PANG-LIMA

5275 Words
Pagmulat ng mga mata ni Richard, bumungad sa kanya ang hubad na makisig na katawan ni Sebastian. Kita rin niya, na ang dibdib ng huli ang kanyang ginawang unan, habang nakadantay naman ang isa niyang braso sa tiyan ni Sebastian. Sa nakitang ayos ay biglang nakaramdam ng hiya si Richard, kaya naman naisipan niyang bumangon na kaagad, bago pa magising ang katabi nito. Pero ang tangkang paghiwalay ni Richard sa katawan ni Baste ay hindi nito nagawa, bago pa kasi iyon mangyari, naramdaman nito ang braso ng huli na humigpit ang hawak sa kanyang katawan. "Chard maaga pa, matulog pa tayo." mahinang saad ni Sebastian sabay hagkan nito sa ulo ng una. Ramdam ni Richard ang ginawang paghalik na iyon ni Baste sa kanyang ulo at inaamin niya na isang damdamin ang naramdaman niya sa mga oras na iyon. At gaya nga ng nais ni Sebastian, kusang pumikit ang kanyang mga mata at nakatulog ulit si Richard. ... Nang muling maggising si Richard, wala na ang katabi nito sa kama. At bago pa bumangon, naisip ni Richard na ngayong araw rin mismo ang pag-alis ni Sebastian. Nang bumangon, doon lang napansin ni Richard na mayroon na pala siyang suot na damit. At ang damit na iyon na suot ay hindi pamilyar sa kanya, sa dahilang hindi niya pag-aari yon. Saglit na pinagmasdan ni Richard ang suot na damit at naisip na damit iyon marahil ni Sebastian, lalo pa't maluwag at mahaba ito sa kanya. Nang itaas ang laylayan ng mahabang damit, nakita rin niya na may suot na siyang brief at boxer short. Mabilis na naghilamos si Richard at nang makitang maayos na ang itsura ay lumabas na siya sa kwartong pansamantalang tinuluyan ni Sebastian. Pagkalabas sa silid ni Baste, sa sariling silid naman pumunta si Richard. At ng makita ang oras sa orasan na nakadikit sa dingding, nakaramdam siya ng lungkot. Tatlong oras na kasi ang lumipas sa takdang pag-alis ni Baste. Nanghihinang napaupo na lamang sa kanyang kama si Richard, ang kamang kani-kanilang ay saksi sa una nilang pagtatalik ni Sebastian. Sa naisip, hindi namalayan ni Richard na kumawala na pala ang masaganang luha sa kanyang mga mata, dulot ng panghihinayang na hindi man lang sila nakapag-usap ni Sebastian at hindi man lang ito nakapag-paalam bago umalis ang huli. 'Bakit kasi hindi kaagad ako gumising.' sisi ni Richard sa sarili na patuloy parin sa pag-iyak. At habang abala ito sa pag-iyak, pinutol ito ng ingay na nagmumula sa pinto ng kanyang silid na dulot ng pagkatok ng tao sa labas. Sa narinig, kaagad pinunasan ni Richard ang luha sa kanyang mga mata, bago pagbuksan ang taong kumakatok. At pagkabukas sa pinto, hindi na napigilan ni Richard ang sarili at mabilis na niyakap ang taong bumungad sa kanya. ... Nagising si Sebastian, katabi ang taong hindi niya alam na mapapatibok muli ng puso n'ya. Bata pa'y pangarap na nito na maging sundalo at dahil sa laging nakasuporta ang kanyang mga magulang anuman ang nais nitong maging sa buhay, lalo pa itong nagsumikap para makamit ang pangarap niyang 'yon. Kaya naman hindi na kataka-taka na mabilis niyang nakamit kung nasaan man siya ngayon. Tatlong taon na ang nakararaan ng opisyal siyang maging Komandante sa edad na 26. At ilang buwan matapos ang pagtaas ng kanyang ranggo sa pagkasundalo. Nakilala niya ang unang taong magpapatibok sa puso niya. Si Rachelle Ventura. Si Rachelle ay anak ng parehong mga Duktor. At ang mga magulang nitong mga duktor ay sila ring nag-mamay-ari ng isa sa pinaka-kilalang ospital sa buong Pilipinas. Unang nagkita si Sebastian at si Rachelle sa isang coffee shop at dahil iyon sa naiwang wallet ng huli, doon nagsimula na makilala ng isat-isa ang dalawa. Matapos ang ilang araw ay nagkita muli ang dalawa. At ang ikaliwang pagkikitang 'yon ay nasundan pa ng ilang beses at namalayan nalang ng dalawa na may pagtingin na sila sa isat-isa. Naglakas ng loob si Sebastian na magtapat ng kanyang damdamin kay Rachelle at tinanong nito ang huli kung maaari niya itong ligawan. Kaagad naman na pumayag ang dalaga, sa dahilang napukaw na ng binatang sundalo ang puso niya. Matapos nga ang dalawang buwan na