunta rito pero si Philip ang kasama ko kahapon. Pagod at antok lang naman ako, hindi nakainom or whatsoever kaya imposibleng may nagawa akong kakaiba. So does that mean…
My train of thoughts was cut off nang biglang bumukas ang pinto ng silid. Walang katok o anuman, diretso bukas talaga. And ang mukha ni Philip ang agad na bumungad sa akin.
“Good. You're up. Let's eat.” Aniya pagkakita sa aking gising na. He didn’t wait for me to respond, nauna na rin siyang bumalik sa kanyang pinanggalingan. Hindi kaagad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. So I really am in his place? What the heck. Bakit dito niya ako dinala?!
Dali- dali akong sumunod sa kanya, nakababa na agad siya ng hagdan. He was too fast dahil mahahaba ang mga binti kaya malaki din ang strides. Damn it. Pati yon napansin ko pa. Pagkababa sa hagdan ay saka ko na-confirm na nasa condo nga ako. Pero hindi ordinary unit dahil penthouse iyon. Two storey penthouse na kasing laki ata ng mansyon ang espasyo.
Anyways, wala akong time i-admire ang condo niya kahit na gaano pa kaganda iyon. I needed to know why I’m here.
"Philip, why did you bring me here? Bakit hindi mo ko inihatid sa mansyon?" I asked him in an urgent tone. Hindi naman niya ako pinansin. Sa halip ay naupo lang siya sa center ng 10-seater dining table. "Hello? May tao rito. Kinakausap ka. Uso kayang sumagot."
He looked at me with a bored expression. Inirapan pa ako ng walangya! Bipolar talaga ang isang to! “I don’t want arguments first thing in the morning, Alex. At least let me eat in peace first. Same goes for you.” Magre- react pa sana ako nang magsalita siyang muli, cutting me off. "No more buts Alex. Eat."
Hindi na niya ko pinansin ulit after that. Nagsimula na siyang kumain at para bang doon lang talaga naka- focus ang atensyon niya. Wala na akong nagawa kaya napipilitang napaupo na lang ako sa upuan katapat niya. Suplado nito! Nakanguso lang ako habang nakatanaw sa mga naka-serve na pagkain. Hindi ako gumalaw. Nakaupo lang sa harap niya.
"C'mon Alex, stop acting like a kid." I heard him say kaya napatingin ako sa kanya. Inirapan ko lang siya at saka tumusok ng dalawang hotdog at ilang strips ng bacon. Dadamputin ko na sana ang baso sa harap ko at iinom roon nang maalala kong wala nga pala ako sa bahay. No one would make me a glass of cold choco. I frowned again. "What’s wrong?"
I contemplated on telling him pero if we’re to get married nga, kailangan niya ring malaman dahil morning habit ko na yon. Breakfast isn’t complete pag wala non. “I can't eat breakfast without cold choco.”
“Cold choco?” He asked, curious and confused at the same time. I just nodded. “You drink cold beverage in the morning? You'll get an upset stomach, Alex.”
“Wag na nga.” Pabulong ko na lamang nasabi, lalong nairita dahil sa kanyang komento. I wouldn’t drink it kung hindi okay saken. Tsaka so what if I get upset stomach? Ako naman ang makakaramdam at hindi siya.
Bahala na nga. Just for this morning, I guess. Uuwi pa naman ako and after wedding pa kaming magsasama. I’ll do groceries for my stuff na lang by then. Ayoko namang sisitahin niya ako everytime may request ako. Might as well do it on my own.
Narinig ko ang buntong hininga niya bago siya biglang tumayo. Hindi ko na lang pinansin at nag-decide na kumain. Pagkatapos ko rito uuwi na ako. May lakad ako mamaya. Noong nakaraan pa naka-set iyon kaya hindi pwedeng hindi tutuloy.
Maya-maya pa ay napansin ko ang paglapag ni Philip ng isang baso sa harapan ko. It was a glass of cold choco. Napaangat ang tingin ko sa kanya. Hindi naman siya mukhang nagsusuplado. Kaya tingin ko hindi naman siguro siya iritable dahil sa pagpe-prepare noong cold choco ko.,
“Thanks...” I almost whispered. Hindi ko alam kung bakit parang nakaramdam ako ng pagkahiya bigla. He actually prepared my cold choco without saying anything else. Comment lang siguro iyong nasabi niya kanina. Pwede naman niyang ituro na lang kung nasaan ang choco para ako na ang mag-prepare. Hmmm… okay sige, medyo mabait nga siya. Pero medyo lang.
