Ikatlong araw na namin dito sa Baguio. So far, nage-enjoy ako kahit papaano sa mga activities namin. Halos dikit lang din palagi ang laban namin ni Chay. Hindi ako napayag na magiging partners kami sa isang activity, dahil nga ang gusto ko ay makalaban siya. Hindi rin naman ako nagkakamali dahil may ibang mga estudyante ng Fine Arts ang mahuhusay din sa pagpe-paint at paggawa ng artworks. Pero kay Chay ako mas nacha-challenge. Kahapon ay sobrang dami niyang napakita sa akin na humanga ako sa kaniya, pero hindi rin mapagkakaila na mas natutuwa ako na kalaban siya. Hindi rin ako nakakaramdam ng inis kapag natatalo niya ako. Tulad nga ng sabi niya, what we are doing is sport. Pwedeng matalo at pwede rin na manalo. Ipinapakita rin naman niya sa akin na ayos lang sa kaniya kapag natatalo ko siy