matiyagang panliligaw ni Sebastian kay Rachelle, sa wakas ay sinagot na siya ng huli. Sa loob ng isang taon ng kanilang pag-iibigan, naging masaya ang dalawa. Si Sebastian, naisip na ang unang babaeng kanyang niligawan at ang una ring babaeng nagpatibok sa kanyang puso ay siya nang babaeng pakakasalan niya. Ngunit bago pa magpropose ang binatang sundalo, ipinaalam ni Rachelle sa kanya ang nais nitong pag-alis patungo sa ibang bansa, para makamit ang noon pa man ay inaasam-asam na niya, at ito'y ang maging modelo. Sa narinig parang gumuho ang mundo ni Sebastian. Alam niyang sa pag-alis ni Rachelle kahit pa mahal nila ang isat-isa, posibleng mawala ang pagmamahal na 'yon, lalo pa't walang katiyakan kung ilang taon ito mawawala ng sagutin sya ng babae, matapos nitong tanungin ang tungkol sa bagay na iyon. Isang matagal na halik ang huling ibinigay sa kanya ni Rachelle bago ito magpaalam. At matapos nun, wala na siyang naging balita kay Rachelle magpasa-hanggang ngayon. At ngayon ngang paggising niya, hindi niya maikakaila na tinamaan ulit siya, at 'di tulad ng unang pinana ni kupido na babae, sa kapwa niya lalake pinakawalan ni kupido ang palaso ng pag-ibig niya. Maingat niyang iniwalay ang katawan sa natutulog na katabi, para hindi ito magising. Pagkabangon ay mabilis itong nagbihis at lumabas na rin ng silid. Pagdating sa kusina, naabutan niya ang mama ni Richard na naghahanda ng almusal, kasama ng ilang kasambahay. "Good morning tita." bati ni Baste kay Aurora. "Morning, maupo ka na at ako ng magtitimpla ng kape mo." "Tita, 'wag na, ako na lang ang gagawa." magalang na tanggi nito kay Aurora. "Ano ka ba Baste, ayos lang at ipagtitimpla ko rin naman si Dado." "Sige tita, salamat." "Hindi ka mananalo d'yan, 'pag sinabi n'yan siguradong masusunod." saad ni Diosdado na nasa hapag, na kasaluyang nagbabasa ng dyaryo. "Oo nga eh, tito." sang-ayon ni Baste sa sinabi ni Diosdado patungkol sa asawa. "Heto na ang mga kape n'yo." saad ni Aurora, sabay lapag ng mga kape ng dalawang sundalo. "Salamat, tita." saad ni Baste. "Walang anuman, sandali at gigisingin ko lang si Richard." Sa narinig ay kinabahan si Sebastian, magpepresinta sana siya, na siya na lang ang gigising kay Richard, nang magsalita si Diosdado. "Hayaan mo na sa pagtulog ang anak mo at linggo naman." Parang nabunutan ng tinik si Sebastian sa narinig. "Oo nga pala tito, tita. Maari ba na dumito muna ako ng ilang araw pa?" pakiusap ni Sebastian sa mag-asawa. Sa nangyari sa kanila ni Richard, nais ipaalam ni Sebastian ang tungkol sa nararamdam niya. Ayaw niyang mangyari na isipin ni Richard na wala lang ang nangyari sa kanila. "Oo naman Baste at kahit kailan mo pa gustong manatili rito, bukas ang bahay namin dahil parang anak ka na rin namin." saad ni Aurora. "Tama ang tita mo Baste." sang-ayon ni Diosdado sa sinabi ng asawa. "Maraming salamat po, tito, tita." masayang pasalamat ni Sebastian sa kabutihan ng mag-asawa at 'di na ito kataka-taka, maging ang anak nila na kaibigan niya ay kapwa nagmana sa kabutihan ng mga magulang nila. At maging ang bunso ng pamilya Manalo, na ngayon ay laman 'di lamang na isip niya pati rin ng puso n'ya. Natapos na siyang mag-agahan kasabay ng mga magulang ni Richard at hindi parin nagigising ang huli. Naisip ni Sebastian na marahil sa ginawa nila ay napagod niya ito ng husto, isa pa at madaling araw na rin sila nakatulog. Hinayaan na lang nito ang tulog parin na si Richard at naisipan na lang ni Sebastian na samahan si Diosdado sa pag-eensayo sa pagbaril. ... "Hindi ka parin nagbabago Manlangit at asintado ka parin." puri ni Heneral Manalo sa Komandante, na bulls eye lahat ang ginawang pagpapaputok sa mga target. "Salamat tito, pero mas magaling ka parin 'di hamak sa akin." balik papuri ni Sebastian sa Heneral. "At gaya ng dati humble ka parin." saad pa ng Heneral. "Totoo naman tito, kaya nga idolo ko kayo." giit pa ni Sebastian sa galing ng Heneral. "O s'ya at naniniwala na ako sa'yo at alam kong alam mo, na proud ako pati na ang mga magulang mo kung ano ka ngayon." "Salamat tito, malaking utang namin nila papa