Buong duration ng breakfast namin ay tahimik lang kami. Walang umiimik talaga pero the silence wasn't an awkward one. It was, uhm, a comfortable silence I must say.
Nang matapos akong kumain, hinintay ko siya. I’m used to not leaving the table unless everyone is done with their food and aalis na rin. Yun nga lang, pansin ko namang tapos na siya pero hindi pa rin siya kumikilos. He just sat there while reading the newspaper. Kating- kati na akong magpaalam na umalis dahil may pupuntahan pa nga. Pero dahil ang seryoso niya and back to suplado mode na naman, hindi ako makahanap ng tiyempong magpaalam.
Damn it. Bahala na nga. Hindi ko alam bakit parang natatakot ako bigla sa isang to.
“Philip…” I called his attention. Saglit lang niya akong tiningnan bago ibinalik ang tingin sa newspaper. He just answered me with a hmm. The f**k? “Uuwi na ko. Thanks for the breakfast?” Alanganin kong sabi.
“You're staying here with me from now on, Alex. You’re not going back to your parent’s.” He simply said, hindi man lang tumingin sa akin.
I was stunned for a moment. Natigilan ako sa pagtayo dahil sa narinig na sinabi niya. Nang mag- sink in sa akin iyon ay agad na kumunot ang noo ko. I was starting to get irritated again. “You’ve got to be kidding me.”
Inilapag niya ang newspaper sa mesa at sa wakas ay tumingin sa akin. Seryoso ngunit kalmado ang kanyang ekspresyon. “Our parents decided we should live together now, as preparation for our marriage. Your parents already sent your things yesterday. Didn't you see your bags in the room?"
“What the hell?! Bakit hindi ako na-inform about this?!” I exclaimed. I can't believe this! Talagang ipinamigay na ko nina mommy! Ni hindi pa nga kami nakakasal ng lalaking to ay pinatira na nila agad ako kasama nito? What's next? Bibigyan namin sila ng apo?! f**k! NO WAY! Wag na wag nila akong hihingan ng apo sa isang to! Jusko!
“Your parents knew you will react exactly like this that’s why they didn’t tell you. Relax. It's not like it is such a bad thing. Were getting married soon anyway, we’re just a few weeks early with this set up.” He said. I almost screamed at him due to the irritation. Grabe! He really likes this huh? Ni hindi man lang tumanggi! Alam naman niyang ayaw kong pakasal tapos pumayag siya sa ganito! They didn’t even give me time to breathe! Mabilisan lahat!! Binigla lahat! “And don’t worry because we won’t be living here after the wedding. We’ll move to the house I bought in Forbes. For now I will let you sleep in the guest room I prepared for you. But after we get married, expect that we’ll share same room and bed at the new house.”
So, he thinks ang pagbili ng bahay para sa amin will make things better?! The hell! Di ko kailangan non! Ano ang sense non kung sasabihin niya rin sa akin na magsasama kami sa isang kwarto?! Sa Forbes? For sure it’s a mansion. For sure madaming rooms! Kaya bakit magsasama kami sa isang kwarto? It’s not like we got married dahil gusto namin ang isa’t isa! Damn it!! Akala niya magiging okay saken dahil lang we kissed once?!
That was just a freaking kiss!! Iba yong magtatabing matulog sa isang kama! Paano pa kung may gawin siyang kahalayan saken?! Paano ko naman mapo-protektahan ang sarili ko?!
I don’t care if we’re married! I will not sleep with him no matter what! That’s bullshit! Hindi dahil pinagkasundo kami at magpapakasal, ibibigay ko na rin sa kanya ang sarili ko! No effin way!
Kahit na nagwawala ang buong sistema, pinilit ko pa ring kumalma. Hindi naman tamang sa kanya ko ibuhos ang lahat ng galit ko dahil hindi lang naman siya ang nagdesisyon. I think hinayaan niya lang and pumayag siya dahil request ng parents ko. Kaya sa mga magulang ko ako magwawala. Bahala na kung anong mangyari.
Hindi na ako nagsalita pa, nonsense rin naman. Hindi naman siya makikinig at siguradong sasabihin niya lang na narito na kaya hayaan ko na or nakapayag na siya kaya hindi niya na pwedeng bawiin. Bullshit! Para saan ang bilyon mo kung sunud-sunuran ka sa mga magulang natin.
I walked out from him, stomping my feet hard on the ground. Dali- dali akong umakyat at nagpunta sa kwartong tinulugan ko. Hinanap ko ang bag ko kung saan naroon ang phone ko. Nang makita ko iyon ay tinawagan ko agad si Derek.
“Yo!” Sagot ni Derek sa tawag ko.
