Hinila ko na si Jeneive paalis sa crowd. Naghihiyawan na kasi ang mga estudyante roon. Kinakatyawan pa kami ng mga kaibigan ko. Kaya naman ay inalis ko na lang siya agad doon. Nakarating naman kami sa loob ng library. Wala pa namang tao rito dahil maaga pa, bukod sa librarian. Tumungo siya ng bahagya sa akin dahil nga alam naman niya na anak ako ng may-ari ng unibersidad na ito. Agad naman akong tumingin kay Jeneive. “Are you okay? May masakit ba sa ‘yo?” tanong ko sa kaniya habang sinusuri ko pa ang kaniyang leeg. Baka mamaya ay napadiin ang pagkakasakal sa kaniya ng Aron na ‘yon kanina. Umiwas naman siya ng tingin sa akin at bahagyang lumayo. “Ayos lang naman ako. Hindi naman ako gaano nasaktan kanina. Thank you for saving me there,” sagot niya. Parang nahihiya pa siya sa akin ngayon