sa'yo kung anuman ang narating ko ngayon." buong pusong pasasalamat ni Sebastian sa kaibigan ng papa niya. "Mali ka, anak. Kung anu ka man ngayon ay dahil lang 'yon sa'yo." saad ng Heneral sa anak ng matalik na kaibigan na itinuring na rin niyang sariling anak. ... Matapos ang pag-eensayo kasama ni Heneral Manalo, bumalik si Sebastian sa silid para balikan si Richard. Tanghali na rin kasi at gigisingin na sana niya ang huli, pero wala si Richard sa kama ng pumasok siya sa kwarto. Naisip ni Sebastian na bumalik na ito sa sariling kwarto, kaya naman pinuntahan niya ito. Ilang pagkatok ang ginawa ni Sebastian sa pinto ng kwarto ni Richard, bago siya pagbuksan ng huli. Pagbukas nga ng pinto, 'di niya inaasahan ang gagawin ni Richard, sa isang iglap lang mabilis itong yumakap sa kanya. "Chard, ayos ka lang?" alalang tanong ni Sebastian, sa nagpipigil ng iyak na kasalukuyang nakayakap ng mahigpit sa kanya. Walang naging tugon sa kanya si Richard habang patuloy parin na yakap siya nito. Bago pa makita ng mga magulang ni Richard ang ayos nilang dalawa, kaagad na iginiya ni Sebastian ang katawan nila ng una at isinara ang pinto ng kwarto. "Chard, bakit ka umiiyak? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang ulit na tanong ni Baste. "A-akala ko umalis ka na." mahinang sagot ni Richard na patuloy lang sa pagyakap kay Baste, na animo'y ayaw ng pakawalan ang huli. "Maaari ba 'yon, eh hindi pa tayo nakakapag-usap. Isa pa, hindi pa kita naililibre." saad ni Sebastian at paalala pa sa naging biro ni Richard noon sa kanya, nung panahong nasa ospital pa sila. Sa narinig ay 'di napigilan ni Richard ang matawa. "Naalala mo pa pala." saad ni Richard at humiwalay na ito kay Sebastian sabay tingin nito sa mukha ng huli. "Oo naman. Kaya lang, ayokong isipin mo na ililibre lang kita mamaya." seryosong saad ni Sebastian at hinawakan ang magkabilang kamay ni Richard. "Gusto kong tanungin, papayag ka bang magdate tayo?" hinging pahintulot ni Sebastian. ... Hindi alam ni Richard kung alin ang isusuot sa mga damit na nasa closet niya. Ilang sandali na lang kasi at aalis na sila ni Sebastian para kumain sa labas. Hindi nga parin siya makapaniwala hanggang sa ngayon, na inaya siya ni Sebastian na magdate sila. Ganun man, sinagot niya ito ng oo, ng tanungin siya ulit nito. At sa naging sagot niyang 'yon, sinunggaban siya kaagad ng halik ni Baste, na kita niya ang bakas sa saya ng mukha ng humiwalay ito. Sa naisip ay kaagad na napangiti si Richard. Aminado siya, na unti-unti ng nahuhulog ang loob niya kay Sebastian at naisip, na posibleng ganun din ang nararamdaman ng huli sa kanya, na dahilan ng paglabas nila mamaya. Matapos maligo ni Richard, isinuot na nito ang damit na napili. Suot ang puting sando, ipinatong nito ang isang long sleeve polo shirt na kulay itim, na may tatlong butones sa harapan, hinayaan nitong nakabukas ang unang butones sa suot na damit. Itim naman na jeans ang pang-ibabang suot niya at black leather Plain-toe na sapatos. At syempre ang paborito niyang cologne ang panghuli. Saglit na tinignan ni Richard ang imahe sa harapan ng salamin at konting ayos pa ng maikling niyang buhok, lumabas na rin ito. Paglabas niya, kasalukuyan naman na naghihintay si Sebastian. Kaagad dumako ang tingin ni Sebastian kay Richard at tinignan nito ang suot ng huli. 'Sadya ngang napakagwapo ng bunso ng Heneral.' saad ni Sebastian sa sarili. "You look gorgeous." hindi na napigilang pang saad ni Sebastian sa nakitang ayos ni Richard. Sa narinig ni Richard, kaagad na namula ang mukha nito sa natanggap na papuri kay Sebastian. Aminado rin siya, na lalong gumwapo si Sebastian sa paningin niya. Sa suot na itim na damit, na pinatungan niya ng  checkered long sleeve polo na kulay puti at abo na nakabukas lahat ng butones, kulay black na khaki pants at black leather shoes naman ang ibabang suot nito. "Ikaw rin, ang gwapo mo." balik na papuring saad ni Richard kay Sebastian at kaagad na iniwas ang tingin sa huli dahil sa hiya. "Halika na, nagpaalam na rin ako kila tito at tita at idinahilan na sasamahan mo lang ako sa