"Der, sunduin mo ako. I'm in Philip Karpov's turf."
“Huh? What are you doing there? And so early in the morning?”
“Mamaya na ako magpapaliwanag. Just be here in thirty. Please.”
“O- okay. BGC, right?”
“Yeah, I think. Basta. Sa penthouse condo. Baka nga BGC.”
Marami pa sana siyang itatanong pero tinapos ko na ang tawag. I was hurrying. Agad akong naligo sa bathroom sa loob ng silid, nagbihis, nag-ayos at nang matapos ay agad kinuha ang isa sa mga LV traveling bag roon.
Aalis ako rito ngayon din and Philip can’t stop me. It's one thing they force me to marry him pero ibang usapan na ito! They can’t force me to do everything! This is my life! I will decide for myself! I call the shots!
Dala ang malaking traveling bag ay lumabas ako ng kwarto at naglakad pababa ng hagdan. Didiretso na sana ako palabas ng main door nang marinig kong magsalita si Philip sa likuran ko. Ayaw ko man pero nilingon ko pa rin siya. Nakakunot ang noo at bwisit na bwisit pa rin.
“Where do you think you’re going with that, Alexandria Nadine?" My eyebrow shot up. Calling me by my whole name now? Ano ka, tatay ko?
He looked grim when I turned to face him. “I’m leaving. I’m not staying with you. I’m not living with you until we’re married.”
“You're being childish, Alex. We’re getting married a few weeks from now, what’s the difference if you and I start living together now? Don’t tell me… you’re afraid something will happen? Ha… Don’t worry… I won’t touch you… well, unless you ask me to.” Hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagiging seductive ng tono niya nang sabihin sa akin ang huling parte. Unless I want him to?! Oh please!! As if I will ask you to do me! In your effing dreams! Damn! Napakayabang talaga!
“Give me a break, will you?! I was forced to marry YOU na wala pang isang linggo mula nang makilala ko tapos ngayon aasahan niyong basta na lang ako papayag na tumira sa isang bubong kasama ka?! Kung sayo ay ayos lang ang lahat ng to, saken hindi! Ano to? All these years they protected me, stopped boys from approaching me dahil ayaw magka- boyfriend pero sa isang iglap itatapon lang ako basta sa lalaking gusto nila para saken?! Can’t I f*****g breathe at least?! Wag niyo akong sagadin! Wag ka nang dumagdag, pwede?!”
With that sudden outburst, he was left speechless. I used that chance to get out and leave his unit. Derek just got off the elevator and nabigla nang makita akong nagma- martsa na palabas ng unit. He immediately took my bag from me and walang imik ding sumunod sa akin. Philip didn’t follow me.
Thank f**k. Di ko na alam ano pang sasabihin ko kung sumunod pa talaga siya.
PHILIP
I let Alex go. I just watched her silently from the CCTV room as she got inside the elevator with some guy I’ve never seen before. I also watched as she got into a red Cadillac when they arrived at the parking. I just shook my head and sighed. I went to my study to do some work.
I know I shouldn't have let her go, knowing that she might not come back tonight… but what can I do? I didn't want to restrain her and make her feel like a bird trapped in a cage. So, I let her go and get some air to breathe.
I'll give her a few weeks. I'll let her do the things she wants but when we get married, she'll have to compromise too. I know this is hard for her to accept but she has to realize that this is inevitable. Hindi man ako ang pakasalan niya, I know for sure her parents will set her up with another man.
She has to know that in her condition, I’m the best choice for her.
We may not feel love for each other but I can be a good husband to her.
I can’t tolerate all the things she wants but I can at least try to make this marriage work. If we’re on this, we should make it work somehow.
Sigh…
***
The whole day passed and there was no sign of her coming home soon. It was already midnight. I was in my study the whole day, working. I just finished my work and had also finished freshening up. With only a towel wrapped on my waist, I headed to the bar to get a drink.
I watched the city lights as I drank a glass.
“You’re not getting away from me too…”
ALEX
“I can help you, Nads. You can come with me to Barcelona.” Derek told me habang magkatabi kaming nakaupo sa booth. Alas dose na ng madaling araw pero narito pa rin kami ngayon sa Club '79 to relieve stress and to party. Kanina nakikisayaw kami sa ilang mga kakilala sa dance floor pero napagod na kaya tumambay muna sa booth para uminom at mag-usap. Ngayon nga'y pinag uusapan namin ang tungkol sa nalalapit kong kasal kay Philip.