bar." yakag at paliwanag na saad ni Sebastian. "Sige." ... Tamihik ang dalawa habang nagmamaneho si Sebastian, sa hiniram niyang sasakyan sa papa ni Richard. Habang tahimik na nagmamaneho si Sebastian, ang katabi nito sa passenger seat na si Richard ay abala ang isip, sa kung anong maaring mangyari sa magiging date nila. Ilang sandali pa. "Nandito na tayo." saad ni Sebastian na bumasag sa katahimikan nilang dalawa. "Huwag ka munang bababa." dagdag pa ni Sebastian. Nanatili nga si Richard sa sasakyan, sunod sa sinabi ni Baste. Samantalang kaagad naman pumunta sa kabilang pinto ng sasakyan si Sebastian para pagbuksan si Richard. Sa nakitang ginawa ni Baste, inaamin ni Richard na kinilig siya sa simpleng  ginawa na iyon ng una. Pagbaba ni Richard sa sasakyan, kaagad na hinawakan ni Sebastian ang isang niyang kamay. "Baste, sigurado ka ba?" kabang tanong ni Richard at bahagyang hinila pahiwalay ang kanyang kamay na hawak ni Sebatian. "Don't worry." sagot ni Sebastian at hindi pinakawalan ang kamay ni Richard. "Hayaan mo sila, ikaw lang ang mahalaga sa akin ngayon." dagdag pang saad ni Sebastian. Ibayong saya at kilig ang naramdaman ni Richard sa narinig, ngunit pinilit nitong 'wag ipahalata sa kasama ang nadama. At magkahawak kamay na tinungo ng dalawa ang restong pinili ni Sebastian sa kauna-unahan nilang date. "Welcome sirs, any reservation?" bungad ng waiter sa dalawa at hindi nakaligtas ang pagtingin nito sa magkahawak nilang kamay. Sa nakitang pagtingin ng waiter sa kanilang mga kamay, nakaramdam ng takot si Richard, lalo na sa iisipin ng iba pang mga taong kasalukuyang naroon. Hindi naman nakaligtas ang reaksyon na iyon ni Richard, kay Sebastian. Kaya naman, ang kaninang hawak niya sa kamay na si Richard, sunod na hinawakan n'ya ito sa baywang. Sabay baling nito sa waiter. "Yes, for Manlangit." baling ni Sebastian sa waiter sabay bigay pa ng matalim na tingin. Kinabahan naman ang waiter sa nakitang tingin sa kanya ng lalaking nagsalita. "T-this way sirs." utal na saad ng waiter, dulot parin ng kaba at sinamahan na ang dalawa sa kanilang mesa. Pagdating sa kanilang mesa, mabilis na umupo si Richard sa isang upuan, bago pa siya ipaghila ng kasama, na alam niyang 'di malabong gagawin 'yon ni Sebastian. Sa pag-upo kaagad ni Richard sa upuan, napakamot na lang sa ulo si Sebastian na 'di nagawa ang balak nito. Kita ni Richard ang reaksyon na 'yon ni Baste, kaya naman lihim na napangiti ito. "Salamat sa pagiging gentleman, Mr. Manlangit, pero pinapaalala ko lang sa'yo na lalaki ang ka-date mo ngayon at hindi babae." saad ni Richard pagkaupo ni Sebastian. "Sorry naman, pero kasi 'di mo maaalis sa akin ang pagiging gentleman, kahit pa lalake ang kadate ko." katwiran na saad ni Sebastian. "Lalo na at magandang lalake ang nasa harapan ko ngayon." dagdag pa ni Sebastian. "Bukod sa gentleman, bolero ka rin pala Mr. Manlangit." saad ni Richard na pinipigilan ang kilig sa oras na 'yon na dulot ng kaharap. "Excuse me sirs here's our menu." putol ng waiter sa usapan ng dalawa. "Thanks, we will call you later." saad ni Sebastian sa waiter. Pag-alis ng waiter, inabot ni Sebastian kay Richard ang isa pang menu. "Anong gusto mong orderin?" tanong ni Sebastian kay Richard. Saglit na tinignan ni Richard ang mga pagkain na nasa menu. Masasabi niyang mukhang masasarap ang mga pagkain na specialty ng napiling resto ni Sebastian, bukod sa maganda rin ang ambience ng lugar. "Isa nitong pasta nila at ikaw na ang bahala sa iba." sagot ni Richard kay Sebastian. "Okay." sang-ayon ni Sebastian at sinenyasan na ang waiter, para kuhanin na ang kanilang order. "Here's our special appetizer sirs, while waiting for your orders." saad ng waiter, sabay lapag ng soup bilang appetizer ng dalawa. "So, how was it." kabang tanong ni Sebastian sa kadate. Saglit na tinignan ni Richard si Sebastian at halata nito ang kaba ng huli, kaya naman naisipan nitong biruin ang kaharap. Tinikman ni Richard ang soup at nagkunwari na hindi maipinta ang kanyang mukha dahil sa natikman. Sa nakitang mukha ni Richard, nagsimulang pawisan ang kanina pang kinakabahang si Sebastian. "I'm sorry Richard, kung gusto mo ay may alam pa akong ibang resto at pwede pa nating puntahan." paumanhin ni Sebastian at hingi pa ng pagkakataon kay Richard para sa date nila. Bigla naman nakonsensya si Richard sa ginawang biro. Akmang tatayo na sana si Sebastian ngunit mabilis na inabot nito ang kamay ng huli. "Baste sandali, i'm sorry. Binibiro lang kita." hinging paumanhin ni Richard habang hawak parin ang kamay ni Sebastian. Sa narinig, nakahinga ng maluwag si Sebastian. "Nakuha mo ako dun, pero hindi ko kaagad matatanggap ang sorry mo." saad ni Sebastian at bumalik ito sa pag-upo. Ngayon si Richard naman ang kinabahan at sinisisi nito ang sarili sa naging biro. "Okay tell me, anong puwede kong gawin para mapatawad mo 'ko?" tanong na saad ni Richard na nangangamba dahil sa nagawa, hindi na masusundan pa ang una nilang paglabas. "Mamaya ko na sasagutin 'yan, kumain na muna tayo." saad ni Sebastian, na ngayon ay lihim na natutuwa sa naisip na ideya, kapalit ng kapatawaran na hinihiling ni Richard. "Try this." saad ni Sebastian sabay lagay ng pagkain sa plato ni Richard. "Salamat." Nagpatuloy ang dalawa sa pagkain habang nag-uusap sa iba-ibang bagay, hanggang sa napunta ang usapan ng dalawa sa personal na bagay. "Ilang taon ka ng sundalo Baste?" "8 years na, gaya mo 21 ako ng maging sundalo." sagot ni Sebastian. "Ikaw Chard, buti at pagiging sundalo ang napili mo?" tanong ni Sebastian. "Actually, hindi ko talaga gusto nung una na maging sundalo, bata pa ako palaging wala si Papa." simula ni Richard sa pagkwento. Tahimik naman na nakikinig si Sebastian sa kanya. "Yun nga dahil sa palaging wala si papa, kapag may family activity sa school, tanging si mama lang ang nakakadalo. Kaya naisip ko na kapag lumaki ako at nagkapamilya, sisiguraduhin ko na palagi akong nandun kapag kailangan ako ng anak ko at hindi mangyayari 'yon kapag naging sundalo ako." patuloy ni Richard na 'di namalayan na tumulo na pala ang luha. Gamit ang kamay, kaagad naman pinunasan ni Sebastian ang luhang 'yon ni Richard. "Okay lang kung ayaw mo ng ituloy." saad ni Sebastian na hawak na ang isang kamay ni Richard, na animo'y pinapatahan ang nagiging emosyonal na huli. "Ayos lang ako at salamat Baste." saad ni Richard at ipinagpatuloy nito ang pagkukwento. "Nang lumalaki na ako at nagkakaisip, doon ko namalayan kung ano pala ang hirap at pagsasakripisyo ni papa bilang sundalo. At ng makita ko sila kuya, na pinili rin ang tinahak ni papa, kita ko ang saya sa mukha ni papa, kaya naman sinabi ko sa sarili ko na hindi ko bibiguin si papa at magiging sundalo rin ako." pagtatapos ng kwento ni Richard. "At salamat na naging sundalo ka Chard, na naging dahilan para magkita at magkakilala tayo." saad ni Sebastian. "Oo nga, isa pang dapat kong ihingi ng pasalamat, ang ginawa mong pagligtas sa akin sa Maguindanao, Baste." Sa narinig kay Richard, naguguluhan na tumingin si Sebastian sa kaharap. "Ako 'yung iniligtas mo sa pagsabog at dahil 'dun ikaw ang napuruhan." paglilinaw ni Richard sa ibig sabihin nito. Sa narinig na paliwanag ni Richard, biglang tumayo si Sebastian. Sa nakitang pagtayo ni Sebastian, ang akala ni Richard ay aalis na ang kasama, kaya naman napatayo rin ito. Nang tumayo si Richard, inilahad ni Sebastian ang kanang kamay sa una. Naguguluhan man sa nais ni Sebastian, inabot ni Richard ang nakalahad na kamay ng una. Pagkaabot ni Richard sa kanyang kamay. "Would you like to dance, with me?" ngiting tanong ni Sebastian kay Richard. "I'd love to." ngiting sagot ni Richard at pinipigil ang maluha sa oras na 'yon. Sa senyas ng isang kamay ni Sebastian, tumugtog ang isang musika na galing sa isang violin na tinutugtog na bihasang musician. Inilagay ni Sebastian ang mga kamay sa baywang ni Richard, habang sa balikat naman ng una, inilagay ni Richard ang kanyang mga kamay. At habang patuloy ang pagtugtog ng violin, nagpatuloy ang paggalaw ng katawan ng dalawa at sinasabayan ang saliw ng musika. Wala ng mahihiling pa si Richard sa mga oras na 'yon, na kasayaw ang alam niyang una at sana ay