Kahit na kilala si Philip at ang pamilya ko, we decided to have a secret wedding. Hindi ipapaalam sa media para hindi na masyadong pagkaguluhan. Close friends and relatives lang ng parehong pamilya ang dadalo. But that didn’t stop the families to request a grand wedding. Kaya hindi ko alam kung talagang posible pang panatilihing tahimik ang kasal.
I just hope hindi pa nababalita iyong pag-aasikaso namin sa kasal ni Philip noong nakaraan. That man is famous dahil sa Heartthrob Billionaire title niya, madaming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Ayokong maipit sa gulong ganoon. Ayokong maging tampulan ng matinding insulto dahil lang sa hindi ako maganda masyado para sa kanya. Damn. That was the last thing I wanted.
Kung pwede lang isaksak sa baga niyo ang Philip na yon, hahayaan ko pa kayo.
Umiling iling ako habang iniinom ang vodka. Running away seems impossible. Naiisip ko nang gawin yon ng mga nakaraang araw pati kanina pero ngayong narealize ko na isang tulad ni Philip ang mapapakasalan ko, wala akong takas. Hindi man niya talaga gusto ang kasalang magaganap, sigurado naman akong hindi niya ako hahayaang makatakas at maipahiya siya sa mga tao.
“Hindi ganon kadali yon, Der.”
“So papayag ka na lang pakasal sa kanya? Suko ka na lang agad?” He asked incredulously.
I shrugged. “As if I can do anything about it.”
I heard him laugh humorlessly kaya napatingin ako sa kanya ng may pagtataka. “Ikaw ba talaga yan, Nads? Nasan na ang Alexandria Nadine na pinaglalaban ang gusto niya? Nasan na yong kaibigan kong walang takot lumabag sa gusto ng mga tao sa paligid niya? You're losing yourself in this, Nads.”
“Siguro hindi talaga yon ang totoong ako. Siguro mula noon hanggang ngayon ay sunud- sunuran pa rin ako sa kanila. Siguro childish rebellion lang iyong mga ginawa ko noon. Magaan pa kaya di nakakatakot labagin… But this one, this is different. This is a huge matter.” Napabuntong hininga na lang ako saka tuluyang inubos ang vodka sa glass. Agad na umalon ang paningin ko. Pang-ilang glass ko na to kaya tinatamaan na ako.
But it’s okay. I needed this. I needed to get away for a while, have booze, get myself drunk and forget my problems for a while.
Hanggang dito na lang talaga ako. Yung panandaliang kalayaan ko ay tapos na. Ngayon ay pinagbabayad na ko para doon. Ang laki pala ng kailangan kong bayaran... biruin mo, 3 years of freedom? Isang pagkakamali lang, ang itali sa isang lalaki agad ang naging parusa ko. Ang unfair.
They robbed my childhood, my teenage years and even my chance to live as an adult. Ni hindi ko na magagamit ang pinag-aralan ko dahil paniguradong ipipilit na naman nilang tulungan ko na lang si Avin sa kompanya or sa KB ako magtrabaho at makulong sa anino ng ‘asawa’ ko or baka rin sabihin nila sa aking maging dedicated housewife na lang ako. Tangina… so as a woman, I have no choice in this life but to get married and bear children for my husband? Anong kagaguhan yon. Is that the only essence of being a woman?
Tumayo ako mula sa stool na kinauupuan ko pero dahil hilo na ay muntik pang matumba. Derek caught me by the waist and assisted me so I could get back on my two feet. Kumapit ako sa balikat niya, nakapikit para mawala ang pagkahilo kahit saglit.
“Nads, you're drunk… Let’s go home.”
Halos hindi ko na narinig ang sinabi ni Derek dahil sa lakas ng music at pagpintig ng aking sentido. Naramdaman kong muli ang pagpulupot ng kanyang braso sa aking baywang upang alalayan ako habang paalis. Hinayaan ko na lamang siya dahil parang gusto ko na ring umalis roon. The music was making my headache worse. The strobe lights were also making me dizzy.
Hindi pa man kami nakakailang hakbang ay naramdaman ko na ang marahas na paghila ng kung sino sa aking braso. Tumama ako sa matatag na dibdib ng isang lalaking amoy mamahaling musk and shower gel. Saglit lang ang pag-iisip ko sa bangong iyon, napakapit ako sa damit ng lalaki dahil parang nakaramdam ng urge na sumuka. Nahilo ako sa biglang pagkakahila. I buried my face on the man’s chest and clutched on it to calm myself.
“You’re drunk…” I heard.
“Nads!” Derek? Argh. Ang sakit ng ulo ko… Who is this man?
“f*****g touch her again and you’ll never see the light of the day again.”