huli ng pag-ibig niya. Samantalang si Sebastian, naiisip na sana, hindi matulad sa una niyang pag-ibig, ang ngayon ay kanyang nadarama sa kasayaw nito. At hindi na niya makakaya pa, kung sakali man na mawala si Richard sa kanya. ... Sa pagsayaw ng dalawa, nakatawag ng pansin ito sa mga taong kasalukuyang din na nasa resto. May kinikilig, ang ilan ay natutuwa, meron din tila naiinggit sa kanila at syempre hindi rin maaalis ang ilan na may pagkadisgusto, sa nakikitang parehong lalaki ang magkasayaw. Matapos ang kanilang pagsayaw, hindi inaasahan ng dalawa ang sumunod na nangyari. Sa 'di napigilang tuwa ng ilan sa mga taong naroroon, sumunod ang malakas na palakpakan pagkatapos. Pero matapos ang palakpak, hindi rin napigilan ng isang lalaki ang kanyang pagkadisgusto sa nakita. "Mga salot!" sigaw ng lalaki. Sa narinig ni Sebastian, kaagad hinanap ng kanyang paningin ang lalaki. Alam ni Richard na posibleng mangyari ang ganitong eksena bago pa lang sila pumasok sa resto. Kita rin niya ang pag-iiba ng mukha ni Sebastian sa narinig at alam nitong hindi basta hahayaan ng huli ang nangyari. Mabilis nitong hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Sebastian, para pigilan sa maaari nitong gawin sa lalaki. "Baste." mahinahon na saad ni Richard. Sa simpleng paghawak lang ng kamay at pagtawag sa kanyang pangalan ni Richard, ang galit na nararamdaman ni Sebastian sa mga oras na 'yon ay unti-unting nabawasan. "Don't worry, kakausapin ko lang siya." saad ni Sebastian. "Baste, 'wag na, tayo na lang ang umiwas." pakiusap ni Richard. Tunay ngang napakabuti ng kasama, siya na nga ang tinawag na salot pero siya pa ang ayaw ng gulo. Isa ito sa ugaling meron si Richard na nagustuhan ni Sebastian sa kanya. Ngunit hindi kayang palampasin ni Sebastian ang narinig na 'yon, wala siyang pakialam kung anuman ang sabihin ng sinuman sa kanya, pero ibang usapan na kapag ang mahal na niya ang pinag-uusapan. "Trust me Chard, kakausapin ko lang siya, kaya dito ka lang." saad ni Sebastian at lumapit nga ito sa kinaroroonan ng lalaki. Wala ng nagawa pa si Richard, kungdi ang manatili sa kanilang mesa. Sinundan na lang niya ng tingin ang papalayong si Sebastian, na papunta sa lalaking tumawag sa kanila ng salot. Pagkalapit ni Sebastian sa lalaki. "May problema ka sa amin, sir?" seryosong tanong ni Richard sa lalaki. Napangisi naman ang lalaki sa narinig. "Hehe sa'yo wala, sa kasama mo meron, sigurado naman na pineperahan mo lang ang baklang 'yon, hindi ba pre?" saad ng lalaki sabay lapat pa ng kamay sa balikat ni Sebastian. Sa narinig ni Sebastian, ginawa niya ang lahat na makakaya para pigilan ang sarili na suntukin sa mukha ang lalaki. "Paano kung sabihin ko sa'yo na ang baklang tinawag mo ay isa mga bayaning sundalo na nagligtas sa bansa natin." "Hahaha palabiro ka pala pare, yung bakla 'yon isang sundalo? Baka naman tsinupa lang niya lahat ng mga kasama niya, kaya siya naging sundal-." Hindi na pinatapos pa ni Sebastian ang bastos na pagsasalita ng lalaki at kaagad na pinakawalan ang kanina lang ay pinipigilan n'yang kamao niya. Sapul sa mukha ang lalaki at nabuwal ito pagkakatayo. "Tarantado ka!" sigaw ng lalaki ng makatayo matapos mapatumba ni Sebastian. "Oo tarantado ako, halika sa labas, doon natin ituloy ito." sagot ni Sebastian, na kita na ang security guard sa resto na papalapit na sa kanila. "Oo itutuloy natin talaga 'to at buburahin ko ang mukha mo para hindi ka na magustuhan ng baklang kasama mo." sigaw ng lalaki. Napangisi lang si Sebastian sa narinig at hindi na makapaghintay pa na turuan ng leksyon ang lalaki. "Paano ba 'yan, nandito na tayo." saad ng lalaki. "Sigurado ka ba? Pwede ka pang tumakbo at sayang lang ang oras ko na dapat ay para sa kadate ko." bigay ng pagkakataon ni Sebastian sa lalaki. "Ulol! Pagkatapos ko sa'yo, ang baklang 'yon naman ang bubugbugin ko." galit na saad ng lalaki at mabilis na lumapit kay Sebastian sabay pakawala ng suntok. Balewala lang ang pagsuntok na 'yon ng lalaki, bukod sa galing sa pagbaril. Eksperto rin si Sebastian sa hand to hand combat, bukod pa sa ilang martial arts na alam nito mula pa nung nasa high school pa ito. Mabilis na sinangga ni Sebastian ang pagsuntok ng lalaki, pagkatapos ay hinawakan nito ang brasong pinigilan niya at pinilipit ito. "Aaahhh!!." hiyaw sa sakit ng lalaki. "Paano ba 'yan, hanggang sa salita ka lang pala." ngising saad ni Sebastian habang hawak parin ang pinilipit na braso ng lalaki. "Su-suko na 'ko." pagmamakaawa ng lalaki. "Hindi, alam ko sa tunay na lalaki ay hindi sumusuko." "Ahhh! Parang awa mo na, ayaw kong mabalian." sumamo pa ng lalaki. "Baste, tama na 'yan." Napalingon si Sebastian sa nagsalita. At nakita niya si Richard na nakikiusap ang mata sa kanya. Gaya ng pakiusap ni Richard, pinakalawan na ni Sebastian ang lalaki. "Pasalamat ka at mabait ang kadate ko, kungdi talagang babaliin ko ang braso mo." baling ni Sebastian sa lalaki, na ngayo'y hawak-hawak ang brasong nasaktan. Kaagad na rin lumayo ang lalaki at natakot na baka magbago pa ang isip ng muntikan ng bumali sa braso niya. "Pasensya na Chard, akala ko madadaan ko sa usapan ang loko, gusto palang makausap ang kamao ko eh." hingi ng pasensya ni Sebastian na hinaluan pa ng biro. Napangiti na lang si Richard sa narinig, pero napalitan ng pagkabahala matapos makita ang duguang kamao ni Sebastian. Kaagad kinuha ni Richard ang panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang dugo sa kamao ni Sebastian. "Sorry, kung hindi dahil sa'kin, hindi mangyayari ito." malungkot na saad ni Richard. "Chard, wala kang dapat ihingi ng sorry." maagap na saad ni Sebastian at hinawakan ang mukha ng una. "At nagpapasalamat ako sa'yo na binigyan mo ako ng pagkakataon na makadate ka. Kaya kung meron man dapat humingi ng sorry ay ako 'yon. Pasensya na, imbes na magkasama tayo, nagawa ko pang iwan ka para lang dun sa lokong 'yon." mahabang dagdag pa ni Sebastian. "Ayos lang, ang importante ngayon ay kasama na ulit kita." ngiting saad ni Richard. Sa nakitang ngiti ni Richard, dahan-dahan nilapit ni Sebastian ang sarili sa hawak parin na mukha ng una. Hinintay naman ng walang pagtutol ni Richard ang nais gawin ni Sebastian at nagtagpo nga ang mga labi ng dalawa. Gaya ng unang beses na mahalikan niya si Richard, ibayong sarap sa pakiramdam ang nadarama ni Sebastian sa tuwing hagkan-hagkan ang mga labi na 'yon ng una. Parang ayaw na nitong pakawalan pa si Richard na animo'y isang masarap na putahe na kailanman ay 'di niya pagsasawaan. Hingal na hingal si Richard pagkahiway ng labi nila ni Sebastian. At kita rin nito na ganun din ang huli. Sa isip ni Richard, tunay ngang bihasa at masarap humalik si Baste, sa naisip ay uminit ang mukha nito at alam niyang namumula na rin sa mga oras na iyon. "Tara na Chard." yakag na saad ni Sebastian, habang kaya pa nitong magpigil na maangkin ulit si Richard dito mismo sa labas ng resto. "May pupuntahan pa tayo?" tanong ni Richard, na buong akala'y tapos na ang gabi ng date nila ni Sebastian. "Oo." maikling sagot ni Sebastian at muli nitong pinagtapo ang kanilang mga kamay. Pagdating nila sa sasakyan, kaagad pinaandar ito ni Sebastian papunta sa lugar na surpresa nito kay Richard. ... Walang kaide-ideya si Richard sa susunod na pupuntahan nila ni Sebastian. At gusto man nitong tanungin ang huli, alam n'yang hindi rin nito sasabihin sa kanya kung saan ang tungo nila. Gaya kanina ng papunta sila sa resto, tahimik lang si Sebastian habang nagmamaneho. Ang kaibahan lang ngayon, kita niya ang nangingiting mukha nito. At nahiling ni Richard sa sarili, sana s'ya ang dahilan ng ngiti na 'yon ni Sebastian. Sa dahilang masaya rin siya sa tuwing kasama n'ya ang huli. Ilang minuto pa ang lumipas, huminto na sa pagmamaneho si Sebastian. Kaagad naman napatingin sa lugar si Richard at unang nakakuha na kanyang pansin, ay ang maliwanag na yate na nakadaong sa dagat at malapit sa inintuhan ng sasakyan nila ni Sebastian. Naputol ang namamanghang mukha ni Richard sa nakita ng pagbuksan siya ng pinto ni Sebastian, na 'di niya namalayan na nakalabas na pala ng kotse. "Halika ka na, hinihintay na tayo ni Dolores." yakag ni Sebastian sabay lahad pa ng kamay kay Richard. Naguguluhan man kung sino si Dolores, kaagad inabot ni Richard ang kamay ni Sebastian. At 'di ito makapaniwala ng tinungo nila ang daan, papunta sa yate na kanina lang ay namamangha niyang pinagmamasdan. "Sa-sandali Baste, si-sigurado ka bang maaari tayong pumunta d'yan?" nababahalang tanong ni Richard na nakaturo pa ang kamay, bago pa sila tuluyang makasakay sa yate. "Hindi ba ang sabi ko kanina may pupuntahan pa tayo?" simulang paliwanag ni Sebastian. Isang tango naman ang naging sagot ni Richard. "Heto na 'yon, ipapakilala ko sa'yo si Dolores, isa ito sa mga yate na pagmamay-ari ni papa." patuloy na paliwanag ni Sebastian. "Pagmamay-ari ng papa mo? Ibig sabihin ang pamilya mo ang may-ari nito!" nanlalaking matang tanong ni Richard na 'di makapaniwala sa narinig. "Oo, pero ako na ang namamahala ngayon dahil madalang na lang silang umuwi ng Pilipinas." kaswal na sagot ni Sebastian. "Ah." tanging reaksyon ni Richard, ang buong akala kasi nito ay simple lang na sundalo si Sebastian at kung may kaya man sila sa buhay, hindi ganito na sobrang yaman pala. "Sorry, nagulat ba kita. Sa katunayan, ikaw palang at si tito ang nakakaalam nito, maging ang mga kuya mo ay hindi rin alam." paliwanag pa ni Sebastian. "Me-medyo, akala ko nga nirentahan mo lamang ito at sobrang nahihiya ako dahil sa gumastos ka pa ng malaki para lang sa date natin." nahihiyang tapat na saad ni Richard. Napangiti naman si Sebastian sa narinig, hindi nga niya pinagsisihan na lubusang kilalanin ang bunso ng Heneral. "Huwag mong sabihin na date lang, ang pagpayag mo lang sa akin, malaking bagay na at gusto kong makilala natin ang isa't-isa, kaya ko ipinaaalam sa'yo ang mga bagay na hindi alam ng iba tungkol sa akin." mahabang saad ni Sebastian at itinaas ang hawak na kamay ni Richard sabay dampi ng halik rito. Inaamin ni Richard na sobrang kinilig ito, hindi lang sa ginawang paghalik ni Sebastian sa kanyang kamay, maging sa mga sinabi nito. "So tara na?" nakangiting tanong ni Sebastian. "Sige." nakangiti rin na sagot ni Richard. At magkahaway kamay nilang tinungo ang loob ng yate. Hinayaan ni Sebastian na maglibot si Richard sa loob ng yate, na 'di maitago ang saya ng mukha pagtungtong palang nila. Napapikit pa si Richard habang ninanamnam ang malamig na hangin at ang simoy ng dagat. "Ang sarap ng hangin." 'di na mapigilang bulalas ni Richard na nakapikit parin sa mga oras na 'yon. Masaya naman na pinagmamasdan ni Sebastian ang tuwang-tuwang si Richard. "Tara Chard, siguradong mas magugustuhan mo sa taas." yakag ni Sebastian pagmulat ng mga mata ni Richard. "S-sa taas? O-okay na ako dito." kabang saad ni Richard. Napansin naman ni Sebastian ang takot sa mga mata na 'yon ni Richard. "Huwag kang mag-alala, kasama mo naman ako at promise sigurado akong magugustuhan mo dun." pagtitiyak na saad ni Sebastian. "Si-sige." pagpayag ni Richard at may tiwala ito sa pangako ni Sebastian. Mahigpit na hinawakan ni Sebastian ang kamay ni Richard, habang paaakyat sila sa itaas na deck ng yate. Ilang saglit pa ay nakarating na rin sila. Tama nga ang sinabi ni Sebastian sa kanya, ramdam ni Richard ang medyo malakas at mas malamig na ihip ng hangin dito sa taas. Kita rin niya ang mga bituin na bumabalot sa madilim na langit, na ibayong saya ang dulot sa kanya habang pinagmamasdan ang mga ito. "Ang ganda!" manghang-manghang saad ni Richard. "Sobrang ganda nga." mahinang usal ni Sebastian, na sa mukha ni Richard kanina pa ang tingin. Matapos magsawa sa pagtingin sa mga bituin, binaling ni Richard ang paningin kay Sebastian at nakita nito ang mataman na pagtitig ng huli sa kanyang mukha. "Thank you." nakangiting saad ni Richard, na sobrang saya sa naging una nilang date ni Sebastian. "No, thank you." balik ni Sebastian, na hindi-hindi magsasawa na magpasalamat sa binigay na pagkakataon ni Richard na lumabas sila. At nang magtama ulit ang mata nila, hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Richard, ngayon siya naman ang unang hahalik sa lalaking alam niyang laman na ng puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD